22

914 35 8
                                    


Kanina niya pa tinitignan ang door bell na nasa harap niya. Kanina niya pa tinitimbang kung dapat ba talaga siyang pumasok dito.

Pero para ano pa't andito na rin siya. Tinatagan na lang niya ang loob at pinindot na ang doorbell. Pero makailang ulit na ay wala pa ring nagbubukas para sa kanya.

Naalala niya tuloy ang sinabi ni Sec. Kang na mag-isa lang ngayon si Timothy at tinarangkaso pa ito kaya baka hindi nito kayang bumangon at pagbuksan siya.

Siya na ang kusang nagbukas ng gate at pasalamat na lang siya at hindi lock ang main door kaya naman nakapasok siya sa malawak nitong tahanan.

"Sir? Sir Timothy?." tawag niya sa malawak na sala ng bahay pero tulad ng dati ay walang nagpakita.

Kinutuban tuloy siya na baka may nangyari na rito kaya naman ay awtomatikong gumalaw ang nga paa niya para umakyat sa second floor ng bahay at isa isahin ang mga kwarto doon.

"Sir?." mabilis niyang tinakbo ang kinahihigaan ni Timothy ng sa wakas ay matagpuan niya ang kwarto nito. Nakabaluktot ang lalaki sa kinahihigaan nito, pawis na pawis ito at nanginginig ang katawan. Sobrang init din ng katawan nito.

Dali dali niyang binaba muna ang folder at bag niya at dali daling pumasok sa walk in closet nito para maghanap sana ng towel at pagbibihisan nito. Ngunit wala siyang makitang towel kaya naman ang dala niyang towel ang ginamit niya at sinawsaw ito sa planggang may tubig na nakuha niya sa kusina nito.

"Sir? Kailangan niyo pong bumangon para mabihisan ko po kayo." kausap niya rito pero ungol lang ang narinig niya rito. Ni hindi din nito mamulat ang mata nito sa sobrang sakit na nararamdaman.

Kaya naman napilitan siyang abutin ang gunting sa lamesa nito at ginunting ang suot nitong sando na basang basa na ng pawis nito. Naisip niya kaseng hindi rin pala niya kayang pabangunin ito dahil masakit nga ang likod nito ayon kay Sec. Kang.

Matapos niya itong hilamusan ay kinumutan niya ulit ito para matakpan ang hubad baro nitong katawan at pinatong sa noo nito ang towel niya.

Sinimulan niyang ligpitin ang kalat niya, handa na sana siyang ibaba ang mga iyon sa kusina ng mapansin ang mga kalat sa kwarto ng binata.

Kalat kalat ang mga pinagkainan nito sa sahig ng kwarto nito. Mga take out orders sa mga fast food, kahon ng pizza pati mga canned beer ang nakalatag lang din sa sahig.

Napabuga siya ng hangin bago naisipang ligpitin din ang mga iyon.

Dumeretso siya sa kusina para maghanda ng makakain nito. Ang nakalkal niya lang doon ay manok. Sa yaman nito ay isang manok lang ang nakita niya sa ref nito. Bukod doon ay wala na siyang nakita pa.

"Paano siya gagaling, walang sustansya ang mga kinakain niya." kausap niya sa sarili habang nililinis ang manok. Naisipan niyang magluto na lang ng tinola pa rito. Mainam na makahigop ito ng masustansyang sabaw. Nagluto na rin siya ng kaunting lugaw kung sakaling ayaw pa nitong ngumuya ng pagkain.

Habang hinihintay na lumambot ang manok ay naisipan niyang linisin na ang buong sala. Magulo rin kase doon. Napakalaki ng bahay ng binata ngunit ni isang katulong ay wala ito.

Nang lumambot na ang manok ay nilaglag niya na rin ang mga dahon ng malunggay na napitas niya sa labas ng bakod ng binata. Matapos ang kaunti pang kulo ay nagsandok na siya ng makakain ng binata.

"Anong ginagawa mo rito?." napaigtad siya sa gulat ng marinig ang paos na tinig ni Timothy mula sa likuran niya.

Nahihiyang humarap naman siya dito. Nakatayo ito sa bungad ng kusina at malalim ang gitla ng noo nito sa pagkakakunot. Hindi maayos ang tayo nito, halatang pinilit lang ang sarili na bumangon. Hubad baro ang lalaki at tanging jogging pants lang ang suot.

"Sir... A-ano po kase--." napakagat siya ng labi. Hindi niya kase mapigilang nerbyosin dahil kaharap na niya ito.

"What is that?." lumagpas ang tingin nito sa kanya. Ang tinutukoy nito ay ang niluluto niya.

"Ah Sir, gutom na po ba kayo? Ipaghahanda ko na po kayo." alok niya rito pero isang matinding irap lang ang natanggap niya rito.

"Don't act like you are really concern. I don't need your pity." masungit nitong sabi.

Pabalang nitong nilapag ang notebook niya.

"Nilagyan ko na ng stamps ang absences ko. Yan lang naman ang pinunta mo diba. You can get out now." matigas nitong sabi at tinalikuran siya.

"Kumain na po muna kayo." lakas loob niyang sabi rito.

"Shut up and get out!." sigaw lamang nito sa kanya.

Natakot naman agad siya sa ginawa nito kaya dali dali siyang nagligpit. Handa na sana siyang umakyat sa kwarto nito dahil doon niya iniwan ang gamit niya nang marinig niya ang pagbagsak nito sa sahig.

"Sir!." tinakbo niya ang kinaroroonan nito. Lugmok sa sahig ang buong katawan nito at walang malay.

"Sir!... Sir! Gumising po kayo!." tinapik tapik niya ang pisngi nito ngunit hindi naman ito gumigising.

Nilibot niya ang paningin at nakita ang malapit na sofa. Agad niyang sinukbit sa balikat niya ang malaking katawan nito. Ilang beses siyang nabuwal sa pagkakatayo dahil sa bigat nito. Walang wala ang liit niya rito. Hingal aso siya ng maihiga ito sa sofa sa sala.

Kinuha niya ang towel, unan at kumot mula sa kwarto nito at ginawa ulit ang ginawa niya kanina.

Dahil sa kaba ay nagawa niyang tawagan si Sec. Kang gamit ang cellphone ni Timothy para tulungan siya. Ang bilin lamang nito ay bantayan ang temperatura ng binata at susunod din daw ito pagkatapos ng meeting nito.

"Hmm.." napalingon siya sa binata ng marinig ito. Agad niya itong nilapitan para suriin ang kalagayan nito.

"Sir? Kumusta pong nararamdaman niyo?." kausap niya rito.

Nakaupo siya sa sahig katabi ng sofa habang ito naman ay nakahiga sa sofa.

Pinikit pikit naman nito ang mata.
"Bakit andito ka pa?." malat pa rin ang boses nito.

Nilapit niya pa ang mukha dito para marinig ito ng maayos.

"Hindi ko po kayo maiwan ng ganito ang kalagayan niyo."

Tumalim naman ang mga mata nito at iniwas sa kanya ang tingin.

"Hindi ko kailangan ng awa mo!."

"Hindi po ako naaawa sa inyo. Gusto ko lang po kayong tulungan." sabi niya rito.

"To earn my stamps?." tanong nito ng hindi tumitingin sa kanya.

"Noong una po. Pero nakalimutan ko na po iyon dahil kinain ako ng pag-aalala sa kalagayan niyo."

Napalingon ito sa kanya. May pagtataka ang mukha nito.

"Bakit ka naman mag-aalala sa taong sumira sa buhay mo?." pilit na ngiti lang ang sinagot niya rito. Hindi niya rin kase alam ang isasagot.

"Tulungan ko na po kayong bumangon para makakain na kayo." nilahad niya rito ang kamay at inabot naman nito iyon.

Iniwan niya saglit ito at kinuha ang hinanda niya kaninang pagkain nito.

"Sabihin niyo lang kapag may ipaguutos pa kayo." sabi niya rito habang binababa sa tray ang niluto niyang pagkain.

Hindi ito sumagot o gumalaw man lang sa kinauupuan nito kaya naman nag-angat siya ng tingin rito. Nahuli niya itong titig na titig sa mga kamay niya.

Naramdaman din nito ang titig niya kaya lumipat ang tingin nito sa kanya.

"Where's your ring?." tanong nito.

Nagtaka naman siya sa sinabi nito.

"Ano pong sing-sing?."

"Walang binigay sayo si Israel?."

"Meron po. Ito pong bracelet." pinakita niya rito ang suot niyang bracelet.

Sandali itong natahimik, nag-iisip. Hanggang sa bigla na lang itong nagmura.

"THAT F*CKING BASTARD EDWARD!!."


. .

Been awhile hehe.

May nagbabasa pa ba?

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon