Inumpisahan niya ang araw niya sa paglilinis ng buong floor ni Timothy. Tapos na niya ang office nito at ang hallway na lang ang mina-mop niya.
She was humming a song when the elevator opens. Agad siyang napalingon don. It's none other than Timothy itself. He was wearing his casual outfit, a fitted v-neck shirt and pants. Hawak hawak lang nito ang suit nito pati na rin ang briefcase sa isa pang kamay. He looks like a model on a runway lalo na sa sungit ng kilay nito. Na tipong umaga palang ay bad mood na ito.
"G-good morning, sir." she mumbled when he passed by.
"In my office, Miss Sarmiento." hindi man lang ito nag-abalang batiin din siya at lingunin man lang.
"Opo." agad naman siyang sumunod dito habang tulak tulak ang mga panlinis niya.
Agad tinungo ng binata ang lamesa nito at naupo. Nakatayo lang siya malapit sa pintuan at hinihintay ang utos nito. Nahihiya naman siyang magtanong dito lalo na at mukhang wala sa mood ang lalaki.
"Here. Take this." tinapik nito ang tambak na mga papeles na nakapatong sa mesa nito.
"Sec. Kang isn't here, so I need your help." tumango naman agad siya at binitbit ang gabundok na papeles. Muntikan pa siyang mabuwal sa pagkakatayo dahil sa bigat non.
Sinunod niya ang utos nito na ilapag sa mesa sa mini sala ng office nito.
"Just arrange it to alphabetical order and list down the dates." binigyan din siya nito ng ballpen at papel.
"You can start now. I'll give you two stamps for that one." natuwa naman siya sa narinig kaya agad din siyang nagsimula.
Papalit palit naman ang tingin ni Timothy sa laptop niya at kay Carmela. Malapit ng magtanghalian ay hindi pa nito nakakalahati ang ginagawa, meron pa itong dalawang tore ng mga papeles na hindi pa nito nauumpisahan. Naiiling na nga lang siya tuwing nakikita niyang humihikab ito o kaya naman ay pinipikit pikit nito ang pagod na mga mata. He find it cute that he can't stop watching her working.
"What do you want for lunch?." napaigtad naman ito sa gulat sa biglaang pagsalita niya.
Hindi naman niya ito masisisi. They're both working for almost four hours straight pero hindi man lang sila nagiimikan. Pareho ata silang nagpapapanis ng laway.
"Po?." takhang tanong nito. There it goes again, her innocent eyes.
What he noticed is she has a natural doe eyes.
Timikhim siya.
"I said, what do you want for lunch?.""K-kain na lang po ako sa canteen, sir." mahina nitong sagot.
Nag-angat siya ng isang kilay sa narinig.
"No. You'll eat here so you can easily resume to your work." masungit nitong sagot sa kanya.
Nakagat na lang niya ang loob ng pisngi dahil hindi ito tumatanggap ng hindi. Sana lang ay hindi na siya hintayin ng dalawa para mananghalian.
Narinig na lang niyang nagoorder ng food though phone si Timothy kaya tahimik na lamang niyang tinuloy ang trabaho. Ilang minuto lang ay dumating na ang pagkain nila.
Ang sarap ng mga pagkain pero hindi siya makakain ng maayos dahil sa sobrang pagkailang na nararamdaman. Ito ang first time na magkasama silang kakain,buti sana kung friends sila ng binata.
Nakahinga na lang siya ng maluwag ng matapos din ang tanghaliang iyon. Pero ilang minuto palang siyang nakabalik sa trabaho ay nagutom ulit siya. Di ba naman kase siya nakarami kanina sa sobrang tension.
Kiniling na lang niya ang ulo. Kailangan bilisan na lang niya sa pagtatrabaho at matapos ito bago mag-alas tres para maabutan niya pa si Israel. Araw-araw kase ang usapan nila na kakain sila tuwing break niya ng hapon.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Ficción GeneralSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...