39

668 19 3
                                    

"What are you doing here?." salubong agad ang kilay niya ng makitang pumasok sa opisina niya si Tori.

"You can't marry Shannon!." bungad agad nito. Kung titignan ang mukha ng dalaga ay halatang nakainom din ito. Pulang pula ang labi nito sa gamit nitong lipstick. At all black tube dress naman ang suot nito at stiletto

"Just leave Tori." di tumitinging sabi niya habang abala sa pagliligpit ng gamit niya. Halos mag aalas-nueve na ng gabi ng matapos siya sa trabaho niya. Hanggat maaari nga ay tinatapos na niya ang lahat lalo na at nalalapit na ang kasal nila ni Shannon kaya paniguradong mas lalo siyang magiging abala. Ayaw naman niyang iwan lahat ng trabaho sa kasal kay Shannon dahil buntis ito at di dapat ito mapagod at mastress ng sobra.

"How could you do this to me? Hindi mo na ba talaga ako mahal? How could you not wait for me? And to all the people bakit kapatid ko pa! How could you!." may hinanakit na sumbat sa kanya ng dalaga habang nagmamalabis ang nga luha nito sa mukha.

"I understand that you loathed me but I love your sister. And for the record, matagal na tayong tapos Tori. Tinapos mo na ang lahat sa atin bago ka umalis sa akin at pumuntang France for your career. So don't come to me saying that I didn't wait for you, ikaw ang tumapos sa atin. "

"But I still love you." iyak ni Tori.

He exhaled. Pagod na pagod na siya ngayong araw at heto naharap na naman siya sa problema.

"Don't marry her! Marry me instead. Ako naman ang nauna diba. Sa akin ka unang nagpropose--I'm ready to marry you now. Hindi na ako aalis, hindi na kita iiwan. Please just another chance Thy. Please hon. I miss you so much." she pleaded. Tinangka pa nitong abutin ang kamay niya pero iniwas niya iyon.

"It doesn't work that way. We're on separate path now Tori. You just need to let go and move on."

"No! Pakakasalan mo lang siya dahil buntis siya. Papakasalan mo lang siya dahil sa obligasyon, right? Ako pa rin ang mahal mo. Matagal ko ng alam na may gusto sayo si Shannon at noong nawala ako, she grab the chance to seduce you! To take you away from me!. "

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Don't be ridiculous! I love her that's why I want to marry her."

Kinuha na niya ang briefcase niya at nilagpasan na ito. Ngunit di pa man siya nakakaabot sa pinto ay pinigilan siya sa braso ni Tori. Galit na nilingon niya ito ngunit ang labi nito ang sumalubong sa kanya. Inis na tinulak niya ito ngunit pursigido ang babae na akitin siya. And curse this b*tch for turning him on. Alam na alam pa rin talaga ng dalaga ang kahinaan niya. Magaling pa rin itong humalik tulad ng dati and so he can't help himself but to respond.

"You're still mine." ungol nito sa pagitan ng labi nila. Doon naman siya nagising at itinulak ang babae ngunit imbes na masaktan ang dalaga sa ginawa niya ay nakangisi pa ito sa kanya--hindi! Sa likod niya ito nakangisi.

At ng lumingon siya sa likod niya ay doon niya nakita ang basang basa na mukha ni Shannon--luhaan ang dalaga. Parang huminto ang puso niya sa pagtibok. Alam niyang nakita nito ang hindi dapat nito makita.

Hindi na siya binigyan ng babae pang magpaliwanag dahil dali-dali itong tumakbo paalis. Sandali siyang natulala, hindi alam ang gagawin.

"Serves you right, Sis." napalingon siya sa sinabi ni Tori na nasa likod niya pa rin pala at nagsisindi ng sigarilyo nito.

"What?." tanong nito sa kanya ng mapansing nakatitig pa rin siya rito.

Hindi niya ito sinagot at basta na lang tumakbo palabas ng opisina niya. Kailangan niyang habulin si Shannon. Mabilis siyang sumakay ng private elevator nasuntok niya pa ang pader nito dahil sa bagal ng pagbaba nito. For f*ck sake! Bakit ngayon lang kase gumana ang utak niya para habulin si Shannon. Ang tanga-tanga niya!

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon