31

896 33 3
                                    





"Gustong magset ng appointment sayo si Hernandez."

"That jerk again!." inis na nilapag niya sa office desk ang dala niyang attache case. Kapapasok niya lang ng opisina ay ito agad ang bungad sa kanya ni Edward.

"Don't worry I didn't let him. That's what you said right?." tumango naman siya rito.

"Good. Hindi talaga alam ng lalaking iyon kung kelan susuko." naupo na siya sa upuan niya at huminga ng malalim.

Nitong mga nakalipas na linggo ay hindi na siya tinantanan ni Israel at gusto siyang makausap. Mukhang di pa rin ata kumbinsido ang lalaki na wala siyang ginawang masama kay Carmela. At ayaw din talaga siya nitong tantanan hanggat hindi niya nilalabas si Carmela.

"Well maybe he knows that you have Carmela. And wala siyang tiwala na gagawa ka ng matino. Isa pa, buntis siya kaya lalong wala siyang tiwala sayo. Baka iniisip non ipapalaglag mo ang baby niyo o kaya naman maltratuhin mo na naman si Carmela."

"Why would I do that?!." galit na bato niya sa secretary niyang kalmado lang na nakatayo sa harap ng mesa niya.

"Because you want Carmela to suffer in the first place."

"Wala akong balak na gawin ang mga sinasabi mo. She's pregnant at anak ko ang dinadala niya."

"Yes. May magiging anak ka sa kanya. Pero anong plano mo pagkatapos niyang ipanganak ang baby niyo?."

That question caught him off guard. Ano nga bang plano niya? Ano na ang estado nila ng dalaga? Ano.. Ano...

"Hi! Kumusta ang trabaho?." nakangiting bungad sa kanya ni Carmela ng pagbuksan siya nito ng pinto ng bahay.

Medyo maaga siyang nakauwi ngayon dahil wala naman masyadong gagawin sa opisina. Ang pabibo kase niyang secretary na ang gumawa halos ng trabaho niya ngayon para daw maaga siyang umuwi at maalikaso daw si Carmela. Siraulo naisip na lang niya.

"Gising ka pa?."

Takha naman siyang tinignan ng dalaga. "Kaka-six palang eh." rason nito saka nagtungo sa sala at naupo. Mukhang may pinapanood ang dalaga bago siya dumating.

"Kumain ka na?." tanong niya rito habang nagaalis ng sapatos niya.

Tumango naman ito. "Tapos na. Kakain ka na ba? Ipaghahain na kita."

"Yeah sure, if you're not tired."

"Sige. Sunod ka na lang sa kusina." sabi nito bago nagtungo sa kusina. Siya naman ay dumeretso na sa taas at nagshower at nagbihis na para makakain.

Hindi rin naman siya nagtagal pa sa kwarto. Bumaba na rin siya at nagtungo sa kusina. Nakahain na sa lamesa ang ulam at kanin niya. Habang si Carmela naman ay mukhang abala sa paggawa ng sandwich, nagutom siguro ito. Natural lang naman iyon dahil may kahati na ito sa mga kinakain nito at hindi naman siya naiinis doon sa halip ay natutuwa naman siya dahil hindi na nahihiya ang dalaga sa pagkain.

"Si manang ba ang nagluto ng kare-kare?."

Nilingon naman siya ng dalaga ng bigla siyang magsalita.

"Hmm. Siya yung nagluto. Sabi nga niya paburito mo raw yan. Gusto ko sanang magpaturo kaso ayaw niya kase daw baka minsan ako raw ang mamilit magluto, ayaw daw niya akong mapagod." nakamisangot na kwento nito.

Natawa naman siya sa itsura nito. "Tama lang ang ginawa ni manang siguradong ayaw mo na naman magpaawat niyan sa pagluto." naupo na siya para makakain. Dinala rin ng dalaga ang ginawa nitong sandwich at naupo rin sa tapat niya. Sinabayan siya nitong kumain habang nagkwekwentuhan sila kung ano ang nangyari sa araw nila.

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon