"Hinay hinay lang sa pagkain. Hindi naman kita aagawan eh." natatawang komento sa kanya ni Israel na katabi niya lang. May hawak rin itong burger tulad niya pero nasa kalahati palang iyon hindi tulad ng sa kanya eh ubos na ang isa at pakalahati na ang isa pa.
Nahiya naman siya bigla.
"Nagutom kase ako." rason niya.Nangiti naman lalo ang binata.
"Lagi naman yan ang sagot mo eh tuwing nagmemeryenda tayo dito." tukoy nito sa waiting shed ng Grand Hotel na pinagtatambayan nila tuwing break niya ng hapon. Laging nagdadala ng pagkain sa kanila si Israel at dito nila kinakain habang nagkwekwentuhan sila."Lumalakas ka talagang kumain nitong mga nakaraang linggo." asar pa nito sa kanya.
Inirapan naman niya ito.
"Masama na bang maging matakaw. Sa pagkain ko na lang binubunton ang stress at pagod ko. At para mabawi ko rin ang nawala kong timbang." sabi naman niya sabay kagat ulit sa burger."Tsaka ang sharap kaya ng mga dala mo!." nabubulol pa niyang sabi dahil sa punong bunganga.
Natawa naman ang binata at pinunasan ang ketchup sa gilid ng labi niya gamit ang mismong hinlalaki nito.
"Mabuti at nagtatakaw ka na. Ang payat mo kaya. Pero medyo nanaba na rin yang pisngi mo ah." tawa ng tawa ang binata sa pangaasar sa kanya. Hindi pa ito nakontento at pinisil pa ang pisngi niya na agad namula.
Pinalo niya ito sa braso at pinisil din ang ilong nito.
"Can't.. breathe. "natawa siya sa sagot nitong tunog ngongo.
Binitawan naman na niya ang ilong nitong pulang pula na.
"Buti nga sayo!."
"Ang sadista mo rin talaga." pinitik nito ang noo niya.
"Oh, kumusta ka naman? Maliban dyan sa gutom mo?" biro pa nito.
Matinding kurot sa bewang naman ang natanggap ng binata mula sa kanya na kinaaray nito.
"Ayos naman. Naka-twenty-four stamps na nga ako eh." pakita niya sa maliit na notebook na lagi niyang dala sa bulsa. Ang notebook na naglalaman ng date at stamp ni Timothy na katibayan na ginagawa niya ang trabaho niya. Bago kase umuwi si Timothy ay kailangang hingiin na muna niya ang stamp nito, ang bilang ng stamps ay ang bilang ng araw na nagtrabaho siya. Kapag napuno niya ang six months ay pwede na siyang umalis.
"Wow! Ang bilis din talaga ng araw huh. Baka naman pinapagod ka non o kaya naman ay pinapahirapan ka?." seryosong sabi nito.
Umiling naman siya. "Normal na magkatrabaho ang relasyon namin. Hindi na niya ako pinapahirapan pero minsan nasisigawan pa rin ako dahil minsan mainit ang ulo niya. Normal lang naman yon." paliwanang niya rito.
Tumango naman ito. "Mabuti naman kung ganon." pilit mang iwasan ng binatang tignan ang marka sa pulso ng dalaga ay naakit pa rin siya. Nalulungkot na nagawa pa rin nitong pagtanggakan ang sarili.
Napansin naman ng dalaga ang tinitignan nito. "Magaling na siya. Hindi mo na kailangang mag-alala." ngiti niya rito para mapanatag ang binata.
Hindi nagbago ang reaksyon ng binata. "Kung alam ko lang na gagawin mo yan ay hindi ko sana hinayaang umalis ka."
"Israel... gusto ko sanang kalimutan na iyon." pakiusap niya rito.
"Sorry. Why don't you just accept my offer, pwede ka namang mangutang sa akin eh. Kesa nagtatrabaho ka pa dyan sa lalaking yon."
"Kaya ko ang sarili ko." sabi na lamang niya rito.
"I know. But please don't hesitate to ask for my help, okey?." hinawakan nito ng mariin ang kamay niya.
Tumango siya. "Salamat. Kailangan ko na rin palang bumalik sa trabaho." sabi niya rito ng masilip sa relos na tapos na ang thirty minutes break nila.
"Yeah sure."
"Salamat sa food. Next time ako naman manlilibre." alok niya rito.
"Sige next hundred year ikaw na manlilibre." biro nito. "Anong gusto mo para bukas?."
"Ice cream tayo bukas."
"Cone? Or sundae."
"Yung one liter." ngiti niya rito.
Bagsak naman ang panga nito sa sinabi niya.
"Kaya mo yon?!."
"Eh gutom na naman ako bukas eh!." sabi niya rito at naglakad na paalis.
Naiwan namang natatawa si Israel. Napapahanga siya sa katakawan ng dalaga. Pero nagpapasalamat na lang din siya na bumabalik na ang dati nitong sigla.
..
"You know Mr. Cruz has a great offer. Bakit hindi natin subukan--." napahinto sa pagsasalita si Edward ng mapansing kanina pa tahimik at hindi nakikinig ang kaibigan.
Kanina pa ito nakatayo sa bintana at may kung anong pinapanood mula sa labas. Ni hindi nga din nito napansin ang pagtabi niya rito.
Sinundan niya ng tingin ang tinitignan nito. Napangisi siya ng malamang si Carmela at si Israel ang tinitignan nito.
Aakalain mong may relasyon ang dalawa sa sobrang pagkakadikit at pagkukulitan sa ibaba ng gusali.
"Lagi na atang tumatambay dito si Mr. Hernandez para lang bisitahin si Carmela, huh?." panghuhuli niya rito.
Tila nagulat naman ito sa biglaang pagsasalita niya sa tabi nito.
"Siguro sila na. Ano sa tingin mo Thy?." lingon niya rito.
Salubong naman ang kilay na tinignan siya nito.
"Eh ano naman kung sila na?! They could kiss and cuddle, the hell I care!" galit na sigaw nito sa kanya saka nagmartsa na ito pabalik sa lamesa nito.Nagbukas ito ng laptop at nagtype doon. Pero salubong na salubong pa rin ang kilay nito.
Natawa siya sa nakitang reaksyon nito. "You don't need to shout, bro."
Isang nakakamatay na tingin naman ang ginawad nito sa kanya.
"They're cute together." komento naman niya habang pinapanood ang dalawa sa ibaba.
"You sound like a fan girl. Are you gay Edward?"
Nilingon niya ito ng may matalim na tingin. "F*ck off!." tinawanan lang siya nito.
Binalik niya ang tingin sa ibaba at nakaisip ng plano para asarin at huliin ang kaibigan.
"Damn they are kissing!." he whistled. Segundo lang ay naramdaman na niya si Timothy sa tabi niya na nakisilip din sa ibaba. Nagtatagis ang bagang nito.
"Where!"
Nang makumpirma nito ang pagsisinungaling niya ay tinignan siya nito ng masama.
"Who's gay now? Coward." he remarked. Then rushed to exit the room before Timothy kill him.
"Bastard!" Timothy hissed when Edward exited the room.
Binalik niya ang tingin sa dalawang nagkakasiyahan sa baba ng Building.
"They're cute together." he mocked the way Edward said it.
"They look stupid. The mere sight of them makes my eye sore."
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Fiksi UmumSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...