Kabanata 33

61 8 4
                                    

"Mag-isa na ako ngayon." Ang boses ni Cassandra ay nagmula sa kadiliman ng sala. Bumangon ako at pumunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig, at sinubukan kong maging maingat at tahimik habang tinatahak ko ang kanyang pwesto sa sopa.

Tila, hindi ako naging sapat na tahimik. Sinabi sa akin ni Itay na iniuwi niya siya dahil ang kanyang tiyahin, si Rhoda Cortes, ay nasa labas ng bayan kasama ang kanyang asawa at mga anak. Hindi sila babalik hanggang bukas, at ayaw niyang ibigay si Cassandra sa mga taga-DSWD.

Kaya dinala muna niya si Cassandra sa bahay namin. Ginawan pa nga niya ito ng  mainit na cocoa eh, ang palaging ginagawa niya para sa akin kapag nag-aalala ako o nalulungkot, at nakaupo lang ako sa tabi niya habang umiiyak siya.

Nang sa wakas ay nakatulog na siya, iniwan ko si Cassandra sa kanyang panaginip. Ngunit sa palagay ko ay hindi siya nanatili sa panaginip na iyon nang napakatagal.

"Ang nanay ko..." Huminga si Cassandra ng malalim. “Tumakas siya bago ako isinilang, at hindi ko man lang nalaman kung sino ang tatay ko."

Nakalimutan ko na tuloy na kukuha lang pala ako ng tubig na maiinom at sa halip ay umupo ako sa gilid ng couch. Binuksan ko ang lampara at bumungad sa sala ang malambot nitong liwanag.

"Lola Belen..." Isang luha ang tumulo sa kanyang pisngi. “Siya ang nagpalaki sa akin. Yung laging nag-aalaga sa akin." Ibinaling niya ang kanyang ulo sa akin. "Ano ang dapat kong gawin gayong wala na siya?"

Hindi ko alam. Ngunit hindi iyon ang mga salitang kailangan niyang marinig kaya kinagat ko ang katotohanan. "Pwede kang manatili dito hangga't kailangan mo. Maaring linisin ni Dad ang kabilang kwarto sa itaas, at maaari kang manatili sa amin.”

Mas maraming luha ang kumawala sa mga mata niya. “Si Lola… hindi siya madaling mamatay. Kung sino man ang umatake sa kanya, sinaktan niya ang Lola ko ng husto."

Oo, pero hindi kailangan ni Cassandra ang kumpirmasyon ko kaya nanatili akong tahimik.

Nakadikit ang palad niya sa dibdib niya. "Ang sakit ng puso ko," bulong niya. "Sobrang sakit."

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Nang mailibing ang aking ina, naramdaman kong parang may pumupunit sa aking puso. Ilang araw ngang nagtagal ang sakit sa dibdib ko. Minsan, naramdaman ko pa rin ito.

"Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko!" Nag-alab ang galit sa kanyang mga sinabi. "Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng—"

"Nagkaroon din ng problema ang Mama at Dad ko." Basta na lang kumawala ang mga salita na 'yan sa bibig ko. But then, iyan ang kwento ng buhay ko. “Sinubukan ng tatay ko na umarte na parang okay lang ang lahat, pero alam ko ang totoo. Nakita ko kung ano ang nangyayari."

Napakurap-kurap si Cassandra at tinitigan  niya ako na puno ng luha ang mga mata niya.

“Umiinom ang nanay ko noon ng mga nakalalasing na alak. Hinanap ko pa nga ang mga bote na itinago niya sa paligid ng aming lugar. Hindi ko ito sinabi kay Dad, dahil ayokong mag-away sila.”

Nagtapon ako noon ng napakaraming bote ng alak. Ang dami talaga. At nakita ko ang galit sa mga mata ng aking ina nang mapagtanto niya ang aking ginawa.

“Ngunit nagkahiwalay din sila nang dahil sa bisyo ni Mama. Isang gabi, lumabas siya...uminom ulit, at tinawagan niya kami, ngunit hindi namin nasagot ang tawag niya.” Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. "Tumawag siya at nang walang sumagot sa amin ay nag-iwan na lamang siya ng voice message." Nanood ako ng sine no'n kasama ang mga kaibigan ko. Pagdating ko sa bahay, kararating lang din ni Dad. Napatingin ako sa cell phone ko at nakita kong may natanggap akong voice message galing kay mama.

"I'm so lost, baby. So lost. Maaari mo ba akong tulungan?” A drunken slur of words with laughter in the background.

But the one word, lost, had clicked in my head, at habang inilarawan ko ang aking ina, hindi ko siya nakita sa isang bar. Sa halip nakita ko ang kanyang sasakyan, ang mga ilaw ay nakabukas nang maliwanag sa likod ng isang eskinita.

"Naligaw si Mama," ang tanging salitang nasabi ko. "Lumiko siya sa madilim na daan at napunta sa maling lugar." Ngunit ang kanyang pagtatapos ay naging napaka-brutal. "Ang aking ina ay binaril ng hindi bababa sa apat na beses." Gumagapang nga siya pabalik sa kanyang sasakyan. Pero hindi na siya nakapasok pang muli sa loob ng kotse.

“Nahanap mo ba agad siya?”

Sinubukan ng tatay ko na pigilan ako sa paghahanap sa kanya, ngunit desperado na ako, puno ng katiyakan na may mali. "Oo." Nandoon pa rin ang guilt. Palagi naman. "Kahit na huli na ako para tulungan siya."

Hinawakan ako ng kamay ni Cassandra. Ipinagsalikop niya ang kanyang mga daliri sa daliri ko. "Hindi naman madali...'yang ginagawa mo, 'di ba?"

Napailing na lang ako. “Gusto ko lang maging in time para kay Lola Belen. Kahit isang beses lang sana na hindi ako mahuli."

Ngunit natalo na naman ako ng kamatayan. Gumagalaw ang sahig sa likod ko, at inangat ko ang ulo ko. Nakatayo si Dad sa pintuan, and I wondered how much he'd heard. Blangko kasi ang mukha niya. Ni hindi nga namin napag-usapan ang tungkol kay nanay o noong gabing iyon—kailanman.

Ang aking ama ay gustong kalimutan na ang nakaraan. Pero alam kong hindi ito madaling makakalimutan.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mga daliri ni Cassandra. "Kaya hindi ka nag-iisa," sabi ko sa kanya. "And it's going to hurt for a weeks, months, or even years. Pero malakas ka Cassandra, malalampasan mo rin ito."

Hindi niya nakita si Dad. Nakatutok lang kasi sa akin ang mga mata niya. "Paano mo nalaman na malakas ako?" May pagdududa sa boses niya. "Hindi ako tulad mo. Hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ginagawa mo. Wala namang espesyal sa akin, isa lang akong—”

“Apo ka ni Lola Belen,” mariing sabi ko. "At dahil napakaespesyal niya, sa tingin ko ganun ka rin."

Napakurap si Cassandra. "Y-yeah, apo niya ako."

"At maaari kang maging kasing lakas niya." Tulad ni Lola Belen na isang palaban, hanggang sa huli.

Marahan siyang tumango.

Tumayo na ako. "Subukan mong matulog, okay?"

The covers rustled as she settled back on the couch. Lumayo naman ako ng ilang hakbang sa kanya.

“Amara?”

Natigilan ako. Sinalubong ng tingin ko ang aking ama.

“Sa tingin mo bakit nasa kakahuyan si Lola ngayong gabi? Isa pa, ang spell shop ay nawasak, ngunit paano siya napunta sa kakahuyan?”

"Malalaman din ni Dad 'yan," sabi ko, at tumango siya. "Don't worry, Cass," sabi ko sa kanya. "Bibigyan siya ni Dad ng hustisya."

Kahit na kailangan pa niyang wasakin ang bayan para magawa ito. Kilala ko ang tatay ko, at alam kong hindi siya titigil, hanggang sa mapabagsak niya ang mga halimaw na iyon.

*****

Bite For OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon