Kabanata 41

91 12 19
                                        

Nagvibrate ang cellphone ko, inabot ko iyon, hinila ko ito ng sobrang bilis gamit ang braso ko, at naramdaman ko agad ang hapdi ng tahi. Nagflash sa screen ang number ni Jenia.

Itinapat ko ang phone sa tenga ko. "Kamusta, Jenia?”

“Umalis si Vina.” boses ni Jenia. Mukhang kinakabahan ito.

"Ano?" Napatingin ako sa blinds. Lubog na ang araw, at kitang kita ko ang kadiliman na naghihintay sa labas.

"Dumating si Ralf at sinundo niya si Vina ilang minuto ang nakalipas."

Kumunot ang noo ko at humigpit ang hawak ko sa phone.

"It just it all seemed weird." Mahina ang boses niya, at kailangan kong pilitin na marinig siya. "Akala ko natatakot siyang lumabas, kaya bakit siya umalis kasama si Ralf?"

Dahil akala niya na ligtas si Ralf. Dahil hindi niya alam na isa siyang lobo. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa lalaki.

"Anong gagawin ko?" tanong ni Jenia. Natakot siya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa mga lobo sa bayan. Hindi lang takot, takot na takot, at pinaniwalaan niya ang bawat salitang sinabi ko. Sa wakas ay nagkaroon na naman ako ng isang taong lubos na naniwala sa akin. “Dapat ko bang kunin ang kotse ng Dad ko at susundan siya?”

“Hindi!” Marahil ay napakahirap lumabas ngayon, ngunit hindi ko rin siya ipagsapalaran. "Sa bahay ka lang hanggang mamayang gabi, okay? Sigurado akong maaayos din ang lahat."

Ralf was the one I was sneaking out to meet. Ang mga salita na 'yan ni Vina ay bumulong sa aking isipan kahit na ang selos at pag-aalala ay parehong mahigpit sa aking sikmura. Kung si Vina at Ralf ay lumabas para sa ilang oras, that pissed me off. Because dammit, I was getting interested in the guy.

Yes, I like him, and I'm falling fast.

Pero kung may mangyaring masama kay Vina...sana wala. Kaya agad kong tinapos ang tawag ni Jenia. Napatitig ako sa phone ko, at humantong ako sa numero ni Ralf mga ilang araw na ang nakalipas simula ng ibigay niya ito. Idinagdag ko siya bilang isang contact, at nag-scroll ako sa aking listahan hanggang sa mahanap ko siya. Tinawagan ko agad ang number niya.

Nag ring ng isang beses. Tapos dalawa. At tatlo. Ngunit hindi siya sumagot.

Napaangat ang tingin ko sa madilim na bintana. Muling dumating ang pag-aalala sa akin. Iyong sobrang pag-aalala. Nagtiwala ba ako sa maling lalaki? In the distance, a siren screamed.

-----

Lumipas ang isang oras. Ang pinakamahabang oras ng buhay ko. Nang tumunog ulit ang phone ko, hawak ko na ito sa kamay ko. Hindi ko man lang tiningnan ang caller, inilapit ko na lang ang phone sa tenga ko. "Hello?"

"Tulungan mo ako." A soft, broken, female voice.

“Vina?”

Kumalat ang static sa linya, at alam kong hindi magtatagal ang aming koneksyon.

“He's...hunting me.”

Nag yelo ang dugo ko. "Nasaan ka ngayon, Vina?"

“Kakahuyan...tulong…”

Naputol ang linya, ngunit hindi na kailangang magsalita pa ni Vina. Sa sandaling iyon, alam kong nawala siya sa kakahuyan.

Nawala.

Agad kong nakita si Vina sa isip ko. Nagulo ang buhok sa mukha niya habang tumatakbo, punit-punit ang damit, umaagos ang dugo sa mga kamay niya. Ang mga puno ay nakaunat sa kanyang likuran, yumuyuko at umiikot siya sa dilim habang siya ay tumatakas.

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon