"Who's this girl?." sandaling naalis ang tingin niya sa nakahigang dalaga at nilingon ang mama niyang kakapasok lang sa silid.
"I don't know, yet."
Pinagtaasan siya nito ng kilay.
"Israel darling, you shouldn't bring a stranger here.""Mom, I just want to help her."
"And why so..?." namewang ito.
"I found her in the top of the bridge, ready to take her life."
Nanlaki naman ang mata ng mama niya bago mapatingin sa dalagang mahimbing na natutulog.
Lumapit ito sa dalaga at hinaplos ang mukha nito.
"Poor girl." komento ng mama niya na nakaupo na sa tabi ng dalaga.
"So I want to help her. I would take care of her."
"Dear, what if her relatives are searching for her?."
Namulsa siya.
"No mom, she's all alone. All she have now is me."..
Ginising siya ng init at sinag ng araw ng umaga. Nilibot niya ang paningin sa paligid at doon niya nakumpirmang hindi pamilyar ang kinalalagyan niya.
Nagtataka tuloy siya kung paano siya napunta sa ganito kagarang kwarto. Kulay rosas at kahel ang kwarto, marami ring mga manika at stuffed toys ang kwarto patunay na babae ang may-ari ng kwarto.
Napalingon siya sa pinto ng bumukas ito.
"Good morning! Finally you're awake." sandaling pinroseso ng utak niya ang pamilyar na mukha ng lalaki hanggang sa wakas ay natandaan niya na ito.
Ito yung lalaking pinigilan niyang magpakamatay. Si Israel!
"Remember me?." ngisi nito.
Nakangiti naman siyang tumango rito.
"Israel..." banggit niya sa pangalan nito."You remembered! Though, I still have no idea about your name."
"Carmela.. Carmela Sarmiento." pakilala niya rito.
Lumuwang naman ang pagkakangiti ng lalaki. "Carmela, nice to meet you. Nice name by the way. "
Lumakad na ito palapit sa kinahihigaan niya at nilapag ang tray ng pagkain sa katabi niyang lamesa.
"You need to eat so you can regain your strength. Let me help you." inalalayan siya nitong maupo at makasandal sa headboard ng kama.
"Salamat." malat ang boses niya.
"Here." natawa naman siya ng susubuan na siya nito.
"Ako na.. kaya ko." kinuha niya rito ang kutsara at mangkok at siya na ang nagpakain sa sarili.
"Actually I want to prepare something special but I just thought na baka mahirapan ka lang kumain. So I chose to cook sopas for you. Atleast you have veges and soup in one." kindat nito sa kanya.
Hinayaan naman siya ng lalaki na kumain pero hindi niya mapigilang mailang sa mga titig nito. Para naman kase nitong pinagaaralan ang mukha niya. Na conscious tuloy siya sa itsura niya lalo na't bagong gising lang siya. Habang ito ay naaamoy mo na ang preskong bango nito dahil bagong ligo ito.
"Uh.. sabayan mo na ko kumain." alok niya rito.
"Nah I'm good. Tapos na ko kanina." sagot nito.
"Ganon ba..." nasabi na lang niya. Tumingin na lang siya sa ibang direksyon para hindi siya mailang dito.
Nakipagtitigan na lang siya sa malaking stuffed toy na panda na nakapatong sa desk ng kwarto na katapat niya lang.
Narinig naman niyang bumuntong hininga ang lalaki. Nang lingunin niya ito ay papunta na ito sa desk at kinuha ang stuffed toy. Inabot nito sa kanya ang panda.
"My sister love that panda. She loves everything about panda. We even visit china just to see one. Regalo ko sa kanya yan nong debut niya." napatingin naman siya sa panda at hinaplos ang kalambutan nito.
"Kwarto pala ito ng kapatid mo bakit dito mo ako--."
"It's alright, si mama mismo ang nagsabi na dito ka pagpahingain. Siguro nakikita niya ang kapatid ko sayo." malungkot ang tinig nito kabaligtaran ng paggiging pilyo nitong kausap.
Nakagat niya ang labi mukhang may ideya na siya tungkol sa kapatid nito. "Nasaan ang... kapatid mo?."
Mapait itong ngumiti. "She's gone, 4 years na ring nakalipas. She committed suic*de when she found out that her boyfriend cheated on her. Tumalon siya sa rooftop ng Grand Hotel."
Napasinghap siya sa gulat. Sa hotel mismo ni Timothy nagpakamatay ang kapatid ni Israel.
"Kaya naman ng makita ko ang gagawin mo kagabi ay umaksyon na ako kaagad. Hindi ko napigilang magpakamatay ang kapatid ko noon, pero kahit paano ay gumaan ang loob ko dahil nasagip kita." ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
Pinisil nito ang kamay niyang hawak nito.
"Kaya naman huwag mo ng uulitin iyon. I'll help you, okey? You have me now." kusang tumulo ang luha niya sa sinabi ng binata.
Malaki ang pasasalamat niya rito dahil minulat siya nito na kahit kailan ay hindi magiging solusyon ang pagpapakamatay. Binigyan siya nito ng panibagong pagkakataon.
..
"Sir, negative. Hindi pa rin namin siya nahahanap." bigay impormasyon ng private investigator sa kabilang linya.
"D*MN YOU! HANAPIN NIYO SIYA! HALUGHUGIN NIYO ANG KAMAYNILAAN KUNG KINAKAILANGAN!!." hindi mapigilang sigaw niya rito.
Magdadalawang linggo ng nawawala si Carmela pero wala pa ring lead kung nasaan ito. Ilang beses na rin niyang pinagbantaan ang mga kasamahan nito sa trabaho pero wala rin alam ang mga ito.
"BINABAYARAN KO KAYO! KAYA AYUSIN NIYO ANG TRABAHO!." padabog niyang binaba ang telepono.
Napahilot siya ng sintodo dahil sa sobrang inis. Hindi pwedeng mawala ang dalaga, hindi pa nito napagbabayaran ang mga ginawa nito. Hindi pa siya tapos dito kaya hindi dapat ito makatakas sa kanya.
Pinaghahagis niya ang tambak na mga papeles sa harapan niya. Ni hindi siya makapagtrabaho ng maayos sa loob ng isang linggo at dahil iyon sa dalaga.
Nagsisigaw siya sa inis.
"NASAAN KA NA CARMELA!!."
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...