35

590 12 2
                                    


Katok mula sa kwarto niya ang gumising sa paglalakbay ng isip niya. Nakaupo lang siya sa kama niya at nakasandal sa headboard nito. Wala siyang ganang umalis sa kwarto niya at gumala sa bahay. She just wanted to lay on her bed. It's almost noon but she feel really tired kahit wala pa siyang ginagawa.

"Hija may bisita ka." katok sa kanya ni manang Rowena mula sa labas ng kwarto niya.

Nagtaka naman siya dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Ni wala nga siyang masyadong kakilala dito sa Manila.

"Sino raw po, Manang?." tanong naman niya habang inaalis na ang kumot niyang nakapatong sa kanya at naghanda ng bumangon.

"Mommy raw ni sir Timothy." nagising ang tinatamad niyang katawan pagkarinig sa inanunsyo nito.

"po? Mommy raw po ni Tim?." paniniguro niya. Lihim niyang hinihiling na mali lang siya ng rinig.

"Oo hija. Gusto ka raw niyang kausapin." nang makumpirma nga niyang andiyan lang ang mommy ni Tim ay nagmadali na siyang nagayos ng sarili para kahit paano ay presentable naman siyang haharap rito pero shempre nag-ingat naman siya sa pagkilos para di mapahamak ang baby niya.

Nang matapos siyang magayos ay bumaba na rin siya agad sa sala para ma-meet ang mommy ni Tim. Likod pa lang nito ang nakikita niya ay kinakabahan na siya.

"Good morning po. Pasensya na--." the woman shakes her head, interrupting her.

"No apologies needed. I just want to finish this asap. Maupo ka." striktang sabi nito. Doon pa lamang siya nakaupo habang ito ay di man lang siya inabalang lingunin habang nagsasalita siya.

Bumaba agad ang mga mata nito sa tiyan niya saka ito napangisi at tinignan siya sa mata ng may pagdisgusto.

"I really can't believe that my son would go overboard just for his revenge." inabot nito ang tasa na may lamabg tsaa at sumimsim dito.

"Ilang buwan na yan?." tukoy nito sa nagmamalaki niyang tiyan.

"Eight months na po."

"Here." may nilapag itong sobre sa mesa. Tinaasan siya nito ng kilay. "Go on. Open it."

Sa nanlalamig na kamay ay yumukod siya para maabot ang sobre. Binuksan niya ito at binasa ang laman ng sobre. Halos manlula ang mata niya sa nababasang halaga na nakasulat sa maliit na papel.

"I want to get rid of you fast. That cheque kapalit ng pagalis mo ng tuluyan sa buhay ng anak ko." matapang na saad nito.

Binaba niya ang papel sa mesa at inusog ito palapit sa tapat ng ginang.

"Hindi ko po yan matatanggap."

"Why? Isn't that enough? You could already live a good life with that amount with your baby."

"Hindi ko po yan tatanggapin."

"I see." ngumisi ang ginang at sumimsim ulit sa tasa nito. "Why can't you see that I'm offering you a help. I'm helping you to get your chance to escape from my son. O baka hanggang ngayon ay bulag ka sa mga pinapakita niya sayo? Timothy does not see you anything other than a plaything. He only keep you to avenge his beloved fiance and baby."

Kahit nanakit ang lalamunan niya sa pagpipigil ng emosyon ay pinilit niya pa ring magsalita."Hindi po totoo yan."

"Oh really? How can you say that? Mas kilala mo na ba ang anak ko kesa sa akin na Ina niya? Think again dear, use your mind. Sa simula pa lang bakit ka nga ba hinanap ni Thy? Simple because he wants justice for his late family. Did he even say" I love you" to you?. " di siya nakasagot sa ranong nito. Hawak niya ng mahigpit ang mga kamay para pigilan ang panginginig nito.

Tumawa ng nanguuyam ang ginang dahil di siya nakasagot. "See? Guess not. Just get the cheque and escape with your baby."

"H-hindi mahal niya ang baby namin."

"Gosh! You're so naive! Believe me I could already imagine what my son is plotting about your baby. Binuntis ka lang niya para iparanas din sayo ang dinanas niya ng dahil sayo. Inalagaan niya kayo ng batang yan sa tiyan mo. At sa oras na isilang mo yan ay ilalayo na niya sayo ang bata. Katulad ng ginawa mo sa sanggol na pinatay mo. Yun lang ang kailangan niya sayo, itatapon ka na rin niya pagkatapos ng plano niya. But I'm giving you a chance to escape just because I don't want that filthy child in my family. May dugo siya ng mamamatay tao."

"Ang tanga mo namang mahalin ang anak ko. Sinaktan at ginamit ka na nga, nagawa mo pang mahulog sa kanya." tawa nito sa kanya. "Ayus ayusin mo ang desisyon mo sa buhay. Hahayaan mo bang mawala ang anak mo ng dahil lang sa tangang pagmamahal mo." yun lang at tumayo na ang ginang at tuloy tuloy na naglakad palabas ng bahay.

Nang marinig niya ang kotse nitong umalis ay doon palang tumulo ang mga luhang kanina niya pang pinipigilan. Masakit lahat ang sinabi nito pero mas lalo lang naninikip ang dibdib niya sa tuwing naaalala niyang kahit kelan ay hindi sinabi sa kanya ni Tim ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya.

"Tahan na hija. Tatagan mo lang ang loob mo." lalo lang siyang naiyak ng maramdaman ang kamay ni manang sa likod niya na pilit siyang pinapakalma.

"Gusto mo bang sabihin natin kay sir--."

"Wag po please. Huwag niyo pong sasabihin sa kanya. Pakiusap." nakakaunawa namang tumango ang katulong at inabutan siya ng bimpo para sa mga luha niya.

"Halika na, aalalayan kita paakyat sa kwarto mo. Dalhan na rin kita ng prutas at gatas." tumango na lang siya kahit wala sa isip ang mga sinasabi nito.

Mag-isa na lang siya sa kwarto ng marinig ang tunog ng telepono na nakapatong sa ibabaw ng side table niya.

Pinunas na muna niya ang mga luha niya at piniga ang barado niyang ilong.

"Hello?."

"Hey Carmela. You sound terrible, is everything alright there?." tumango siya kahit hindi nito nakikita.

"Ayos lang ako. Sinipon lang sa kinain ko kaninang maanghang na noodles." dahilan na lang niya.

"Noodles? Where did you get that noodles? Hindi ako nagpapagrocery kay manang ng ganyan."

"Nagpabili ako sa kanya kanina. Nakakatikim kase ako." sabi na lang niya.

"Bakit ka nga pala napatawag?." taning niya.

"Ahh yeah. Let's schedule your ultrasound already. This coming friday alright with you?."

"Pwedeng next week na lang muna."

"Why? You still not feeling well?." alalang boses nito.

"Hindi. Amm kinakabahan kase ako."

Tumawa naman ito sa kabikang linya. "It's going to be alright. Andito ako, sasamahan kita okey? Hindi kita iiwan."

Hindi siya sumagot. Narinig naman niya ang paghinga nito ng malalim.

"Alright. We'll go next week." yun lang at pinatay na nito ang tawag.

...

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon