"I love your new look." puno ng paghanga ang titig sa kanya ni Israel.
Pakiramdam niya ay uminit ang pisngi niya sa sinabi nito.
"S-salamat." natawa naman ito sa naging reaksyon niya.
"My mom did a very great job. She revealed the goddess in you." sabi nito habang pinaglalaruan ng daliri nito ang kulot na niyang buhok.
"Nakakahiya sa kanya."
"Oh no! She enjoyed dressing you up. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganon kasaya. Thank you for that." sabi nito.
"Baka nainip ka na sa pinaggagawa niyang make over sayo." mabilis naman siyang umiling.
"Marami akong dapat pasalamatan sa inyo, sa inyo ng pamilya mo. Pinatuloy niyo ako rito at inalagaan. Kahit di niyo ako kilalang lubos. Tapos may bonus pang make over." tumawa siya sa huling sinabi niya.
Nang tignan niya ang lalaki ay natulala ito sa kanya.
"You should laugh more often." ngiti nito sa kanya. "It suits you well, Angel."
"S-salamat."
"Puro ka na lang 'salamat', nawiwierduhan ka na ata sa akin eh." panghuhuli nito sa kanya.
"Hala hindi noh."
"Weh?."
"Hindi nga po."
"Talagang talaga?!."
"Hala ang kulit mo na naman." simangot niya rito pero tinawanan lang siya nito.
"Ang sarap mo kaseng biruin! Ang cute cute mo!." pinisil pa nito ang pisngi niya, tinampal naman niya agad ang kamay nito at siya naman ang pumisil sa ilong nito.
"Aww... can't breathe." reklamo nito kaya mabilis naman niyang inalis ang kamay niya na nakapisil sa matangos nitong ilong.
"Hala sorry."
"Puro ka na lang sorry,kung i-kiss mo na lang kaya." umaktong hahalikan pa siya nito pero mabilis niyang tinapal sa nguso nito ang kamay niya habang tumatawa.
"Ang kulit mo na naman!." reklamo niya rito. Magaan ang loob niyang makipaglokohan dito kahit noong unang araw palang niya sa poder ng mga ito. Paano ay hindi talaga tumigil sa pangungulit sa kanya si Israel hanggat hindi siya naging komportable dito.
"Buo na ba talaga ang desisyon mo para bukas?." nagseryoso na ang ekspresyon nito.
Huminga siya ng malalim.
"Oo. Kailangan ko na talagang bumalik eh. May mga bagay na hindi ko pwedeng takbuhan. Pero gusto kong magpasalamat sa inyo dahil kahit paano ay nakahinga ako, pakiramdam ko kase ay nasasakal na ako."Nilihim na lang niya sa binata noong sinubukan niyang tumawag sa tita niya sa probinsya. Binalita nitong may naghahanap daw sa kanya, Timothy daw ang pangalan. Kaya kahit nakatakas siya panandalian sa kamay ng binata. Alam niyang kailangan na niya itong harapin kundi ang kamag-anak niya sa probinsya ang mapapahamak.
Hinawakan niya ang kamay ng binata.
"Pero mas nagpapasalamat ako sayo dahil binigyan mo ako ng pag-asa at panibagong buhay. Kung wala ka noong gabing iyon para pigilan ako ay hindi ko maiintindihan kung ano ba talaga ang tunay na halaga ng buhay. Utang ko sayo ang lahat."Inabot nito ang pisngi niya at pinisil." Wala kang utang sa akin. Wala kang dapat bayaran. Ang dapat mo lang gawin ay i-enjoy ang buhay mo, gawin mo ang makakapagpasaya sayo. "
"Babaunin ko ang lakas ng loob na binigay mo sa akin." ngiti niya rito.
Pero hindi pa rin mapalagay ang binata. Gusto niyang pigilang bumalik si Carmela, ngunit ano ang karapatan niyang gawin iyon. Natatakot siya na mas lalo lamang mapahamak si Carmela sa kamay ni Timothy.
Oo, alam niya ang ugnayan ng dalawa. Inamin at kinwento ng dalaga ang lahat ng tungkol kay Timothy. Ang tao raw na dapat pagbayaran ni Carmela. Ang naging dahilan din kung bakit nahantong sa muntikang pagpapakamatay ang dalaga.
Kaya paano siya mananahimik na lang. Kung paanong ang kinamumuhian niya pang lalaki ay siya ring nananakit kay Carmela ay iisa.
'Damn you Jimenez!' sigaw niya sa isip.
Sandali siyang napatitig sa dalaga hanggang sa may mabuo siyang plano sa isip.
..
"Nagbalik na si Carmela." agad siyang nag-angat ng tingin sa secretary niyang kakapasok lang ng opisina.
"Papuntahin mo siya rito." mariing utos niya kay Edward na may pagtutol agad ang tingin.
"Dude you are not planning to--."
Galit niya itong binalingan.
"Stay out of this! We're in the office, you are my secretary kaya gawin mo ang inuutos ko."Narinig niyang bumuntong hininga ang kaibigan bago ito tumango at lumabas na ng opisina.
Nang makaalis ito ay wala na ata siyang marinig kundi ang tunog ng pagikot ng orasan.
Naiinip na siya!
Merong luluwagan niya ang tie niya. Lalaruin sa kamay ang lapis pero kapag nainip na ay ihahagis na lang. Merong guguluhin niya rin ang buhok.
Hindi siya mapalagay.
Pakiramdam niya kung wala siyang gagawin ay masisiraan siya ng bait. Napahilamos siya sa mukha sa frustration na nararamdaman.
Bakit ang tagal!
Hindi na siya makapaghintay. Sinilip niya ang relo, dalawang minuto palang pala na lumabas ang secretary niya! Pakiramdam niya ay naghintay na siya ng isang oras!
"PUTANGINA!." malutong na mura niya sa sarili bago ginulong muli ang buhok.
Agad siyang napatayo ng may pumasok sa opisina. Muntik pang matumba ang upuan niya.
Si Carmela!
Mabilis ang mga lakad niyang lumapit sa dalaga. Umatras naman ng umatras ang dalaga hanggang sa matrap niya ito sa pader. Ipit ang maliit nitong katawan sa pader.
"WHERE THE F*CK HAV--." naputol ang dapat niyang sasabihin ng mapatitig sa dalaga.
Iba ang ayos nito. Kulot na ang buhok nito na lalong nagpaliit sa hugis puso nitong mukha. Wala na ring bakas ang mga dati nitong mga sugat at galos na dati'y halos hindi naghihilom. Napakatingkad din ng kutis nito. Nagkalaman din ang dating payat nitong pisngi.
Saan ba ito nagpunta at parang ibang iba na ang dalaga. Parang alagang alaga ito.
Napalunok siya. Hindi mawari kung ano ang dapat gawin.
Tahimik lang ang nakatungong dalaga pero kapansin-pansin ang panginginig nito.
'Scared like a trapped rabbit.' bulong niya sa isipan.
"Akala mo ba makakatakas ka sa akin!." mariing bulong niya sa tenga nito.
Napaigtad naman ito sa ginawa niya. Nainis siya sa inasta nito kaya naman sinuntok niya ang pader malapit sa ulo nito. Napasigaw ito sa gulat.
"W-wag..!." sa wakas ay narinig niyang sabi rito. Napangisi siya ng sa wakas ay marinig niya ang takot sa boses nito.
Marahas niyang inangat ang mukha nito. Basang basa na ng luha ang mukha nito, nanginginig din ang mapupulang labi nito.
Inilapit niya ang mukha sa maliit na mukha ng dalaga.
"Hinding-hindi ka na makakawala pa sa akin. Marami ka pang dapat pagbayaran." banta niya rito."AKIN KA LANG CARMELA! YOU'RE NOT ALLOWED TO DIE OR GO ANYWHERE NOT UNTIL I'M DONE WITH YOU!."
..
10 votes for the next UD ;)
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...