Pinaandar na ni Baron ang kotse at lumabas na kami sa bakanteng lote. Hindi ko na nakita pa si Cassandra. Pero may kakaiba akong naramdaman na nasa paligid lang siya, nakatingin sa akin.
"I'm really glad you came to the game," sabi ni Baron, at dumako ang tingin ko sa mga kamay niya habang nakahawak siya sa manibela. Ang malakas na mga kamay niya. "Kahit na nakuha ko ang impresyon na ang basketball ay hindi mo sport."
Natawa naman ako dun. "Wala talaga akong sport." Thank goodness.
"Bigyan mo ng pagkakataon ang basketball," sabi niya sa akin. "Baka mabigla ka kung gaano mo kagusto ang isang bagong bagay." Nasa main road kami ngayon. Hinanap ko talaga ang address niya online para malaman ko kung saan siya nakatira.
"You were good," sabi ko nang mapagtanto kong medyo matagal na ang katahimikan namin sa loob ng kotse. “Parang…magaling ka talaga.” Nice one, Amara. But a girl wasn't supposed to say that on a first date, right?
Nakita ko ang puting kislap ng ngipin niya habang nakangisi siya. “Salamat.”
"Ganun ba talaga ka brutal yung mga laro niyo?" Marahil ang brutal ay hindi ang pinakamahusay na salita, ngunit ito ang tanging bagay na pumasok sa isip ko.
He shrugged and steered the car to the left, patungo sa mas madidilim na kakahuyan at mga liku-likong kalsada na naghihintay. "Lately lang naman na ganun ang laro namin."
At bakit ganun? "Hindi ka naka steroid, di ba?" Oh crap. The blurting again. Sinadya ko talagang pigilin ang tanong na iyon hanggang sa hindi pa kami umabot sa pangalawang date.
But, to my immense relief, tumawa lang si Baron. "Nah, drug free ako, trust me."
"Mabuting alam ko." Para wala talagang masabi si Dad tungkol sa mga basketball player.
Inabot ng kanang kamay niya ang kamay ko. His thumb brushed over my knuckles. "Gusto kita, Amara." Napuno ng malalim niyang boses ang sasakyan. "Sinasabi mo kung ano ang nasa isip mo, hindi ba? Walang pagtitimpi sa iyo."
Kadalasan ang mga tao ay na-turn off sa ugali na iyon, ngunit si Baron ay tila hindi. "Siguro kailangan ko pang magpigil."
Ginawaran niya ako ng maikling sulyap. "Maybe you should let go more."
Napalunok ako at nagtaka kung bakit biglang tumindi ang mga pangyayari. "A-ano—" nauutal na lang ako. Hindi naman ako ganito dati ah. I cleared my throat at sinubukan ulit. “Anong nangyari sa inyo ni Vina? Isang araw kayo ang nangungunang VIP couple sa campus, at sa susunod ay hindi na?"
Humiwalay ang kamay niya sa kamay ko. I could kill a mood when I wanted to. Ito ay isang talento ko.
“Hindi naman ganoon kabigla. We'd both been changing for a while."
From the stilted tone, I got that he didn't want to keep talking about his ex or their changes. Ayos lang naman. Naiintindihan ko iyon.
Kailangan kong makaisip ng bagong paksa. “So madalas ka bang mag-paparty sa bahay niyo?" Ang kotse ay tumawid sa isang matalim na kaliwang kurba, pagkatapos sa isang kanan naman. Medyo nagpanting ang tenga ko habang nagmamaneho siya paakyat ng bundok. Napalunok ulit ako para mabawasan ang pressure.
Ang kanyang mahinang tawa ay dumating gaya ng inaasahan ko, at masaya akong marinig ang tunog na iyon. Tawa siya ng tawa. "During basketball season, oo, ginagawa ko. Pero hindi naman opisyal namin na hangout ang lugar ko.”
"At walang pakialam ang mga magulang mo?" Umiling ako. "Naku, hindi 'yan pwede sa tatay ko."
"Iyon ay dahil siya ay isang pulis." Dahil nakatitig ako sa mga kamay niyang muli—nakita ko ang paghigpit ng mga ito sa manibela. "Ang aking mga magulang ay wala palagi sa bahay namin, kaya hindi ito malaking bagay para sa kanila kung saan ako pupunta o kung ano ang ginagawa ko."
Nalungkot ako sa mga sinabi niya dahil naririnig ko ang echo ng sakit sa boses niya.
"Hiwalay na sila," he said into the silence. "Ang aking ama ay lumayo dalawang taon na ang nakakaraan, and my mom likes to travel with whatever flavor of the week she's dating."
Alam kong may kaya ang pamilya ni Baron. Noong nag-Internet ako—hindi ko mapigilan, gusto kong maki marites—may nakita akong ilang impormasyon sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ina ay isang dating artista-slash-model, at ang kanyang ama ay isang businessman. Pagsamahin ang dalawa at ano ang makukuha mo? Mga magulang na tila walang pakialam sa kanilang anak.
"Nakipaghiwalay sa amin ang nanay ko noong nakaraang taon," pagtatapat ko sa kanya at ang aking mga kamay ay nakakuyom sa aking kandungan. If you're telling a story, sabihin mo na ang lahat. “Umalis na lang siya bigla, umaasa nga akong babalik siya pero—”
Sumulyap siya sa akin. "Pero ano?"
"Ngunit pagkatapos no'n ay namatay siya. Pinatay siya."
"I'm sorry, Amara." Sabi niya.
Kailan ito naging tungkol sa akin? "Don't worry about it, I mean...hindi lang ikaw ang nakakaalam kung ano ang pakiramdam kapag umalis ang isang magulang, okay?" Sa case ko lang, kasi forever ng umalis si inay. "Kaya hindi ka nag-iisa."
Ang mga mata niya ay kumikinang sa akin. "No, I'm not."
That stare of his seemed to see too much. Umiwas ako ng tingin, mabilis na sumulyap sa windshield at—“Baron, watch out!”
Pumihit ang kotse habang ang kanyang mga kamay ay humahatak sa manibela.
Nakatitig ako nang may dilat na mga mata habang ang isang lobo—isang malaki at maitim na lobo—ang tumakbo patungo sa amin. Dahil sa mga headlight, ang mga mata ng halimaw ay tila kumikinang na dilaw at ang mga panga nito ay nakabuka, lahat ng matatalas na ngipin nito ay lumalabas sa bibig nito.
Oh, crap, tatamaan kami nito. “Baron!” napasigaw ulit ako.
Hinila niya ang manibela sa kaliwa ng napakalakas. Alam ko, alam ko— na lalabas sa kurbada ang kotse sa pagkakataong ito. Sa halip, umikot ito, isang beses, dalawang beses, at ang mundo ko ay nawala sa isang mabilis na blur habang kami ay bumagsak, dumudulas sa gilid ng kalsada at gumulong pababa sa dalisdis ng bundok patungo sa kakahuyan. Ang mga puno ng pine ay bumagsak sa kotse namin. Nabasag ang salamin ng windshield at pinaulanan ako ng mga bubog niyon. Hindi na ako makasigaw pa, nawawalan na ako ng hininga. Napabalikwas ang ulo ko, at ang huling tunog na narinig ko ay ang alulong ng lobo.
*****

BINABASA MO ANG
Bite For Once
WerwolfAlam ni Amara Lambino na ang kakahuyan malapit sa kanyang bagong tahanan ay hindi ligtas. Nakita niya ang mga lobo na tumatawid sa madilim na kagubatan na iyon, ngunit hindi madaling matakot si Amara. Si Amara ay likas na may talento, depende sa ku...