Kabanata 8

111 8 4
                                    

Minsan alam mong nananaginip ka lang, pero wala kang magagawa para takasan ang panaginip na 'yon, kahit anong pilit mo. Hindi ka lang magising.

Alam kong nananaginip ako. Ibig kong sabihin, bakit pa ako naglalakad ng walang sapin sa kakahuyan? Pinalibutan ako ng dilim kahit na kumikinang ang mga bituin sa ibabaw ko. Nakarinig ako ng mga kuliglig. Mga bug. At... umuungol. Nabalot ako ng takot, at tumawag ako, ngunit walang sumagot sa akin.

Tapos nakita ko yung lobo. Ang parehong itim na lobo na kumalmot sa akin noon. Nakatayo ito sa isang natumba na puno. Bukas ang mga panga nito, kitang-kita ang matatalim na ngipin nito, at ang kumikinang at dilaw na mga mata nito ay nakatutok sa akin.

Tumalikod ako at tumakbo. Ngumuso ang lobo at humabol sa likod ko. Sumigaw ako, ngunit walang tumulong sa akin. Walang sinuman. Nadapa ako at nahulog...nahulog sa isang tumpok ng mapuputing buto. Isang bungo ang bumungad sa akin. Ibinaon ng lobo ang mga ngipin nito sa aking binti. Pumihit ako, palipat-lipat sa paligid upang subukan at labanan ang lobo. Lalong lumalim ang mga ngipin nito.

"Ralf!" Pangalan niya ang sinisigaw ko sa panaginip ko.

Tapos nandun siya. Nakatayo sa likod ng lobo. Nakatitig sa akin.

"Tulungan mo ako!" Hindi siya pwedeng tumayo lang doon...

Panaginip lang ito.

Pero umiling siya. "Sinabi ko sa iyo na huwag kang babalik sa kakahuyan. Ngayon ay huli na." Tumalikod siya sa akin.

Tinulak ko ang lobo, ngunit umungol ang halimaw at lumapit sa aking leeg.

"Hindi!"

Ang aking sigaw ay nabasag mula sa akin bilang isang bulong, ngunit ang maliit na tunog na iyon ay sa wakas ay sapat na upang itulak ang bangungot. Nagising ako, basang-basa sa pawis, sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig tuloy ang braso ko.

Binuksan ko ang aking lampara gamit ang nanginginig na mga daliri, at hinila ko ang benda na tumatakip sa mga marka ng kuko. Wala nang dugo. Pero sa isip ko, nakikita ko pa rin ang mga mata ng lobo. Hindi na ako muling nakabalik pa sa pagtulog.

-----

Pagbaba ko para mag-almusal kinaumagahan, may naghihintay akong regalo. Tinitigan ko ang maliit at itim na tubo sa aking plato, at saka sinulyapan ang aking ama. "Geez, hindi mo na ako dapat bigyan pa nito."

Akala ko ba sinabi ng tatay ko na "Smart ass" ako - isang magiliw na palayaw iyon para sa akin. Kinuha ko ang aking sorpresa at tinanggal ko ang leather na pambalot nito. "Mayroon pa akong ilang nakatagong supply nito," sabi ko sa kanya. May mga naka-pack pa nga akong kahon na nakatago lang sa ilalim ng aking kama at sa aking aparador. Hindi naman talaga ako nagmamadali para buksan ang mga iyon. Nasasanay pa rin ako sa ideya ng paninirahan sa isang bagong bahay-isang bahay na pag-aari ng aking lola na hindi ko pa nakita kailanman-at ang pag-unpack ng higit pang mga kahon ay hindi kasali sa aking listahan ng priyoridad.

"Gusto kong gamitin mo iyan mula ngayon." Naglagay si Dad ng bacon sa mesa para sa akin. "Huwag mo na lang dalhin sa school."

Halos pumikit ako. Parang kailangan kong sabihin iyon. Kahit na ang pagiging anak ng pulis ay hindi makakapagligtas sa akin sa problemang idudulot ng pagdadala ng pepper spray.

Tinunton ng hinlalaki ko ang tuktok ng spray. Wala akong nakitang label kahit saan sa bagay. "Saan mo nakuha ito?" Mas mabigat ito kaysa sa isa ko pang spray.

"The usual place."

Ang aking ama ay maaaring maging isang smart ass din. Katangian talaga ito ng aming pamilya.

Tinuro niya ako ng tinidor. "Maraming ligaw na hayop ang kumakawala sa mga kakahuyan na iyon. Kung sakaling may lumapit sa iyo, i-spray mo iyan sa mata."

I can handle that. Medyo umigting ang nasugatan kong braso. "Ibig sabihin ba nito ay pupunta ako sa kakahuyan at-"

"Hindi." Mabilis na sabi ni itay. "Ibig kong sabihin kung naglalakad ka pauwi o papunta sa bahay ng kaibigan mo."

Masyado talagang obsess si Dad sa pakikipagkaibigan ko.

"Basta siguraduhin mo lang na protektado ka, Amara, maliwanag?"

"Pwera na lang Dad, kung bibilhan mo ako ng kotse, para ng sa ganun hindi na ako maglalakad sa anumang lugar."

Ibinaba na niya ang tinidor sa kanyang plato. Tas ginawaran ako ng aking ama ng isang tipid na ngiti. "I'm working on it."

Nalaglag ang panga ko. "Seryoso, Dad?" At isang tunay, tapat-sa-Diyos na tili ang sumambulat mula sa akin. Tumalon-talon ako at niyakap ang aking ama ng mahigpit.

At, oo, ito ang pakiramdam ng kaligayahan. Isang kotse- sa wakas. Alam talaga ni Dad kung paano ako pasayahin.

Napakasarap ng pakiramdam ko na halos makalimutan ko na ang mga bangungot na gumugulo sa akin buong magdamag.

-----

"So...anong deal niya?" tanong ko kay Jenia sa tanghalian habang tumango ako sa gawi ni Cassandra. Dahil sa malakas na ulan napilitan ang lahat na pumasok sa loob ng cafeteria ngayon, at nakita ko si Cassandra na nakaupo sa isang table kasama ang kanyang pinsan, si Mr. Freshman, este Jake.

Tama, Jake Cortes ang pangalan niya. Siya 'yong binu-bully ni Trent sa unang araw ng pasok.

"Sino?" Nakatitig si Jenia sa mesa ni Baron na may kaunting pananabik sa mukha. Kinaway ko ang kamay ko sa harap ng mata niya. Kumurap-kurap siya na parang kuwago.

"Ang babae doon," paliwanag ko. "Si Cassandra."

"Oh." I expected her to say her usual, "OhmyGod! " Pero hindi niya ginawa. Instead, she did her forward lean, which I now know was her I'm-sharing-gossip move, at sinabihan ako sa seryosong mukha, "She's a witch."

Ngayon, sa totoo lang, hindi dapat magbiro ang mga tao tungkol sa mga bagay na ganyan. Hindi nila alam kung kailan ang isang mangkukulam maiinis kapag pinag-uusapan sila sa mga tao sa paligid nila.

Ngunit nakita ko ang aming guro sa kasaysayan na si Mrs. Catapangan, iniangat niya ang kanyang ulo patungo sa aming mesa. Saka kumunot ang noo niya sa akin.

Napangiti lang ako sa kanya.

Lumapit pa lalo si Jenia sa akin. "Nakita mo ba ang tindahan na pinapatakbo ng kanyang lola? Maaari kang bumili ng kahit ano doon. Kahit...isang love potion pa."

"Siguro bumili ka ng isa doon noh."

Bumalik ang tingin ni Jenia sa VIP table. Hindi kay Baron, kundi kay Trent. Seryoso? Oh no, iyon ay isang masamang plano.

At hindi na niya ako sinasagot. Biglang hindi nakakatawa ang biro ko. Ibinaba ko ang aking soda. "Sabihin mo sa akin na hindi mo gagawin 'yon."

Nagkibit balikat siya at hindi tumitingin sa akin. "Maraming tao ang bumibili ng mga bagay mula kay Lola Belen."

Lola Belen. Ah iyon pala ang pangalan ng matandang babae na humawak sa braso ko. "At sabi ba ni Cassandra na isa siyang mangkukulam? Talagang sinasabi niya iyon sa mga tao?"

"Well, no, but..."

Napaikot ako sa aking mga mata.

"Ngunit nagtatrabaho siya sa tindahan ng kanyang lola, kaya dapat siya ay isa, tama?"

Mali. "Maaaring siya ay isang batang babae na nagtatrabaho lamang sa tindahan ng kanyang lola." Na isang weird na matandang babae. Pero sa tuwing tumitingin ako kay Cassandra, napapaisip ako...na parang makaka-relate ako sa kanya.

*****

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon