"Buti bumaba ka na. Dadalhan na sana kita ng tanghalian mo sa kwarto." bungad sa kanya ni Manang Rowena na paakyat na sana ng hagdan bitbit ang tray ng pagkain niya.
"Sa kusina na po ako kakain, Manang." tumango naman ang ginang at bumalik na lang ulit sa kusina. Bumaba na siya ng hagdan at sinundan na ang ginang sa kusina.
"Hindi ka na naman kumain ng almusal mo, hija. Huwag mo na lang alalahanin ang sinabi ng mommy ni Sir ang mabuti pa ay magusap na lang kayo ng maayos. Ganyan din ako noon sa biyenan kong babae eh, di nila ako tanggap ng una pero nong kinasal na ka--."
"Hindi po kami ikakasal ni Tim at di ko po magiging biyenan ang mommy niya." tipid siyang ngumiti sa ginang.
Natutop naman ng babae ang bibig nito.
"Naku pasensya na hija, hindi ko alam. Pero mukhang doon din naman kayo hahantong ni Sir."Naupo na siya sa hapag pero imbes na galawin ang pagkain ay mas pinili niyang inumin na lang ang gatas.
"Ang dinadala ko lang po ang nagdurugtong sa amin ni Tim."
"Huwag kang mag-isip ng ganyan hija."
"Totoo po. Ako lang po ata ang nagmamahal sa aming dalawa."
"Mahal ka ni Timothy hija. Saksi ako kung paano siya mag-alala at tumingin sayo. Mahal ka niya."
Umiling siya. "Hindi niyo po alam kung paano kami nagumpisa kaya madali lang sa inyong sabihin yan. At kahit kelan ay hindi ko po narinig sa bibig niya na m-mahal niya ako."
"Nagbabago ang tao hija. Nagbabago ang tao dahil sa pag-ibig. Maniwala ka."
"Hindi ko na po talaga alam."
"Alam na ba ni Timothy na mahal mo siya, nasabi mo na ba ang nararamdaman mo sa kanya?."
"Hindi pa po." binaba niya sa mesa ang nangangalahati ng gatas.
Hinawakan siya sa balikat ng ginang. "O ikaw rin pala eh. Hindi niya rin alam na mahal mo siya. Mag-usap kasi kayo ng maayos. Dalawin mo kaya siya sa opisina niya. Dalhan mo siya ng tanghalian. Sandali lang ipaghahanda ko--."
"Manang wag na po! Nakakahiya baka istorbo lang ako." nagiinit ang mga pisngi niya sa ideyang sinasabi ng ginang.
"Lunch break naman na nila. Dali na magbihis ka na at ihahatid ka namin ni Amboy." excited na ani ng ginang habang abala ito sa pagsasalin ng pagkain sa mga tupperware na nakanda na sa mesa.
"Sigurado po ba kayong effective to? Baka sigawan lang niya ako."
Umiling ang ginang. "Hindi. Paniguradong matutuwa pa yon. Hala dali na at magbihis ka na."
..
Dahil hindi naman siya bago sa pagpasok sa hotel ni Timothy ay naging madali na lang siyang pinalusot ng receptionist. Alam naman ng mga ito na kilala niya si Tim since nakikita sila nito na magkasamang pumapasok sa opisina. Pero hindi na lang niya pinaalam sa mga ito na sabihin kay Tim na pumunta siya ngayon dito.
Hindi niya mapigilan ang lakas ng pintig ng puso niya habang pinapanood ang pag-andar ng mga numero ng elevator. Unang beses niya tong gagawin na siya mismo ang pupunta sa opisina nito ng mag-isa. Sana lang ay nakataon itong walang ginagawa.
Nang makarating siya sa floor nito ay agad siyang kumatok. Kumatok siya ng tatlong beses ngunit walang sumagot at nagbukas ng pinto kaya pinagbuksan na kang nuya ang sarili at pumasok sa loob.
Sumalubong agad sa kanya ang lamig ng buga ng aircon. Walang tao sa loob at tanging ingay lang ng aircon ang naririnig niya.
"Baka kumain na sa labas." bulong niya sa sarili habang nakatingin sa hawak niyang paper bag na naglalaman ng pagkain nito.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Ficción GeneralSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...