15

1.1K 25 3
                                    

Napatiim bagang siya sa nakikita.

"What's the problem handsome?." bulong ng babae sa tenga niya. Nakakandong ito sa kanya habang nakalingkis ang mga braso sa leeg niya.

Iritang inalis niya ang braso nito at tinulak paalis sa kanya.

"What the f*ck?!." maarteng sabi nito.

Pero hindi niya lang ito pinansin at agad pinuntahan ang pwesto ni Carmela. Agad ngumiti ang dalaga ng makita siya nito.

"Hey Timothy!." bati nito sa kanya. Napatigil naman si Diego sa paghalik dito at tinignan din siya.

"Let's go home, Carmela." nagtatagis ang bagang na bigkas niya.

Nagtaas naman ng kilay ang dalaga.

"Woah! Too early dude. Naguumpisa palang kami." komento ng kaibigan at pinisil pa sa baba si Carmela na tinawanan lang ang ginawa.

"Let's go!." galit na siya.

Naaasar naman na tumayo si Diego at hinarap siya.

"Ano bang problema, Pare?." nagtagisan sila ng tiningin ng lalaki.

"Boys, boys! Hindi niyo kailangang mag-away. Pwede namang tatlo eh." narinig niya ang hagikgik ni Carmela sa likod niya na nakahiga pa rin sa sofa.

Nagtagis pang lalo bagang niya sa nakikitang kilos ng dalaga.

"See? Pwede naman pala Pare eh. Why don't you just join us?." nakangising paanyaya sa kanya ng kaibigan.

"You drugged her!." duro niya sa kaibigan

Tinawanan naman siya ng kaibigan at nagkibit balikat lang.
"What? It's more fun that way. You see her? She could seduce every guy in this room. And you gave us permission na pwede naming gawin ang gusto namin sa kanya. "

Handa na sana siyang bigwasan ito ng suntok ng may umakbay sa kanya at ilayo siya roon.

"Chill Jimenez! Ibabalik din namin siya sayo." wika ng isa niya pang kaibigan at tinabihan siya ng upo sa sofa.

"Look who's here!." nabitin sa ere ang pag-inom ni Timothy at napalingon sa anunsyo ng kaibigan.

Agad umasim ang mukha niya ng makita ang akbay akbay ng kaibigan. None other than Israel Hernandez.

"Who invited him here?." maangas na tanong niya sa kaibigan pero kay Israel nakatingin ng masama.

Tinignan din siya nito ng masama. Well the feeling is mutual. They really hate each other.

"Woah now! Let's just party, okey?. Ngayon lang ulit tayo nagkita kita." suhestyon naman ng kaibigan na naramdaman na ang tensyon sa pagitan nila.

Inalis ni Israel ang pagkakaakbay sa kanya ng dating schoolmate ng may mapansin siya sa sulok ng VIP room. Tinignan niya pa iyong mabuti hanggang sa masigurong hindi siya nagkakamali.

Si Carmela!

Ngunit hindi niya inaasahang maabutan niya ito sa eksenang hindi niya inaakalang magagawa nito! Nakikipagtagisan lang naman itong humalik sa kapareha.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. Nagtatagis ang bagang niyang hinila ang lalaking kahalikan nito at paulanan ito ng suntok. Hindi ito makalaban sa sunod sunod niyang tira dahil nakadagan na siya rito. Nang hindi na ito makalaban ay agad niyang sinugod si Timothy sa pwesto nito. Hindi siya napigilan ng nga lalaki na makalapit kay Timothy.

Alam niyang ito ang may pasimuno kung bakit andito si Carmela! Alam niyang may ginawa na naman itong kahayupan! Malamang ay tinakot na naman nito ang dalaga.

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon