Gusto kong sabihin kay Baron ang lahat. Nakatitig ako ngayon sa kanyang mga mata, mukha kasi siyang open minded at tapat, baka iba nga siya sa mga lalaking nakilala ko. Sinubukan kong sabihin sa isang kasintahan ko do'n sa lungsod ang katotohanan tungkol sa aking sarili. Ngunit napapitlag siya. Tinawag pa nga niya akong freak.
Tapos hindi na niya ako tinatawagan pa.
Masarap magtiwala sa isang tao. To open up.
Si Baron... baka siya na sa wakas ang maaasahan ko sa aking sikreto.
"Lumayo ka sa kanya, Baron."
Boses iyon ni Ralf. Mababa ngunit nanginginig sa galit.
Napakurap ako. Inangat ni Baron ang ulo niya. Napagtanto ko na parang malapit na pala kaming maghalikan. Had we?
Oo, malamang. Siguro.
“Ralf?” ani Baron sa nagtataka na tono. "Dude, this really isn't any of your--"
"Ang sabi ko... lumayo ka sa kanya.”
Tinulak ko si Baron pabalik. “Look, Ralf, this isn’t about you, okay? Pwede mo ba kaming iwan kahit saglit lang?"
Ang mga mata ni Ralf ay parang mga tipak ng yelo. At na-realize ko na siguro dapat mas mag-ingat ako sa kanya. What with him being a werewolf and all.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ko. Iniligtas ko ang kanyang buhay. He'd had the opportunity to rip me apart if he wanted, ngunit hindi niya ginawa. The way I figured it, may utang na loob siya sa akin, so that means he didn't get to go around acting like a jerk. Lobo man siya o hindi.
"I thought it's about me," sabi niya at humarap sa akin. Kaya lang, hindi siya nakatingin sa akin. Nakatitig siya kay Baron.
"You've been running lately?" Tanong ni Ralf kay Baron, matigas ang gilid ng boses niya.
Nag-alinlangan si Baron at sumulyap sa akin.
Binalik ko lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sa wakas ay napatingin sa gawi ko si Ralf. Ngunit pagkatapos sinabi niya na, "Ang huling bagay na gusto mong gawin ay ang pagtitiwala sa taong ito sa iyong mga lihim."
Siguradong hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin niya. Pagkatapos ay kinailangan kong magbulalas, "So ano? Dapat ba akong magtiwala sa iyo?" Dapat ba akong magtiwala sa isang lalaking mabalahibo at seryosong ligaw na hayop sa liwanag ng buwan?
Tumunog na ang bell, napakalakas nito at sobrang ingay.
"Hindi." Halos malunod sa tunog ang mga salita ni Ralf. "Hindi mo mapagkakatiwalaan ang alinman sa amin."
------
"That was so hot." Makalipas ang dalawa't kalahating oras, at pinag-uusapan pa rin ni Jenia ang eksena naming tatlo sa hallway. Nang tumunog na ang bell, dali-dali na kaming lumabas sa classroom dahil oras na ng uwian. “I mean, were they about to fight over you or something?"
Um, hindi masyado. Hindi ko gusto na parang isa akong uri ng buto na pinag-aawayan ng mga lalaki. Sa totoo lang, noon pa man, ayaw kong maging sentro ng atraksiyon sa mga kalalakihan.
Hindi mo mapagkakatiwalaan ang alinman sa amin.
Sumakay na ako sa bago kong BMW. Huminga ako ng malalim dahil ang bango ng loob nito. Ibinaba ko ang pang-itaas ng kotse, at tumabi sa akin si Jenia sa passenger seat.
Pinadausdos niya ang kanyang mga kamay sa leather na upuan sa isang mabilis na haplos. "How to be you, Amara? Ikaw kasi ngayon ang VIP's most wanted lately?"
Pinaikot ko ang mga kamay ko sa manibela. "Kayo ba ni Trent ay may something na isa't isa?" Ilang beses ko na kasi silang nahuling sweet na magkasamang naglalakad sa hallway. "Hindi ba't 'most wanted' ka na rin ng VIP?"
"No. Mukhang ginawa lang niya akong flavor of the month." May bahid ng tensyon sa boses niya na hindi ko pa narinig.
Sinubukan kong tumawa, gusto kong gumaan ang kalooban niya. Ang isang tense na si Jenia ay isang Jenia na hindi ko alam kung paano haharapin. Ngunit hindi ko maalis ang pakiramdam na may iba pang nangyayari dito. Isang bagay na mas malalim, mas madilim, at mas mapanganib.
Baron at Ralf—interesado kaya sila sa akin?
"You've been running lately?"
Hindi ko gustong masyadong isipin kung ano ang ibig sabihin ni Ralf nang sabihin niya ang mga salitang iyon kay Baron, ngunit hindi ko makalimutan kung gaano kabilis gumaling si Baron mula sa aksidente at ang paraan ng kanyang paglalaro sa baskeball. Masyadong mabilis ang paggalaw niya. Kakaiba rin ang pagiging masyadong malakas niya.
Katulad din ba siya ni Ralf? Sana talaga hindi.
"Isasama mo ako sa laro ngayong gabi, tama?" Nagpipe up si Jenia. "Gumagawa sila ng memorial para kay Daisy, at ayaw kong palampasin ito." Isa rin siya sa mga babaeng namumugto ang mga mata ngayong linggo.
Wala sana akong planong pumunta sa laro. Ngunit hiniling sa akin ni Baron na sumama, ngunit pagkatapos ng kabaliwan noong nakaraang linggo, at pagkatapos ng mga pasa na ngayon pa lang naghihilom, ang pag-upo sa masikip na mga bleachers ay hindi eksaktong kaakit-akit.
"Please," bulong ni Jenia. "Ayoko mag-isa! At ito ay—para ito kay Daisy."
Tama. Para ito kay Daisy. Kaya tumango ako.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Ralf had his guys around him. Hindi siya tumingin sa gawi ko. Eh bakit ba ako nakatingin sa kanya? Lumipat ang tingin ko sa kaliwa. Si Baron ay may hawak na bola kasama rin niya ang mga kaibigan niya. Nahuli naman ni Baron ang tingin ko at kumaway siya sa akin.
Kung may mapagkakatiwalaan man ako, si Baron 'yon.
Kailangan kong makawala sa pagkahumaling ko sa isang bad boy image at tumuon sa isang lalaki na tila isa sa mga mabubuti.
"Paumanhin, nahuli ako!" Tumalon si Cassandra sa backseat at ibinagsak ang kanyang bag. “Nakalimutan ko ang Math book ko at kailangan kong tumakbo pabalik sa locker ko."
Napansin kong bumuka ang bibig ni Jenia. Tinitigan niya ako ng mas malawak kaysa sa karaniwang mga mata. "Sasama siya sa atin?" bulong ni Jenia.
Tumawa si Cassandra. "Yes, I am. It's my granny's shop, kaya syempre papunta ako doon."
Napangiti ako kay Jenia. "Nakalimutan ko bang banggitin ang ating munting pit stop?"
Napakurap siya sa akin. Tinapik ko ang kamay niya. “Wag kang mag-alala. Maaari kang maghanap ng ilang love potion habang nandoon tayo."
At narinig ko na lang ang dumadagundong na motorsiklo ni Ralf palabas ng lote.
*****
BINABASA MO ANG
Bite For Once
WilkołakiAlam ni Amara Lambino na ang kakahuyan malapit sa kanyang bagong tahanan ay hindi ligtas. Nakita niya ang mga lobo na tumatawid sa madilim na kagubatan na iyon, ngunit hindi madaling matakot si Amara. Si Amara ay likas na may talento, depende sa ku...