Kabanata 30

57 10 6
                                    

Nagmamadali akong humakbang papunta sa pinto, ngunit pinigilan ako ng aking ama. Binuksan niya ito, at bumungad si Cassandra, na may bakas ng mga luha sa kanyang pisngi, she stumbled into Dad's arms.

"Pakiusap, Chief Lambino!" Nanginginig siya at umiiyak at halos hindi ko siya maintindihan. "Si Lola!"

"Cassandra?" Lumapit ako sa kanya, pero parang hindi niya ako pinapansin.

"Kumalma ka." Malakas ang boses ng tatay ko para kumalma siya. "Kalma lang, at sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari."

Bumuntong hininga si Cassandra. "Si lola. Nawawala siya. Pagdating ko mula sa laro kasama si Jake, sira at nagkawasak-wasak na ang shop namin..."

"Tumawag ka na ba sa istasyon?"

"H-hindi...diretso po akong pumunta sa inyo." Pero nang lumingon sa akin ang mga mata niya. "Alam kong mahahanap mo siya."

Hindi na niya kinakausap ang tatay ko.

"Pakiusap." Bulong nya. "May naiwang dugo do'n sa shop. Nawawala si lola, at kailangan kong hanapin siya. Kung mawawala siya, wala ng matitira pa sa akin!"

Isa na namang tao ang nawawala.

"Amara..." Isang warning note ang pumasok sa boses ng aking ama.

Huli na. Ang kapangyarihan sa loob ko ay pumutok na. Sa isip ko, nakikita ko si Lola Belen. Wala siya sa bayan. Wala sa bahay niya. Ang kanyang katawan ay nasa kakahuyan, nakakulong sa ilalim ng mga sanga.

Inalis ko ang tingin ko sa desperado na mga mata ni Cassandra at tumakbo sa nakabukas na pintuan sa harapan.

"Amara!" Dumagundong ang mga yapak ng aking ama habang nakasunod siya sa akin.

Diretso akong tumakbo papunta sa kakahuyan. Alam ko kung nasaan si Lola Belen. Baka maabot ko siya ng mabilis, baka mailigtas ko siya. Ang paraan na hindi ko nailigtas si Daisy. Si Katelyn. At ang nanay ko.

Napuno ng alulong ng lobo ang gabi, at mas mabilis akong tumakbo.

Kakarating ko pa lang sa gilid ng kakahuyan nang hawakan ni Dad ang braso ko. Natigilan ako nang itanong niya na, "patay na ba siya?"

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Hindi ko alam." Hindi ko makita ang mukha niya. Tanging dugo na lang ang nakikita ko sa ilalim ng katawan niya. "Kung hindi natin siya makukuha sa lalong madaling panahon, posibleng mamamatay nga siya." Blood would attract the predators in the woods. All of them.

Inilabas na ni Dad ang cell phone niya. Tumawag siya para sa back-up at sa isang ambulansya.

Cassandra had stumbled down the porch. Nanginginig ang katawan ko sa tensyon. Kaya kailangan ko ng umalis. Kinailangan kung tumakbo ng mabilis at hanapin si Lola Belen.

Nawawala si Lola Belen, at kailangan niya ako.

Ini-end na ni dad ang tawag niya at inilabas ang baril niya. "Malapit lang ba rito ang kinaroroonan niya?"

"Nasa kakahuyan siya." Itinuro ko ang madilim na kakahuyan. "Nasasaktan siya ngayon."

Humagulgol ng iyak si Cassandra.

Hinawakan ni Dad ang kamay ko. "Hawakan mo lang ako, bawat segundo, nakuha mo? Wag kang tumakbo do'n mag-isa, and if you see any wolf--"

My gaze darted to the gun. "Hayaan mo akong bahala sa lobo na 'yon," pinal na pahayag ng aking ama.

Napalunok ako at tumango. Tapos sabay na kaming tumakbo sa dilim.

------

Kumakagat ang mga sanga sa aking mga braso habang tumatakbo kami sa kakahuyan. Malapit na kami ngayon sa kinaroroonan ni Lola Belen, sobrang lapit na. Sumunod naman si Cassandra sa likod namin, kahit na inutosan siya ni Dad na bumalik.

Hindi ko siya masisisi. If Lola Belen is my grandmother, I want to be here, too.

Pabilis ng pabilis ang pagtakbo namin, at naramdaman ko na lang na may humihila sa katawan ko, parang magnetic force na humihimok sa akin palapit kay Lola Belen. Hindi na kami malayo ngayon, hindi na kami malayo kay Lola Belen.

We burst through the trees, at nakita ko ang katawan ni Lola Belen na nasa ilalim ng puno, ngunit...hindi siya nag-iisa.

"Bumalik na kayo!" Biglang utos ng tatay ko sa amin ni Cassandra. Tinulak niya ako sa likod niya at itinaas ang kanyang baril.

"Ikaw diyan-lumayo ka sa matanda at itaas ang iyong mga kamay!" Ang kanyang boses ay isang dagundong na humihingi ng pagsunod.

Dahil may yumuko sa katawan ni Lola Belen. Isang tao, hindi isang hayop. Tumingin ako sa paligid ng aking ama at nakita ko ang taong lumabas mula sa anino.

Matangkad, malakas, naka loose jeans at walang suot na pang-itaas - Si Baron?

"I found her like this," sabi niya habang nakataas ang kanyang mga kamay. "Kailangan niya ng tulong!"

Gusto ko siyang paniwalaan. Pero sa liwanag ng buwan, kitang kita ko ang dugo sa mga kamay niya.

Wag kang maniwala kay Baron.

"Amara." Ang boses ng aking ama ay mahinahon at flat. "Ilabas mo ang aking cell phone at bigyan mo ang mga back up ko ng direksyon upang mahanap nila tayo."

Hindi ako sigurado na makakapagbigay ako ng magagandang direksyon, ngunit susubukan ko. Kinuha ko yung phone niya. Isang pagpindot at nasa linya na si deputy Jun.

"Makinig kayo sa akin!" narinig kong sabi ni Baron kay Dad. "Hayop ang gumawa nito kay Lola Belen, hindi ako. Nandito ako para tulungan siya!"

Ngunit ang ilang mga hayop ay maaaring isa sa mga lalaki sa Habagat.

"Layuan mo siya," utos ng tatay ko sa kanya.

Tumalikod si Baron.

"Itaas ang mga kamay mo." Hindi ibinaba ng tatay ko ang baril niya habang tinatahak niya ang katawan ni Lola Belen.

Yumuko si Dad at inilagay ang mga daliri sa leeg ni Lola Belen para pulsohan siya.

"Lola!" sigaw ni Cassandra. Sinubukan niyang sumugod sa katawan ng lola niya, ngunit hinawakan ko siya at niyakap ng mahigpit.

Kaya kong maging malakas kapag kailangan ko.

Hindi na gumagalaw si Lola Belen, ngunit ang pool ng dugo galing sa katawan niya--mukhang itim ito sa liwanag ng buwan.

Sinalubong ako ng tingin ng tatay ko.

Please, buhay lang sana si Lola Belen. Buhay lang sana siya.

"Sabihin kay Jun na kailangan natin ang mga EMT ngayon na!" At napagtanto ko na baka may pagkakataon pang mailigtas namin ang isang tao. Sana sa pagkakataong ito.

------

Pinalabas nila si Lola Belen sa kakahuyan. Siya ay kinalmot. Ang kanyang mga braso at dibdib ay natatakpan ng malalalim na laslas, ngunit siya ay buhay.

"Bakit siya nasa gubat? Paano siya napunta dito?" tanong ni Cassandra. Ang kanyang boses ay hungkag, at naisip kong naging manhid siya. O baka sa pagkabigla lang.

"Hindi ko alam."

"Ang shop namin ay masyadong nawasak."

Mukhang may tinatakbuhan si Lola Belen.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kakahuyan, pero imbes na makita ko ang mga puno, si Baron ang nakita ko. Dalawang pulis ang nasa bawat gilid niya, at ang matitigas niyang titig ay nakatutok sa akin.

Tumunog ang sirena ng ambulansya, at umakyat si Cassandra sa likod kasama ang mga medical attendant.

Lumayo ako sa sasakyan.

"Amara!" Tumaas ang sigaw ni Cassandra kaysa tunog ng sirena, kaya natigilan ako at sinalubong ang titig niya.

"Salamat." She mouthed.

Tumango ako.

Ang aking sikreto ay opisyal ng lumabas. Alam na ng lahat. Akala ni Ralf na delikado ito pero...pero okay lang kung may naligtas naman ako na isang tao.

Siguro oras na para tumigil na ako sa pagtatago ng aking sikreto. Oras na para maging ako kung sino talaga ako. Kahit na kakaiba ako at isang freak kung tawagin nila.

Basta ito talaga ang totoong pagkatao ko.

*****

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon