40

1K 23 5
                                    


Nagising siya sa pagkakatulog ng may marinig siyang kaluskos sa loob ng kwarto niya. Sinalubong siya ng nagaagaw na dilim ng paligid at konting liwanag na sumisilip sa kurtina galing sa buwan. Sinawalang bahala na lang niya ang ingay at nagiba na lang ng posisyon sa pagkakahiga at sinubukang bumalik sa pagkakatulog.

Pero may kaluskos ulit siyang narinig ngunit pinigilan niya ang sariling imulat ang mga mata para usisain ang paligid. Pinikit niya ng maiigi ang mga mata at niyakap ang kumit dahil sa biglang paglamig ng paligid.

Hanggang sa may maramdaman siyang lumundo sa kama niya. Kinilabutan siya, hindi makagalaw. Para siyang pinagpapawisan ng malamig.

"Tim... Timothy..." awtimatikong minulat niya ang mga mata ng makilala ang boses na bumulong sa tenga niya.

"Carmela!." napabangon siya sa pagkakahiga. Pilit na pinalilinaw ang mga mata sa madilim na pigura ng dalaga sa dilim. Kaharap niya ito at nakaupo sa kama niya tulad niya.

"Carmela.. Nagbalik ka na?." bulong niya rito habang pilit inaabot ang mukha nito sa dilim. Gusto niyang makasiguro na hindi ito isang panaginip lamang na tuwing aabutin niya ito ay mawawala na lang ito bigla.

"Nagbalik ka na ba talaga?." inabot nito ang kamay niyang pilit umaabot dito at dinantay nito sa mukha nito para iparamdam dito ang presensya nito.

"Bumalik na ako, Tim. Nasa harap mo na ako."

Kusang tumulo ang mga luha niya sa pagkukumpirma nitong totoo nga talaga ito. Wala siyang sinayang na oras at agad hinila ang dalaga sa bisig niya. Niyakap niya ito ng sobrang higpit.

"Thank God! Thank you so much for bringing her back. Oh God!." paulit ulit niyang iyak habang yakap yakap niya ang dalaga.

"I love you Carmela. I love you so much. Please wag ka na ulit mawawala hm?." hinawakan niya ito sa mukha at pinakatitigan kahit di niya makita ng maayos ang mukha nito dahil sa dilim ng kwarto niya.

Gusto niya marinig ulit ang boses nito ngunit nanatili lang itong tahimik. Ang naririnig niya lang ay ang ingay ng mga insekto sa labas.

"Carmela?."

"Carmela?." parang sasabog ang puso niya sa kaba dahil hindi ito umiimik.

"Carmela is everything alright? Pano ka pala nakarating dito? Sino ang mga tumu--." imbes na sagutin siya nito ay tinulak siya nito para makaalis sa pagkakayakap niya.

Sinundan niya ito ng tingin habang naglalakad ito. Hanggang sa tumigil ito sa terrace ng kwarto niya.

"Carmela?." tawag pansin niya rito ng makaalis na siya sa kama niya para sana sundan ito.

Humarap ito na kinabigla niya. Doon niya nakita ang mukha nito, puno ito ng sugat hanggang sa mga braso nito. Tumutulo rin ang dugo nito sa noo pababa sa leeg nito.

"Oh God Carmela!." hindi niya alam ang nararamdaman sa nakikita niyang estado nito.

"Ikaw ang may gawa nito! Kasalanan mo ang lahat ng nangyari sa buhay ko! Sinira mo ang lahat sa akin!." pinagsisigawan siya nito. Pero bago pa siya makabawi sa mga sinabi nito ay tumalon itong terrace niya.

"Sir!."
"Sir."
"Sir Timothy."

Tapik sa balikat niya ang gumising sa kanya. Nagtatakang mga mukha ng mga empleyado niya ang una niyang nabungaran ng imulat niya ang mga mata. Nasa gitna pala siyang meeting ng mahulog siya sa panaginip.

"Magbreak time na muna ba tayo, Sir." tanong sa kanya ni Edward na inabutan siya ng tubig.

Inabot naman niya ang bote ng tubig.
"No. Just continue with the meeting without me. Just take down kung anong mga recommendations nila about the new project. I'll leave it to you Mr. Kang." tinapik niya ang balikat nito saka tuluyang umalis ng meeting room.

Para siyang nakahinga ng maluwag na makaalis sa kwarto. His nightmares about Carmela is getting out of hand. Kahit saan na lang ay di niya namamalayang nasa loob na pala siya ng panaginip.

Ilang buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa ring magandang balita tungkol sa dalaga. Sa loob ng buwan na paghahanap sa maaring pagagusan ng katawan ng dalaga ay wala pa rin silang nahanap. Kahit sa mga morgue ay wala ring mahanap. Kaya malakas ang kutob niyang buhay ang dalaga at nagkukubli lang ito sa kanya. Ginagawa niya ang lahat para mahanap ang dalaga hindi para muling guluhin ang buhay nito ngunit para tiyakin na maayos nga talaga ang lagay ng pamumuhay nito. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang ligtas at nasa mabuting lagay ito.

..

"I heard from Edward about what happened to your meeting." boses ng Mom niya sa kabilang linya.

"Yeah. I'm fine now." sagot niya dito habang naglalakad lakad di malayo sa construction site ng pinapatayo nilang hotel sa Taguig. Ngayon lang niya naharap na bisitahin ang site since naging abala siya sa trabaho at last last week lang din kase na-abrubahan ang construction. Mag-isa niya lang pumunta dito hindi na niya inabala pang isama si Edward dahil di rin naman siya magtatagal dito.

"I will set an appointment with your doctor he sho--."

"Mom! I'm fine. Ngayon lang ulit ito nangyari, no need to be paranoid. I'm still taking my meds no need to worry." he cut her off.

"But we don't wan--."

"Sorry, I gotta go. Bye Mom." pagtatapos niya sa usapan nila bago pa humaba ang sasabihin nito.

Bago sumapit ang tanghali ay kinunsulta muna niya ang engineer niya bago siya babalik sa opisina niya. Hindi naman iba sa kanya ang Engineer na may hawak ng project kaibigan niya rin ito nong college. Hinayaan niya lang magsalita at magexplain ang engineer tungkol sa proyekto habang napako lang ang tingin niya sa cupcake na nasa harap niya na pinaorder ng lalaki bilang meryenda nila. Iisang tao lang ang nasa isip niya ng mga oras na yon. It's just a simple cupcake but it reminds him of a special one.

"Erm.. may problema ba?." tanong ni Engr. Hiro na kaharap niya sa mesa kung saan sila naguusap.

"The cupcake just remind me of someone." sabi naman niya.

"Really? If you're interested to buy, sa tapat lang ng site yung cafe. Their cupcakes are good, though there are variety of pastry to choose from." paliwanag ng Engineer niya.

"Hmm maybe next time."

"Okay. Everything settled then?."

Tinanguan naman niya ito at kinamayan.
"Yeah. Thank you."

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon