Kabanata 34

56 10 7
                                    

Nanatili ako kay Cassandra hanggang sa dumating ang tiya niya para sunduin siya. Matangkad at payat si Rhoda Cortes, at mukhang mas malambot siya na bersyon ng kanyang anak na si Jake. At nandoon nga rin si Jake para sunduin si Cassandra. Hinawakan siya nito sa isang mahigpit na yakap at niyakap niya nang mahigpit ang pinsan nito.

"Isang hayop?" narinig kong tanong ni aling Rhoda sa Dad ko. "Isang hayop ang pumatay sa aking ina?"

Marahang tumango si Dad.

Pumikit ang mga mata ni aling Rhoda. "Minsan, kinasusuklaman ko ang bayang ito."

Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Pero nang abutin niya si Cassandra, lumambot ang mukha niya. "Halikana, sweetie, magiging maayos din ang lahat."

Si Cassandra ay hindi partikular na mukhang naniniwala sa kanya.

Dahan-dahan silang umalis, at pinanood ko sila hanggang sa mawala ang kanilang sasakyan.

"Pupunta ako sa kakahuyan ngayon."

Napatingin ako sa mahinang boses ng tatay ko.

"Isasama ko si Carlos." Ang tinutukoy niya ay ang ama ni Ralf. Pero mapagkatiwalaan kaya niya si Mang Carlos? "We're going to do some tracking," pasimple niyang sabi.

Sinundan ko siya pabalik ng bahay. Pinagmasdan ko siya habang papasok siya sa kanyang aparador at naglabas ng isang rifle. At isang maliit at itim na kahon na itinatago niya sa tuktok na istante. Binuksan niya ang kahon, at nakita ko ang mga kumikinang na bala. Mga pilak na bala.

"Ang mga kwento tungkol sa mga taong lobo na nagpapalit lamang sila ng anyo sa mismong kabilugan ng buwan ay biro lang ba, Dad?" tanong ko.

He grunted. “Iyan ay kwento lamang sa mga Hollywood movies. Ang totoo, maaari silang magpalit ng anyo anumang oras. Pero mas malakas sila kapag lumubog ang araw."

Whoa! Sarap malaman na galing mismo sa Dad ko.

"At kapag ang kabilugan ng buwan ay sumikat," sinulyapan niya ako nang may kumikinang na tingin, "sila ay halos hindi mapigilan. Maging mas malakas sila, mas mabilis, at mas mapanganib."

Napalunok ako.

"Kung ikaw ay mangangaso, mas maigi na manghuli ka sa kanila kapag sila ay mahina."

"Makes sense to me," bulong ko. Pagkatapos, dahil kailangan kong malaman, sinabi ko, “Ang mga lobo ba ang dahilan kung bakit mo iniwan noon ang Habagat, Dad?”

Pinadausdos niya ang isang pilak na bala sa chamber. “Gusto ko ng normal na buhay para sa iyo. Nung nalaman kong buntis ang mama mo, pareho naming ginusto yun.”

Tama, nakita ko ang sertipiko ng kasal ng aking mga magulang. Alam kong nagpakasal sila dahil ipinagbubuntis ako ng nanay ko. Pero alam ko rin na mahal nila ang isa't isa. "Kaya lumipat po kayo sa lungsod."

Tumango siya at itinulak ang isa pang bala sa loob ng kanyang baril. “Grabe ang galit ng lola mo sa amin, hindi na niya ako kinakausap. Sinabi ko pa nga sa kanya na inabandona ko ang anumang pamana niya."

Nilibot ko ang paningin ko sa tahimik na bahay. "Ano ba ang mga ipamamana niya sayo, Dad?"

Binisita ng nanay ko si Lola Belen, at naniniwala siya sa pangkukulam. Talaga bang…isa siyang mangkukulam? Hindi, hindi pa rin ako naniniwala na mangkukulam ang nanay ko.

“Ang pamilya ko…” mahinang nagsalita ang tatay ko habang pumulupot ang kanyang mga daliri sa isa pang bala. "We've always been the hunters."

So pamilya ng hunters ang tatay ko, hindi mangkukulam. Medyo bumagal ang pintig ng puso ko.

"Ang mga lobo ay tumatawid sa linya, paminsan-minsan."

At doon sila nagsimulang pumatay ng mga tao.

"Kapag ginawa nila iyon, kailangang pigilan sila ng isang tao." Ibinalik niya sa pwesto ang baril gamit ang mabilis at tuluy-tuloy na paggalaw ng kanyang braso. "Ang pagpigil nila ang ginawa ng aking pamilya sa loob ng maraming siglo." Sinalubong niya ang titig ko. “Itinumba namin ang mga delikadong lobo. Sa anumang paraan na kailangan."

Isang hunter. Isang hunter pala si Dad.

“Dad...” I wet my lips, pero kailangan kong sabihin sa kanya. "Si Ralf at Baron ay mga lobo."

Hindi siya mukhang nagulat. "Alam ko ang tungkol sa kanila."

"At hindi mo iniisip na—"

"Papatayin ko lang kapag sigurado ako sa aking biktima."

Nagdikit ang aking mga ngipin kahit na namumuo ang takot sa aking tiyan. Sinigurado niya ang huling bala, pagkatapos ay itinaas ang kanyang kamay at hinawakan ang aking baba. "Kailangan kong pigilan ang lobong gumawa sa mga pag-atakeng ito."

Alam ko yan. Gusto ko ring pigilan niya ang halimaw bago ito makapatay ng iba pa. Ang ayaw ko lang na masaktan ang tatay ko sa proseso.

"Huwag kang pumunta sa kakahuyan ngayon, Amara. Panatilihin mong malapit lang sayo ang iyong spray."

Nilagay ko na sa purse ko ang spray. Naisip ko na ang sikretong sangkap sa spray na iyon ay likidong pilak.

"Kung natatakot ka o kung kailangan mo ako, tawagan mo lang ako agad."

"Gagawin ko po 'yan." Ngunit hindi ako nag-alala para sa aking sarili. Hindi ako ang pupunta sa kakahuyan para harapin ang isang taong lobo. Kundi nag-alala ako para sa tatay ko. "Ang tatay ni Ralf...para rin siyang si Ralf, di ba?"

Isang malungkot na tango ang iginawad ni Dad.

“Paano mo siya mapagkakatiwalaan? Paano kung—"

"Kilala ko siya simula bata pa ako, at siya ang pinakamahusay na tracker na mayroon ako." Pahayag ni Dad. "At lahat ng lobo ay hindi masama, baby. Just like all humans.”

“Sure, all humans aren’t good,” pabulong kong pagtatapos. Isa itong aral na alam naming dalawa.

-----

Isang linya ng dilaw na police tape ang humarang sa pasukan ng tindahan ni Lola Belen. Sinara ko ang pinto ng kotse ko at napatingin sa madilim na gusali.

Nandiyan pa si Lola Belen kahapon, nagmamadali sa likuran, binabalaan ako tungkol sa mga panganib na darating sa akin. Pero alam rin ba niya ang tungkol sa banta na darating sa kanya?

Handa akong itaya ang buhay ko na mayroon siya. Ang isang babaeng katulad niya ay makakakilala ng kamatayan kapag ito ay lumapit sa kanya.

Alam mo ang lahat tungkol sa mga lobo, hindi ba, Lola Belen? Lahat tungkol sa kanila.

Nakapagpasya na ako na papasukin ang shop niya. Kung tama ako, baka may naiwan siyang ilang impormasyon, ilang palatandaan, at isang bagay na makakapagturo kung sino ang gumawa no'n sa kanya.

*****

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon