24

879 26 3
                                    

Binitawan niya ang kamay ng dalaga ng makarating sila sa sala. Walang salitang lumabas sa bibig niya, sinenyasan lang niya itong maupo sa sofa at iniwan ito.

Kinuha niya sa banyo ang ointment at binalikan ang dalagang naghihintay sa kanya. Walang salitang namagitan sa kanila habang nilalagyan niya ng  ointment ang paso nito sa binti.

Hinawakan niya ng mabuti ang binti nito dahil panakanakang kumukislot ang dalaga sa ginagawa niya. Kasalukuyang nakapatong ang binti nito sa kandungan niya. Sinilip niya ang mukha nito nakatungo ito habang kagat kagat nito ang labi parang nahihiya o natatakot sa kanya. Saka lang tila kidlat na nagsink in sa utak niya na ang awkward ng posisyon nila. Paano ay dahil nasa kanya ang isa nitong binti ay kaya naman nahawi na ang palda nito.

Tarantang binitawan niya ang binti nito at aligagang tumayo at lumayo rito. Hindi pala komportable ang dalaga ngunit hindi naman nito pinapaalam! Marahil takot itong magsalita dahil lagi niya itong pinapagalitan kahit wala naman itong ginagawang masama.

"Ikaw na ang maglagay sa binti mo." tukoy niya sa ointment.

Naupo na lang siya sa pangisahang sofa at hinayaan na itong gamutin ang sarili. Kung bakit naman kase nangealam pa siya kung pwede naman nitong gamutin ang sarili. Kung minsan talaga ay hindi niya kontrol ang sarili, para siyang nasisiraan.
Imbes na maging seryoso siya nagiging katatawanan pa siya.

Pagod na sinandal niya ang likod sa upuan ngayon niya lang kase naramdaman ang sakit at pangangalay ng pagaling niyang likod.

"Why are you always here? Si Edward ba ang nagpapapunta sayo rito?" seryosong tanong niya rito. Tumigil naman ito sa ginagawa at sinulyapan siya.

Tumango ito. "Opo Sir. Siya po ang nagsuhestyon na dapat ay dito muna ako magtrabaho tutal sa inyo naman po ako nagbabayad."

'That ugly bastard!' bulong niya sa sarili.

"Maghain ka na. Nagugutom na ako." masungit niyang utos rito. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya itong nakatingin ito sa kanya pero hindi niya ito nilingon. Inabot na lang niya ang remote at binuhay ang TV. Inabala niya lang ang sarili sa panonood habang naghihintay sa pagkain nila.

Nang maihain na ang pagkain ay nagumpisa na siyang kumain. Pero agad din siyang natigil ng mapansing hindi pala sumabay sa pagkain ang dalaga. Ayun at nakaluhod ito at nililigpit ang tinapon niyang pagkain pati na rin ang basag na mangkok na tinabig niya kanina.

"Mamaya na yan. Kumain ka na rin." sabi niya rito ng hindi tumitingin pero malakas na pinapakiramdaman niya ito.

"Okey lang po Sir." tanggi nito at tinuloy lang ang ginagawa.

"I'm your boss. My command is absolute." matigas niya sabi rito.

Narinig niya ang malalim nitong paghinga at sandali itong nawala sa paligid. Pagbalik nito ay may dala na itong sariling pagkain,naupo rin ito sa sahig habang nakaharap sa center table at nanonood ng TV.

Umasim ang mukha niya ng makita ang pagkain nito. Paano ang dapat na malinaw na sabaw ng sinigang ay kabaligtaran ng nasa mangkok nito. Pula ang sabaw ng sinigang nito.

"What the hell are you eating?!." hindi niya napigilan ang tabil ng dila niya lalo na at nakikita niyang magana itong kumakain.

Sa mga mata niya ay isa itong napakagandang bampirang umiinom ng dugo.

'napakaganda?! F*ck you Thy!' sigaw ng isip niya.

"Sinigang din po." inosenteng tanong nito at muling humigop ng mainit nitong pulang sabaw.

"That's gross! Ano ang nilagaw mo dyan?!" pikon na tanong niya rito. Hindi talaga siya komportable sa kinakain nito parang bumabaligtad ang sitmura niya.

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon