Paiba-iba ng pwesto si Timothy sa kama pero kahit anong gawin niya ay hindi niya mapakali. Nanakit na nga ang likod niya sige pa rin siya sa paglikot.
Ilang beses na niyang tinignan ang orasan na nakadikit sa pader. Tama naman ang nakikita niyang oras, mag-a-alas dies na ng umaga ngunit nakakapagtakang wala pa ang dalaga. Noong una kase itong magpunta sa bahay niya ay andito na ito ng alas-nueve ng umaga ganon din sa sumunod na araw. Pero naiba ata ngayon dahil magiisang oras ng huli ang dalaga.
"She's late damm*t!." nilumukos niya ang kumot na nakabalot sa kanya sa sobrang inis.
"Maybe she's not coming? Maybe she quit already. That's great!." pangungumbinsi niya sa sarili at tumawa. Pero lumabas na pilit ang tawa niya.
Inis na ginulo niya ang buhok.
"F*ck you Timothy! Don't tell me you've been waiting for her!" parang sirang kausap niya sa sarili.Patuloy lang siyang nakikipagtalo sa sarili hanggang sa wakas ay narinig niya ang tinig ng dalagang pikit mata niyang hinihintay.
"Sir! Gising na po ba kayo?." katok nito sa labas ng kwarto niya.
Hindi siya sumagot. Gulat pa rin na andito na ito.
Nang hindi nito narinig ang sagot niya ay narinig na lang niya ang yabag nito paalis.
Hingal na hinawakan niya ang dibdib. Hindi niya namalayang kanina pa pala siya nagpipigil ng hininga. Kung bakit, ay hindi niya rin alam.
Sinikap niyang bumangon mula sa kinahihigaan. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng pang-itaas dahil masakit pang gumalaw. Wala naman siyang pakealam kung mailang ang dalaga dahil siya naman ang may ari ng bahay at siya ang boss nito.
Dinahan-dahan niya ang lakad hanggang sa makarating sa kusina. Pero nahinto siya sa paglalakad, hindi muna siya nagpakita sa dalaga.
Natulala siya sa ginagawa nito. Nawiwili siyang panuorin ito habang nagluluto ng kung ano sa kaserola. Pero base sa naaamoy niya ay sinigang ang niluluto nito.
Relax na relax ang kilos ng dalaga sa ginagawang pagluluto. Wala sa ayos na nakaipit ang kulot nitong buhok kaya malayang naglalambitin sa sentido nito pababa sa makinis nitong pisngi ang mga buhok nito. Nakangiti rin ito at kumakanta ng mahina. Napakaaliwalas ng presensya nito, napakasarap panoorin.
Malayo sa babaeng laging umiiyak at laging may takot sa mga mata. Pati ang katawan nito ay tila nagbago na rin. Nagkalaman na ang dalaga. Ang mga pisnging dati ay impis ngayon ay may laman na, mamula mula pa ang mga iyon kaya lalong nagpadagdag sa karisma ng dalaga. Tila nag-glow din ang kutis nito. Wala na rin ang laging maga at laging may eyebags na mga mata nito. Parang ibang bersyon na ito ng dalaga. Napaisip tuloy siya kung paanong tila tumatag pa ang dalaga, hindi kaya dahil sa insperasyon nitong si Israel?
Napahigpit ang kapit niya sa pader na pinagtataguan.
Pinagpatuloy niya ang tahimik na panonood sa ginagawa nito sa kusina. Kahit gusto ng magreklamo ng likod niya sa pangangalay.
Habang tumatagal siya sa panonood ay nag-iba ang babaeng nakatalikod sa kanya at nagluluto. Napahawak siya sa dibdib, bigla itong nanikip. Ang pigura na ng pumanaw niyang kasintahan ang nakikita niya sa kusina.
"Shannon.." hindi niya mapigilang bigkasin.
Pero tila nagising siya sa panaginip ng humarap ang babae. Si Carmela pala iyon hindi ang pinakamamahal niyang babae.
"Good morning po, sir." bati nito sa kanya.
Paulit-ulit niyang pinikit ang mata para mapigilan ang pag-usbong ng luha sa kanyang nga mata. Hanggang ngayon pa rin pala ay nangungulila pa rin siya kay Shannon.
"You don't need to cook for me. Just... Just leave. Please." mariin niyang pinikit ang mata at tinalikuran na ang dalaga.
Nasisira na ata ang ulo niya dahil naaalala niya pa ang namayapa niyang kasintahan sa mismong babaeng pumatay rito. Nababaliw na siya.
Naupo siya sa sofa sa living room niya. Pinikit ang mga mata. At pinatong ang mga paa sa center table. Pinipilit pakalmahin ang sarili at kalimutan ang katangahang ginawa.
"Sir, kumain na po kayo." biglang nagpakita sa kanyang harapan ang dalaga at nilapag sa center table ang hawak na tray ng pagkain.
"Didn't I tell you to leave." masungit na saad niya rito. Alam niyang ano mang oras ay mapapatid na ang pasensya niya.
"Aalis na po pagkatapos kong ligpitin ang pinagka---Ayyy!." napatili ito ng matalsikan ito ng mainit na sabaw ng basta basta niya iyong tinabig paalis sa lamesa.
Agad namula ang mga binti nitong natapunan. Napalunok siya ng makitang manginig ang mga labi nito. Pinipigilan lang nitong maiyak. Alam niyang napakasakit non lalo na at kakakulo lang ng sabaw.
Bago pa siya makapagsalita ay yumuko na sa kanya ang dalaga.
"Aalis na p-po ako... sir." nakatungong sabi nito at umalis na sa harap niya.
Hinilot niya ang pagitan ng mga mata. Mas lalo lang kase atang sumakit ang ulo niya.
Pero ito naman ang gusto niya, ang hindi na bumalik ang dalaga at hindi na ito magkunwaring may pakealam ito sa kanya. Hindi siya pwedeng kumagat sa pain nitong pagkukunwaring mabait. Dahil kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo ay sino namang matinong tao ang magaalaga sa taong dahilan ng paghihirap nito.
Pero baliw na nga ata siya dahil namalayan na lang niya ang sariling palakad palabas ng bahay niya para habulin ang dalaga. Bubuksan na sana niya ang gate ng bahay niya ng mapansin niya ng pigura ng dalagang nakaupo sa bench sa garden ng bahay niya. Nakapatong ang isang binti nito sa kandungan nito at sinisikap na ihipan ang nalapnos nitong balat.
Nakahinga siya ng maluwag. Naglakad siya palapit dito. Agad itong nag-angat ng tingin ng huminto siya sa mismong harap nito.
"Don't leave yet. We'll treat that inside." kausap niya rito at nilahad ang kamay niya sa harap nito.
Nakipagtitigan ang mga inosente nitong mata sa kanya. Tinitimbang kung dapat ba itong sumama sa kanya.
Kusang umaliwalas ang paghinga niya ng tanggapin nito ang kamay niya.
Hawak kamay silang bumalik sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...