Nakangiti sa akin si Vina habang inihugot niya ang kutsilyo sa tiyan ko. Awtomatikong tinakpan ko ang sugat, at dumaloy ang dugo mula sa aking mga daliri.
Itinaas niya ang kutsilyo sa labi niya at dinilaan ang dugo ko.
Crazy psycho bitch.
Pinagsama-sama ko ang aking lakas, at sinipa ko siya ng malakas sa abot ng aking makakaya. Napasigaw siya at napaatras.
Even I'm hurt, I could kick the crap out of her.
Tumalikod ako nun at sinubukang kumawala. Ang pagtakbo ay hindi talaga isang opsyon dahil, Diyos ko, nasaktan talaga ako ng husto. Ngunit mas gugustuhin kong harapin ang mga lobo kaysa sa kanya, anumang araw at—
“Pigilan mo siya!” sigaw ni Vina at lalong nag-ice ang dugo ko. "Pigilan mo siya o magiging ganito na lang tayo forever!"
Ang dalawang lobo ay tumigil na sa kanilang pag-aaway. Nagtatakbo sila palapit sa akin, nakabuka ang nakamamatay na mga pangil at nagniningning ang kanilang mga mata sa galit.
Bumagsak ako sa lupa at tinakpan ko ang ulo ko. Dalawa laban sa isa, walang armas, at, nagkanda leche na, hindi ko gustong matatapos ito sa ganitong paraan. Hindi ko gusto na ang aking ama ay makakita na naman ng mahal niya sa buhay na puno ng dugo.
Isang lobo ang dumaan sa akin. Ang isa ay sumugod sa akin at…at dinilaan ako. "
"Hindi!" sigaw ni Vina. " Hindi! hindi! Hindi!"
Umangat ang ulo ko. I heard the pops and the horrible cracks that were bones transforming. Natunaw ang balahibo mula sa katawan ng lobo habang nakapalibot ito sa akin.
Pinoprotektahan niya ako.
Bumalik ang mukha ng lobo sa pagiging tao — bumalik ito sa mukha ni Ralf. Ang kanyang mga mata ay kumikinang pa rin na dilaw, ngunit ang kanyang mukha…ay bumalik na sa pagiging si Ralf.
Nakapulupot ang mga braso niya sa akin. “It's okay. Ako na ang bahala sa—”
Isang alulong ang bumasag sa gabi. Puno ng sakit at galit. Umikot ang ulo ko, at nakita kong sinaksak ni Vina ang isa pang lobo. Sinaksak niya si Baron! Nakahandusay ang kanyang katawan sa lupa, at alam kong ang mga madilim na anino sa ilalim ng lobo ay talagang mga danak ng dugo. Tumayo siya sa ibabaw ni Baron, nakahawak ng kutsilyo ang kamay niya.
"See what you've done?" Sigaw ni Vina sa akin at nag-iiba na ang mukha niya, at nag-transform na siya sa pagiging lobo, lalong tumatalas ang pisngi niya, at humahaba ang kanyang panga. Hindi ko siya kailanman pinagdudahan. Hindi ko nakita ang pangalan niya sa libro, hindi ko napagtanto na—
"Kasalanan mo ito!" Umalingawngaw sa kagubatan ang tinig niya. “Nilagyan mo ng sumpa si Baron, di ba? Katulad ng ginawa mo kay Ralf! Tinulungan ka ni Belen, alam kong kayo ang dahilan, at ngayon ay—"
"Pinatay mo si Lola Belen." Sumambulat ang mga salita mula sa akin. Kahit ngayon, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hinila na ako ni Ralf, at ang weird lang, dahil hindi ko na naramdaman ang sakit ng sugat sa tiyan ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni Ralf sa akin. Mainit at malakas, ngunit wala na akong ibang naramdaman pa. Ni hindi ko na ngayon naramdaman ang sakit.
Ngumiti si Vina sa akin. Nakita ko ang mga pangil niya. Nakita ko pati ang kasamaan niya. Bakit hindi ko ito nakita noon? Bakit walang sinuman ang nagdududa sa kanya?
“How?” Ang biglang tanong sa kanya ni Ralf. "Hindi ka ipinanganak dito sa Habagat, hindi ka—"
"Mukhang nasiyahan ang lolo ko sa paghahanap ng ilang masasayang oras outside of his marriage." Nagkadikit ang matatalas na ngipin ni Vina. "Siyempre, hindi siya nag-abala na sabihin sa kanyang mga kalaguyo tungkol sa katangian ng pamilya niya na maging isang lobo."
BINABASA MO ANG
Bite For Once
Kurt AdamAlam ni Amara Lambino na ang kakahuyan malapit sa kanyang bagong tahanan ay hindi ligtas. Nakita niya ang mga lobo na tumatawid sa madilim na kagubatan na iyon, ngunit hindi madaling matakot si Amara. Si Amara ay likas na may talento, depende sa ku...