Kabanata 10

119 10 8
                                    

Naghintay sa akin ang malaking dilaw na bus. Salamat sa aking maliit na episode sa istasyon ng pulis kahapon, sinabihan ako ng aking ama na umuwi pagkatapos ng klase ngayon. Wala muna akong drop-in sa istasyon para maiwasan kong tingnan ang mga larawan ng mga nawawalang tao.

Alam kong sinadya talaga iyon ni Dad. Para maalis ang anumang bagay na maaring makagulo sa aking ulo. Kaya sa ngayon, nag-utos siya na sumakay ako ng bus pauwi. Kailangan na talagang magmadali si Dad para bilhin ang kotse ko.

Nang handa na sana akong umakyat sa bus at magsimula ng desperadong paghahanap ng upuan, ngunit narinig ko ang mahina at dumadagundong na ungol.

My body tensed, at ang aking ulo ay lumingon sa kaliwa. Ang ungol ay naging isang dagundong at isang motorsiklo ang umikot sa parking lot. Isang lalaki ang nakasakay dito, isang lalaking may malalapad na balikat at nakasuot ito ng itim na helmet.

"He is so hot," sabi ng isang babae mula sa likuran ko.

Naging kakaiba ang mga pangyayari...dahil nagpreno ang nakasakay sa motorsiklo at tumalikod upang tumingin sa linya ng bus.

I swear naramdaman kong nakatingin siya sa akin.

Iginiya niya ang motorsiklo at pinaikot ito, at nagsimulang magmaneho ng mabagal patungo sa linya.

Nauntog ang babaeng nasa likod ko sa backpack ko, and I realized it was my turn to get on the bus. Umiling ako at humakbang paharap.

The motorcyle braked two feet away. Hindi ko nilingon ang lalaki habang inaabot ko ang hawakan ng bus.

"Hey, Amara..."

Boses ni Ralf iyon. At talagang tinawag na niya ako sa pangalan ko. Tumingin ako ngayon, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Inilagay niya ang helmet sa ilalim ng kanyang braso, at ang kanyang nakakahipnotismo na mga mata ay nasa akin.

Hindi na siya mukhang galit, and just staring at him gave me a weird flash of my dream.

Iniwan niya kasi akong mamatay sa panaginip na iyon.

"Sasakay ka na ba, miss?" Medyo naiinis na tanong mula sa driver, isang medyo may edad na lalaki na may manipis na buhok na nakakunot ang noo sa akin.

Ipinilig ko ang ulo ko, sinusubukang alisin ang panaginip ko kagabi. "Ah, oo, sasakay a—"

"I can give you a ride," sabi ni Ralf sa akin.

Hindi ako sigurado kung ano ang sasabihin. Ang mga babae sa likod ko ay dumausdos at nagmamadaling pumasok sa bus.

"Tara, Amara..." halos nang-aasar ang boses ni Ralf. "Hindi ako mangangagat."

Sigurado kaba diyan?

Lumayo ako sa bus at halos marinig ko ang sigaw ng aking ama sa aking isipan.

Masamang ideya. Masama talaga ito. Pero nanunukso siya. Ganoon din ang motorsiklo niya.

"Salamat na lang," sabi ko sa kanya na tila nanghihinayang, "pero sasakay ako sa—"

"Katabi lang ng bahay ng lola mo ang bahay ko. Well, hindi mismo sa tabi nito," kibit-balikat na paliwanag niya, "pero mga isang milya ang layo. Ako ang pinakamalapit na kapitbahay mo."

That made me feel...I don't know. Strange. Chill bumps rose on my arms.

"Sasakay o hindi?" Tanong ng bus driver na siguradong naiirita na sa akin ngayon.  Halos puno na ang bus, at halatang handa na siyang umalis. Isa pa, wala na ring natitira pang magandang upuan.

Napataas ako ng baba. "Hindi po," sabi ko, at humarap ng buo kay Ralf.

Isang kalahating ngiti ang bumungad sa kanyang mga labi. Hindi lumilitaw ang dimples nito sa tuwing nakangiti ito—hindi gaya ng ngiti ni Baron. Ralf's smile held more of a dangerous edge.

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon