Kabanata 32

61 11 5
                                    

Hinatid ako ni Deputy Jun pabalik sa bahay. Nagpunta ang tatay ko sa ospital para tingnan ang kalagayan ni Lola Belen, at ipinadala niya ang kanyang asong bantay para matiyak na nakauwi ako nang ligtas.

Pumasok si Deputy Jun sa loob ng bahay at nag-full sweep. Medyo naging sweet siya sa ginawa niyang pag ki-clear sa loob ng bahay. Sweet in his pushy, deputy way.

"Clear ang lahat, Amara." Hinawakan niya ang sumbrero sa kanyang mga kamay. “Mayamaya lang ay uuwi na yung Dad mo. Hanggang sa makarating siya rito, mananatili ako sa labas at magbabantay sa lugar."

"Hindi mo kailangang--"

"Oo, kailangan ko." Binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti, na kitang-kita ang sobrang puti niyang mga ngipin. "Utos ni Boss eh."

Well, hindi na ako makikipagtalo sa kanya. I walked him out and locked the door.

Huminga ako ng malalim. At nakita ko na lang ang duguang katawan ni Lola Belen.

Shit. Nagmamadali akong pumunta sa kusina. Kailangan kong kumapit. Hindi ako maaaring matumba ngayon. Hindi ko kayang—

But an arms came up and yanked me back against a strong body. Ibinuka ko ang aking bibig para sumigaw upang marinig ako ni Deputy Jun, ngunit tinakpan ng isang kamay ang aking bibig.

"Easy." Isang harsh na bulong ng lalaki. "Hindi kita sasaktan." Boses ni Baron ito.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

"Ayokong sumigaw ka para marinig ng deputy na iyon. Dahil alam kong papasok ang lalaki na may hawak ng baril at baka pagbabarilin lang niya ako." Bahagyang humihip ang hininga niya sa aking tainga. "Amara, relax, pangako hindi ako nandito para saktan ka."

Sabi ng lalaki sabay takip ng kamay sa bibig ko.

At paanong hindi siya nakita ng deputy noong nag sweep si Deputy Jun sa buong bahay? Saan kaya nagtago ang lalaki?

"Kailangan kitang makausap. Tragis, ikaw lang ang dahilan kung bakit ako nasa kagubatan ngayong gabi."

Naninigas ang mga tuhod ko.

"Please, Amara, bigyan mo lang ako ng pagkakataong magpaliwanag." Napuno ng buntong hininga niya ang tenga ko. "I'll move hand and just...basta wag ka lang sumigaw, okay?"

Hindi ko maipapangako yun. Not like I could anyway, not until he move that hand.

Umangat ang kamay niya, at pinaharap niya ako sa kanya. "Hindi ko sinasadyang takutin ka." His eyes was intense and hard.

"Sa susunod huwag mo akong hablutin sa dilim!" Sinamaan ko siya ng tingin habang ang bilis ng tibok ng puso ko. "Paano ka nakapasok dito?"

"Pinili kong pasukin ang back door niyo."

Hindi ko inaasahan ang sagot na iyon.

Dinilaan niya ang kanyang labi. "Pinagmamasdan lang kita mula sa kakahuyan. Naghintay lang ako hanggang sa lumabas si Deputy Jun."

"Tapos pumasok ka rito." Tumaas ang goosebumps sa aking mga braso. Sinubukan kong umasta na para cool lang, ngunit nagsisimula akong pawisan. Baron was a big guy, at alam kong mas malakas siya kaysa sa akin. "Ano ba ang gusto mo, Baron?"

Nag-alinlangan siya. “Alam mo na, hindi ba?”

“Alam ang ano?” Kaya kong magpanggap na hindi ko alam. Marahil iyon ang magiging mas ligtas, mas matalinong pagpili. Pero kitang-kita ko sa ekspresyon ng mga mata niya na naramdaman ni Baron ang totoo. Mabagal na bumuntong-hininga ang aking hininga, at ang aking puso ay hindi bumagal nang kaunti habang sinasabi kong, "Ang ibig mong sabihin ay alam ko ba na maaari kang mag-transform sa pagiging mabalahibo at tutubuan ng pangil kapag tumakbo ka sa kakahuyan?"

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon