Kabanata 36

73 11 4
                                        

Ang hawak kong journal ay mabigat sa aking mga kamay. "Bakit kayo pumasok sa shop ng lola ko?" Nagpatuloy si Cassandra, tumitigas ang boses niya habang inaalam ang eksena at umaabante sa amin. "Bakit?"

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa libro. "Dahil gusto kong malaman kung sino ang nanakit sa kanya."

"Inatake siya ng hayop, ito ay isang--"

Umiling ako at tumigil ang kanyang mga salita. “Alam mo ang totoo, Cass. You have to." Nakatira siya kasama si Lola Belen. Pinalibutan ni Lola Belen ang sarili ng mahika at misteryo. Paanong hindi alam ito ni Cassandra? “Ikaw ang nagsabi sa akin tungkol sa Habagat at sa mga mangkukulam na pumunta rito--”

Napalunok si Cassandra. “Kuwento lang yan. ginugulo lang kita. Hindi ko…”

Ang kanyang mga salita ay natigil, na parang hindi niya kayang tapusin ang alam niyang kasinungalingan.

"Sinumpa ang bayan ng Habagat." Si Vina ang nagsalita ngayon. “Isang lobo rin ang umatake sa akin noon.”

“Umatake din ito sa akin kamakailan lang,” tahimik kong sabi.

"At pinatay nito ang iyong lola, Cassandra." pagtatapos ni Vina.

Tinitigan ako ni Cassandra, sa nanlalaki niyang mga mata.

"Ngunit hindi ito isang ordinaryong lobo." Napahawak ako ng mahigpit sa journal na iyon. "Ito ay isang taong nakatira dito sa Habagat, isang taong sinumpa. Isang taong nagiging lobo at pumapatay."

Walang pagbabago sa ekspresyon ang bumalatay sa mukha ni Cassandra, ngunit napalunok siya, isang beses, dalawang beses, na parang sinasakal ang emosyon. "Palagi niyang sinasabi sa akin na panatilihing suot ko ang pilak." Bumaba ang tingin niya sa kwintas ko. "Nais niyang panatilihin mo rin sa katawan mo ang suot na pilak."

Oo, para maging ligtas ako.

I realized then that, yeah, Cassandra understand the truth, kahit ayaw niyang aminin sa sarili niya.

Pumikit ang mga mata niya. "Alam mo na kung sino ang mga lobo?"

Masyadong hungkag ang boses niya. Too broken. Tumango ako, then realized she couldn't see me. "Nalaman ko na ngayon."

Bumukas ang mga mata niya at napabaling ito sa journal. Nakita ko ang pag-unawa sa kanyang matalas na mga titig. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Ibigay mo sa akin ang libro."

Hindi ko gagawin yun. Right then, hindi ako dapat magtiwala sa gagawin niya. Ramdam na ramdam ko kasi ang paglaganap ng galit niya sa buong kwarto. "Hindi naman lahat sa kanila masama, Cass—"

"Kalokohan!" Parang latigo ang boses niya. "Pinatay si Lola ng isang taong lobo! Pinunit niya ang katawan ni Lola! Kaya huwag kang tumayo diyan at sabihin sa akin na hindi sila masama!"

"Isang lobo lang." Pinagtibay ko ang aking mga paa at itinaas ang aking baba. "Hindi lahat sila. Hindi mo sila kayang parusahan lahat."

"Bakit, sa tingin mo hindi ko magawa?" Tumawa si Cass, at hindi ko talaga gusto ang mapanuksong tunog na iyon. Ang sakit at galit ay itinutulak siya nang labis na pagkamuhi. “Kung totoo ang sinasabi mo. Pwes, dapat lahat ng mga halimaw, marahil ay oras na para alisin sila sa mundong ito ng isang tao."

"You don't mean that." I hoped she didn't. "Upset ka lang. Kailangan mo ng—”

“I need my grandmother back.” Malamig at mapait ang ngiti niya. "Ngunit hindi ko palalampasin ang hinayupak na yun na pumatay sa kanya sa lupa."

Hindi na siya ang Cassandra na nakilala ko. “Hayaan mo na si Dad ang—”

“Ang ano? Hayaan siyang makahanap ng higit pang mga bangkay? Hayaan siyang protektahan ang mga lobo?" Tumawa siya ng nakakabaliw. Alam kong sobrang sakit na ng loob niya. “Ang mga lobo. Sinabihan ako ni lola na mag-ingat sa mga halimaw na iyon. Sinabi niya sa akin na sila ay nangangagat at nangangalmot, ngunit hindi niya sinabi sa akin na ang ibig niyang sabihin ay aktwal na mga taong lobo! Hindi niya sinabi sa akin na totoo sila!"

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon