Kabanata 39

82 8 7
                                    

Nagkaroon ako ng malabo na mga alaala na dinala ako sa ospital. Isang lalaking naka-surgical mask ang nagturok ng isang napakahabang karayom ​​sa aking braso at pagkatapos ay tinatahi muli ang aking sugat.

Nasa alaala ko si Ralf, sinasabi sa akin na okay lang ang lahat.

Pakiramdam ko nagsisinungaling siya, pero hindi na ako nakipagtalo sa kanya.

Nang imulat ko ang aking mga mata sa puting silid ng ospital, inaasahan kong nandoon si Ralf.

Pero wala siya. Ang tatay ko lang ang naroon. May balbas ng nakatakip sa kanyang panga at ang kanyang pagod na mga mata ay pinagmamasdan ako mula sa upuan sa gilid ng kama. Nang mahuli niya ang titig ko, ngumiti siya. “Hi, baby. Welcome back."

I didn't feel like I'd been away. Nagising akong alerto, at nag-aalala. "Cass..."

Medyo paos ang boses ko. Hindi ako sigurado kung bakit. Inabot agad sa akin ng tatay ko ang isang Styrofoam cup na may nakalabas na straw sa ibabaw. I slurped greedily and the water felt great on my parched throat.

Why did I feel like I'd been screaming?

Uminom ako hanggang sa maubos ko ang isang cup ng tubig, tapos nagtanong ulit ako, “Si Cassandra, Dad, anong nangyari sa kanya?" Ang boses ko ay medyo mahina.

Ibinaba niya ang cup. Lumipat ako sa kama, sinubukan kong umupo. Medyo humila yung tahi sa braso ko. Ang isang braso ko ay may marka ng kuko at ngayon, ang isa na namang braso ko ay may tama ng bala. Mukhang forever na yata akong magsusuot ng long-sleeved nito.

Napabuntong-hininga ang aking ama sa isang mahabang buntong-hininga. “Ang dami ko pa sanang kayang gawin. Ngunit may baril siya, at nang dumating ang mga bumbero at EMT, nagsimula siyang sumigaw tungkol sa mga taong lobo."

His lips thinned. "Nasa psych ward siya ngayon."

Tila nanlamig ang buong katawan ko.

"When you feel up to it, kailangan mo siyang kausapin," sabi ni Dad. "If we can push it as--"

"Psychotic break?" Oo, alam ko ang term na 'yan. My dad had dealt with some really screwed up felons in the city. Salamat sa kanya, at lahat ng batas at krimen na palabas sa TV na gusto kong panoorin, alam ko kung paano napunta ang mga sitwasyong iyon.

"Baka mapalabas natin siya sa ward." Hinaplos ng kamay niya ang magulo niyang buhok. “Ang pagkawala ng lola niya, understandable na na-trauma siya. Siya ay nagiging emosyonal ng sobra-sobra.” Umiling siya. "Sana lang hindi siya pumunta sa teatro na may dalang baril. Ano ba ang iniisip niya?”

Paghihiganti.

"Sasalakayin lang niya pati ang mga inosente," dagdag na sabi ni dad.

Si Cassandra lamang ang hindi nag-isip na ang ibang mga taong lobo ay inosente.

At ang tatay ko ay handang barilin siya. Nakabaril siya kaya naman nanginginig ang braso ko sa bawat paghinga ko. "Kailangan niya po ng tulong," sabi ko sa kanya, at iyon ang totoo. Alam niya iyon.

“Oo.” His gaze held mine. "Amara, sorry talaga, baby." Lumapit siya sa kama at ginawaran ako ng halik sa noo. Naalala kong ginawa niya iyon - noong tumutunog ang sirena ng ambulansya. "I wouldn't hurt you for the world. I just—I'd told her to drop the weapon. Ngunit itinaas niya ang hawak na baril. Hindi kita nakita sa likod niya, at kailangan ko siyang pigilan."

Naunawaan ko ang kanyang trabaho at ang pressure niya upang gawin ito. "Ayos lang, Dad."

But I could tell by his expression that he wasn't okay.

“Ikaw ba…may pagkakataon bang nakausap mo ang—” Tawagin ko na lang ba silang lobo? Werewolves? "Nakausap mo ba sila kagabi?" Sa halip ay nagtanong ako.

Isang tango ang ibinigay niya sa akin. "Lahat sila ay nanumpa na hindi nila sinaktan ang sinuman."

"Naniniwala ka ba sa kanila?"

“Naniniwala ako kina Jun at Carlos kapag sinabi nilang magpapatrolya sila sa kakahuyan tuwing gabi. Kung ang isang taong lobo ay nasa labas, naghahanap ng kakainin nila, alam kong mahahanap nila ito."

"At kapag nahanap nila ito, ano?" Nais kong malaman ang katotohanan. Sa puntong ito, naisip ko na karapat-dapat ko itong malaman.

"Ang isang bilangguan ay hindi maaaring humawak ng isang taong lobo.” Umiling siya. "May isang paraan lamang upang pigilan ang isang lobo na naging masama."

Kamatayan.

Bumukas ang pinto, at pumasok sa silid ang isang magandang nurse. She smiled at my dad, that too-bright smile that I’d always seen beautiful women give him. Umakto siya na parang hindi niya napansin ang paglalandi niya. Sa parehong paraan na palagi niyang ginagawa.

"Gising ka na pala!" She said with high perk in her voice. “That's great! Natahi na 'yang sugat mo at sinabi ng doktor na maaari na kayong umuwi—"

"Hindi pa siya aalis dito hanggang bukas." Ang flat na boses ng aking ama ay pumutol sa kanyang saya. Muli niyang itinuon ang tingin niya sa akin. "Okay, dito ka muna mamayang gabi."

Dahil ngayong gabi ay kabilugan ng buwan. Dad would be hunting with Mang Carlos and Deputy Jun, at alam kong gusto niya akong ligtas.

Napabuntong-hininga ako at tumango kahit na nauutal ang nurse tungkol sa pagpapatingin sa akin ng doktor.

Natitiyak kong susuportahan ng doktor ang aking ama. When he wanted to, my dad was extremely persuasive. Baka may kinalaman ito sa badge niya. O sa kanyang ranggo sa bayan.

Gayunpaman, hindi nagtagal ang nars upang mabawi ang kanyang kasiglahan  habang sinusuri niya ang aking mga vitals. Tumabi siya sa akin at sinabing, “Ngayon huwag kang masyadong mag-alala tungkol sa iilang pantal sa iyong leeg. Kapag hindi mo susuotin ang kuwintas na iyon, ang iyong balat ay babalik sa normal sa anumang oras."

Ano? Napahawak ang aking kamay sa leeg ko. Medyo naging magaspang nga ang balat ko sa leeg. "Nasaan ang kwintas ko?"

Sumenyas siya sa maliit na bedside table. "It's safe." Napaatras ang nurse. “Pero sa silver allergy mo, hindi mo dapat suotin 'yan. Ito ay maaaring maging lubhang mapanganib para sayo. Maswerte ka dahil napansin ng doktor ang mga senyales ng—"

"Allergy ako sa pilak?"

Sinubukan kong tumingin sa tatay ko. Wala naman akong silver allergy ah.

Pero hindi nakatingin sa akin si Dad. Nakatalikod na siya ngayon, at nasa pintuan na siya. "Kakausapin ko muna ang iyong doktor." Sabi niya sa walang ekspresyon na boses. "I'll make sure he keeps you for observation."

“Dad!” Parang may mali eh. I was missing something.

Silver allergy? Kailan pa ako nagkaroon ng silver allergy? Tumaas ang goosebumps sa aking laman. Ilang beses akong nakaramdam ng lamig dati. Ngayon, malapit na ako sa nagyeyelong marka.

Parang tumigas pa lalo ang mga balikat ni Dad nang ibalik niya ang tingin sa akin. “Ayos lang, baby. Hindi lang ikaw sa pamilya ang may allergy." Ang kanyang ngiti ay hindi pa rin umabot sa kanyang mga mata. "Magpahinga ka na lang, okay? Malapit nang matapos ang lahat ng ito, pinapangako ko 'yan."

Lagi talagang tinutupad ng aking ama ang kanyang mga pangako. Paulit-ulit kong sinasabi 'yan sa sarili ko, kahit na iniisip ko pa rin na may tinatago siya sa akin.

*****

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon