Tumaas ang kilay ni Timothy sa narinig.
"You want that... girl?." hindi makapaniwalang tanong niya rito.
"Kapalit ng pagpirma ko ng kontrata." pormal na sabi nito.
"Why do you want her?." he asked almost laughing.
"Dahil alam kong hindi maganda ang trato mo sa kanya." nangunot naman ang noo niya sa sinabi nito.
"Says the one who want to buy her in exchange of a f*cking signature." tumawa ito ng nakakainsulto sa lalaki.
Pero nanatali lang na seryoso si Israel.
"I. Want. Her.""And I. Want. Her. Too." pandidiin din niya rito.
"To what? You want her to suffer?." sumbat naman ni Israel.
Napatiim bagang siya.
"Don't meddle with my business. Ano bang alam mo sa babae iyon huh?!.""Oh I know! Dahil nasa akin siya ng mga panahong tumakas siya sa hospital. Didn't you know that she tried to took her own life? Hah! I guess not! Because all you wanted is to completely destroy her!."
"Pinagbabayad mo siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Namatay si Shannon dahil sa sarili mong kapabayaan! Kung alam ko lang na mangyayari iyon ay hindi ko na siya pinaubaya sayo."
Isa rin si Shannon sa inagaw nito sa kanya. Pero nagawa niyang magparaya dito dahil si Timothy ang mahal ng dalaga. Siya lang naman ang dakilang kaibigan ng dalaga na takbuhan nito kapag nagkakaroon ng di pakakaunawaan sa relasyon ng dalawa.
"Wag mong isasali rito si Shannon!."
"You sound guilty." asar nito sa kanya.
"F*ck off! It's none of your business!."
Kanina pa nakaalis si Israel ngunit nanatili lang siyang naliligaw sa lalim ng iniisip niya. Ni hindi niya matandaan kung paano niya ito napaalis sa opisina niya, o kung paano nila tinapos ang paguusap nila.
Sinandal niya ang buong bigat ng katawan niya sa swivel chair niya.
"Shannon.." bulong niya sa pangalan ng dating nobya. Kusang namuo ang luha sa kanyang mga mata sa ala-ala ng nobya.
Pinikit niya ng madiin ang mga mata at bumuntong hininga.
..
Naghahanda na sila sa pagtulog ng tumunog ang intercom na nakadikit sa pader ng quarters nila. Nagkatinginan silang tatlo si Denny na ang nagkusang lumapit doon at kumausap.
Nilingon nito si Carmela.
"Carmela tawag ka raw ni Sir."Gulat naman siyang napatingin sa kaibigan.
"Bakit daw?.""May ipapaligpit daw sayo si Sir." sagot nito.
"Andyan pa si Sir sa opisina? Mag-aalas dyes na ng gabi ah." nagtatakang komento naman ni Jonah na nakahiga na sa kama nito at nakapagkumot na.
"Baka hindi uuwi, may kadugtong naman na kwarto iyon sa opisina niya eh." paliwanag naman ni Denny.
"Sige pupunta na ako." tumayo na siya at nagpalit na ulit ng uniporme. Naginat pa siya ng konte para maalis ang antok niya. Tulak tulak ang trolley niya ay nagtungo na siya sa opisina nito.
Nang makapasok siya sa opisina ay naabutan niya ang lalaking nakalugmok sa lamesa nito. Gulo-gulo ang buhok nito. Wala na rin ang tie nito at nakabukas pa ang dalawang butones ng suot nitong polo. Ang natitirang ilaw na lang sa opisina nito ay ang study lamp nito.
Nailing siya sa ayos nito. Pansin niya rin ang bote ng whiskey sa lamesa nito, nangangalahati na ang laman ng bote.
"I.. want..home." napaigtad pa siya sa gulat ng magsalita ito habang tulog. Mukhang lasing na lasing nga ang lalaki.
Nilibot niya ng tingin ang buong opisina. Wala naman siyang iba pang liligpitin dahil malinis naman ang buong opisina. Maliban na lang sa mismong nagoopisina dito na wala sa sarili dahil sa kalasingan.
Iniwan niya ang trolley at lumakad palapit sa lalaki. Tinabi niya muna ang ibang mga papeles nito at laptop sa tabi para maayos niya ang lalaki. Kinuha niya ang mga braso nito at sinampay sa balikat niya.
"Home... want to..." imbes na maakay niya ito ay yumakap ito sa kanya kaya naman napakandong siya sa lasing na binata.
Napatitig siya sa nakapikit na binata. Gumuhit ang munting ngiti sa kanyang labi ng mapagtanto na ito ang unang pagkakataon na nagkaharap sila nito ng hindi siya sinisigawan.
Tumayo na ulit siya at sinubukan ulit itong akayin. Napakagat labi na lang siya sa bigat ng lalaki. Hingal siyang napaupo sa kama nito ng magtagumpay siyang madala ito sa kwarto nito. Ayun ang binata at naghihilik na sa kama nito.
Napabuntong hininga na lang siya bago lumapit sa aircon para i-on iyon. Pagkatapos ay nilapitan niya ulit ang binata para kumutan ito.
"Alam kong hindi ka masama. Napuno lang ng galit at pangungulila ang dibdib mo." bulong niya rito habang hinahaplos ang buhok nito.
Aalis na sana siya ng hinablot nito ang kamay niya. Takhang napalingon siya rito. Nakabukas ng kaunti ang mga mata nito.
"Sha.. Shannon. Don't leave... please." ang diin ng hawak nito sa kamay niya na parang ayaw siyang pakawalan pa.
Naestatwa siya sa sinabi nito. Napagkamalan lang naman siyang nobya nito. Bago pa niya mabawi ang kamay sa pagkakahawak nito ay nahila na siya nito paibabaw sa katawan nito. Pero mabilis nitong pinagpalit ang pwesto nila at siya na ngayon ang nasa ilalim nito.
Napaigtad siya ng haplusin nito ang pisngi niya. Akala niya ay pagbubuhatan siya nito ng kamay.
"I missed you so much. I love you Shannon." iyak sa kanya ng lalaki. Niyakap siya nito habang nakaibabaw ito sa kanya. Yumuyogyog ang balikat nito sa labis na pagiyak.
Hindi niya mapigilang madala sa emosyon nito. Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.
Niyakap niya ang kamay niya sa likod nito at hinaplos haplos ito. Nagbabakasakali siyang kumalma ito at huminto sa pag iyak.
Maya-maya ay inangat nito ang mukha. Tumigil na ito sa pag iyak pero pasinghot singhot naman ito.
Kusang pumahid ang kamay niya sa mukha nito para punasan ang mga luha nito. Pinikit naman nito ang mga mata na parang pinakakiramdaman ang palad niya. Para itong maamong tuta na naghahanap ng lambing at pagmamahal sa amo nito. Ibang iba sa lalaking laging nakasalubong ang kilay at laging naninigaw kapag nakikita siya.
"Shannon." bigkas nito.
"Please stay. I love you so.. much." Ang sunod na lang niyang naramdaman ay ang pagdampi ng malambot nitong labi sa labi niya.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...