Dumating na naman sa akin ang bangungot. Nasa kakahuyan ako, tumatakbo. Ang kotse ni Baron ay nalukot sa likod ko, at ang ungol ng mga lobo ay nakapalibot sa akin.
Oo, mga lobo. Hindi lang isa. Kundi dalawa sa pagkakataong ito. Nagmula sila sa dilim, at ang kanilang kumikinang na dilaw na mga mata ay nakatutok sa akin. Ang unang lobo ay sumugod sa akin na ang duguang pangil nito ay nakalabas.
Wala sa akin ang aking pepper spray, at ang mga ngipin ng lobo ay bumaon sa aking braso, napunit at napunit ang aking laman. Ang mainit na sakit ay tumama sa akin habang ang dugo ay bumubuhos mula sa mga sugat. Napunit ang—
Biglang napadilat ang mga mata ko, at hinatak ko ang mga braso ko mula sa nagkasabunot na takip. My hand swiped out at natamaan ang lampara sa nightstand.
Bumaba ang tingin ko sa braso ko, umaasang makakita ako ng punit na laman. Pero, hindi, ayos lang ako. Everything was—
Isang mahinang tapik ang tumunog sa aking bintana. Umiling ako. Baka tulog pa ako.
But the tap came again. Binuksan ko ang aking drawer, at ang aking mga daliri ay pumulupot sa aking mapagkakatiwalaang pepper spray.
Malamang na sanga lang na nagkakamot sa bintana. May isang matandang puno ng mahogany na medyo malapit sa gilid ng bahay namin. Hindi ko nais na tawagan ang aking ama para lang sa isang sanga. I could handle this.
Ang ilang mga bangungot ay hindi nagpapaduwag sa akin. Ilang pag-atake pa ng lobo siguro.
Habang gumagapang ako patungo sa bintana, nakahawak lang ang aking kamay sa tubo ng pepper spray. Sumilip ako sa blinds at napabuntong-hininga nang makita ko ang isang pares ng mga mata na nakatingin sa akin.
Mga mata ni Ralf.
Tinanggal ko ang blinds at hinila ang bintana. "Kamusta ka—"
Umakyat siya sa puno ng mahogany sa tabi ng bahay namin. Ang mga nangungunang sanga nito ay halos umabot sa aking bintana. Ralf was still standing on those branches as he leaned toward me.
"Hinaan mo ang boses mo," sabi niya sa akin habang nakataas ang isang kilay. "O papasok dito ang tatay mong pulis at hatakin ako papunta sa kulungan."
Malamang. Sigurado 'yan. “Anong ginagawa mo rito?”
"Kailangan kitang makita." Nakasuot siya ng maitim na damit at tila sumasabay siya sa dilim sa paligid niya.
Napagtanto ko na lumang jogging shorts pala ang suot ko at kupas na t-shirt. Ah, whatever. Hindi ako magbibihis noh para lang magpahanga sa kanya. Letsugas, 4 a.m. pa ba talaga? Dahil iyon ang nakikita niya sa kumikinang na orasan sa dingding.
"Let me come in," aniya, mahina ang boses niya.
Umiling ako at nilagay ang pepper spray sa dresser ko. Then I crossed my arms over my chest at sinalubong ko siya ng tingin sabay iling ng ulo ko. "Hindi pwede."
Ang kanyang mga kamay ay pumulupot sa paligid ng bintana. "Kailangan nating mag-usap."
"Puntahan mo na lang ako rito sa umaga." Sinimulan ko ng isara ang bintana.
Hinawakan niya bigla ang mga kamay ko, kaya napatigil ako "Are you okay?"
“O-o. Isang bukol lang sa ulo at ilang gasgas." Apparently, ako ay isang bleeder kaya pag magkasugat ako dudugo at dudugo talaga. Mabilis lang naman akong napagaling ng mga doktor. "Wala namang sugat na hindi maghihilum eh." Pero sa totoo lang, pakiramdam ko ay parang nabugbog talaga ako o nasagasaan ng sasakyan.
Bumuntong hininga ako at naamoy ang amoy niya. Ito ay isang nakakaadik na pabango na panlalaki. "Hindi mo ba itatanong kung okay lang ba si Baron?" Sa pagkakaalam ko, nasa ospital pa rin si Baron. Sinubukan kong makita siya, ngunit hinarang ng mga doktor ang daan ko.
BINABASA MO ANG
Bite For Once
WerewolfAlam ni Amara Lambino na ang kakahuyan malapit sa kanyang bagong tahanan ay hindi ligtas. Nakita niya ang mga lobo na tumatawid sa madilim na kagubatan na iyon, ngunit hindi madaling matakot si Amara. Si Amara ay likas na may talento, depende sa ku...