Kabanata 6

153 10 2
                                    

Isang kakaiba at maliit na tindahan ang nakakuha sa aking paningin. I’d done my bit at school, made it through the day by only pissing off one jerk—score for me!— and I was doing my good girl routine and heading to the police station after school.

Tapos nakita ko yung shop. Maliit, maliit talaga, na may mga salamin na bintana at nakatagilid na karatula malapit sa pasukan na nagsasabing, "Charmed."

Ngunit hindi ko makita ang loob ng shop. Tanging repleksyon ko lang ang nakita ko. Maputlang balat. Mahaba at maitim na buhok.

Sarili ko lang talaga ang nakikita ko.

Naglakad ako palapit, feeling ko parang hinihila ako papasok ng shop. Isang maliit na kampana ang tumunog sa itaas nang dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Unang tumama sa akin ang bango. Insenso. Hindi masamang amoy, kundi isang amoy na kumikiliti sa aking ilong. Inilibot ko ang paningin ko sa shop. Mga istante ng mga libro. Maliliit na garapon ng salamin, lahat ay maingat na may label. Ang mga kandila roon ay nakalinya sa isang dingding, lahat ng hugis at kulay.

Bumuga ako ng hininga. Isang spell shop. Alam ba ni Dad na nandito ang lugar na ito?

"Matutulungan ba kita?"

Napatalon ako dahil hindi ko man lang narinig na lumapit ang babae. Siya ay maliit, na may nakayukong mga balikat at kayumanggi ang balat. Ang kanyang maitim na mga mata ay parang itim na karbon, at malawak siyang nakangiti sa akin. "May kailangan ka ba, Ineng?"

"Tinitingnan ko lang po ang mga ito." I gave her a tentative smile back. "Anong klaseng tindahan po ito?" tanong ko kahit alam ko na. Sa totoo lang napakarami kong alam tungkol sa mga ganitong lugar.

"Bakit mo naman itatanong kung alam mo naman." Nakangiti pa rin siya ngunit ang kanyang tingin ay tila makahulugan. Then she came closer, definitely invaded my personal space, and she caught my arm.

Malamig ang pagkakahawak niya. Parang lamig ng isang yelo, at panginginig ang bumalot sa akin habang ang mga daliri niya ay kumapit sa aking pulso. "Madilim," bulong niya.

Ang pagpasok ko sa tindahan ay isang maling hakbang. Ngayon kailangan kong harapin ang kakaibang babaeng ito.

"Nararamdaman mo, hindi ba?" Tanong niya sa akin habang nakapikit.

"Um, hindi." Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagkakahawak niya na parang claw.

"Ang dilim ay nasa paligid mo, noon pa man, at malapit na."

Ito ba ang kanyang sales pitch? Seryoso? Mga taktika ng pananakot para bumili ang mga taong gumawi rito ng ilang kandila para sa proteksyon? Sinubukan kong bawiin ang braso ko, pero hindi siya kumikibo.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ako takot sa dilim." Totoong hindi ako takot sa mga sinasabi nila na halimaw, bampira o demonyo tulad ng napanood mo sa mga horror movies. Ang mga tao ay ang tunay na mga halimaw. Itinuro sa akin iyon ng tatay ko. Natutunan ko rin mula sa nanay ko ang leksyong iyon. Iyon ang huling aral na natutunan ko.

Bumukas ang kanyang mga mata at tila, umitim pa lalo ang mga mata niya kaysa dati. “Soon enough, matatakot ka sa dilim, Ineng. Matatakot ka sa naghihintay sa iyo."

Okay. Medyo natatakot na nga ako.

Muling tumunog ang bell, at napatingin siya sa balikat ko. Inagaw ko ang aking braso nang malakas, at napaatras ng isang hakbang habang umiikot para makita kung sino ang sasagip sa akin.

Isang babae ang nakatayo doon. Kaedad ko lang siya. Lumaki ang mga mata niya nang makita niya ako, pagkatapos ay nanliit ito nang tumutok siya sa babaeng nasa likod ko.

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon