1

3.1K 40 0
                                    

"Ma'am baka pwedeng stay-in na muna ako dito. Pinalayas po kase ako sa tinitirhan ko." alanganing sabi niya sa amo. Matagal-tagal na siyang nagtatrabaho at nagluluto ng tinapay sa bakery na pinagtatrabahuan. Maayos naman ang pagtatrabaho niya rito kaya naman ngayon nagbabakasakali siyang pwede siyang payagang magpalipas ng gabi sa bakery. At ito na lang kase ang alam niyang pwede niyang puntahan. Wala naman kase siyang mga kaibigan o kamag-anak dito sa Maynila na pwedeng mapuntahan.

"Buti at andito ka na." nakangiting sabi naman ng amo niyang babae. Mukhang maganda ata ang timpla ng mood nito.

"Bakit po?." kahit paano gumaan ang pakiramdam niya ng makita ang reaksyon nito. Baka pagbigyan siya nito.

Pero agad ding naglaho ang saya niya ng abutan siya ng pera.

"Huling sweldo mo na yan. Wag ka na papakita sa akin." yun lang at tinalikuran na siya nito.

Maagap naman niya itong pinigilan.
"Bakit po? Wala naman po akong kapalpakang nagawa sa trabaho."

Tinignan naman siya nito ng maanghang.
"Bitawan mo nga ako!." piksi nito sa kamay niya na parang nandidiring madampi ang kutis nito ng kamay niya.

"Ayaw ko ng kriminal sa bakery ko! Aba baka mawala ang mga suki ko!." sigaw nito sa mukha niya.

Kinabahan agad siya sa sinabi nito. Napaatras siya sa kinatatayuan.

"Hindi po ako kriminal." pinigil niya ang maiyak.

"Talaga? Eh ano yung napanood ko! Grabe talaga sa panahong ito, biruin mo dyan sa maamo mong mukha eh mamamatay tao ka pala!."

Todo iling naman siya sa mga binabato nitong masasakit na salita sa kanya.
"Parang awa niyo na po. Kailangan ko ho ng trabaho." hiling pa niya kahit alam niyang hindi na siya papakinggan pa.

"Tigilan mo nga ako! Umalis ka na!." tinulak pa siya nito kaya naman nalugmok siya sa maputik na sahig. Sumabog din sa kalsada ang mga damit at gamit niyang pinagkasya niya lang sa isang bag at mga paper bag.

Pigil ang luhang pinulot niya iyon isa-isa at nilisan na ang lugar kahit naririnig niya pa ang tsismisan ng mga tao sa paligid. Ang mga mukha nilang may disgusto, pandidiri at pagkaawa sa kalagayan niya.

"Miss! Miss!." may tumawag sa likod niya. Hindi na sana niya ito lilingunin dahil baka iba ang tinatawag.

Hanggang sa may lalaki nga na lumapit at huminto mismo sa harapan niya.
"Miss, nakita ko yung nangyari kanina. Baka gusto mong magtrabaho sa amin. Kailangan kase namin ng mga janitress sa hotel." parang bigla siyang nagkaroon ng pagasa sa narinig.

"Kailangan ko nga ho ng trabaho." tuwang-tuwa na sagot niya rito.

"Halika. Malapit lang iyon dito." medyo nagalinlangan pa siya ng una dahil di naman niya ito kilala ngunit sumunod na rin siya. Hanggang sa makarating sila sa matayog na gusali sa kamaynilaan.

Maya-maya ay may kinausap ang lalaki sa cellphone nito ng makarating sila sa tinutukoy nitong hotel. Habang papunta sila sa maintenance office ng hotel ay halos mabuhol ang leeg niya sa kakalingon at kakakikatis sa napakagara at napakaluwang na hotel. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakapasok sa ganito kasosyal na gusali. Akala niya nga eh sa ibang bansa lng makikita ang mga ganitong gusali.

"Hintayin lang natin si Sir. Ibaba mo na muna ang mga bitbit mo. " nakangiti naman siyang tumango. Nilapag niya ng maayos sa makintab na sahig ang dala-dala niya mga gamit.

"Salamat po." pero ang pinagtataka niya ay tinanguan lang siya nito ng malungkot.

Ilang minuto lang din ang lumipas ay bumukas na ang pinto. Napatingin siya sa pumasok. Gulat at takot ang una niyang naramdaman.

"Sir." bigay galang ng lalaki sa bagong dating.

"You can leave now." walang emosyon nitong tugon habang hindi pinuputol ang titig nito sa kanya.

Lalong dumoble ang kaba niya ng nilisan na ng lalaki ang kwarto kaya naman naiwan siya kasama ang lalaking ito.

"You just entered hell." malamig ang tinig nito na lalong nagpakilabot sa kanya. "I'm Timothy Jimenez your personal torturer. Sisiguraduhin kong pagsisihan mong nabuhay ka pa matapos ang aksidenteng iyon!." nanginginig ang mga tuhod na tumayo siya sa kinakaupuan niya.

Pati rin ang nanginginig niyang kamay ay pilit inabot ang bag niyang nakalapag sa gilid niya.

"Aalis na po ako." nang malalagpasan na niya ito ay mabilis nitong nahuli ang braso niya at binalibag siya sa katabing pader. Mabilis nitong pinulupot ang matitigas nitong kamay sa payat niyang leeg--sinasakal na siya nito!

Pilit niyang tinatanggal ang mga kamay nito sa leeg niya kahit walang lakas ang pareho niyang kamay laban sa lakas ng lalaking ito. Pakiramdam niya ay may balak itong baliin ang leeg niya at tuluyan na talaga siya nitong lalagutan ng hininga.

"Pinatay mo sila! Kaya dapat ka ring mamatay!." nagngingitngit sa galit na sigaw sa kanya ng lalaki.

"H.. Hindi.. ko s-ila.. Pina..tay." pinilit niyang sabihin kahit hirap na hirap na siyang huminga. Hindi na rin niya makita ng maayos ang galit na anyo ng lalaki dahil nanlalabo na rin ang mga mata niya sa luha.

Pero lalo lang ata itong nagalit at mas hinigpitan pa ang pagkakasakal sa kanya. Pinilit niyang huminga gamit ang bibig ngunit hindi na niya kaya. Hindi na rin siya makapagsalita kaya ang nagagawa niya lang ay pilit na pinapalo ang kamay ng lalaking nakasakal sa leeg niya. Pakiramdam niya rin ay nakalutang na rin siya sa sahig. Naiyak na lang siya ng naiyak sa kawalan ng pag-asa. Pinilit niyang suntukin o sipain ngunit bigo ang maliit niyang katawan na makabawi sa kanya.

"Sinira mo ang buhay ko! Kaya sisirain ko rin ang sayo! Papatayin kita!." sa nanlalabo niyang mga mata ay nakita niya ang ilang tao na pumasok sa silid at pilit pumipigil kay Timothy.

Kandaubo-ubo siya ng sa wakas ay pakawalan nito ang leeg niya. Lugmok sa sahig ang nanghihina niyang katawan habang pilit pinupuno ng hangin ang katawan. Kusang nagmalabis ang masaganang mga luha sa mata niya sa sobrang hirap ng sitwasyon niya. Iyak lang siya ng iyak sa silid na iyon, walang nagtangkang lapitan o kumustahin siya sa takot na baka sila ang mapagbalingan ng galit ng lalaki.

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon