"Mom you can't just do any thing that you want! Stop meddling with my life." he was going to have his lunch but his Mom called and now they're arguing.
"Hold your tongue you young man! You can't speak to your mother like that. Tori loves you so much, and you used to love her too before Shannon." sagot nito sa kabilang linya.
"I know!--but I don't love her, okey. She is just assuming things!."
"But your marriage with her is already settled. You can't go back now! Don't you dare!." sa tono palang ng boses ng Mom niya ay alam na niyang hindi ito magpapatalo.
"Marriage? Of course not! Mom I'm not going to marry her."
"Why? Is it because of that Carmela?! Because she's pregnant with your child! ."
"Yes, I already have a child with her."
"Hah! I can't believe this. Is it still a part of your plan?."
He sighed heavily.
"I needed her just until the baby comes out, that was my original plan. But I changed my mind. I just realized that I couldn't imagine a day without her. And I shiver at the thought that I would hurt her when I take away her baby.""So you're telling me that you are totally smitten to her?!."
"Mom she's a lovely woman if you got to her. For sure she would be a great mom--."
"I can't believe I'm hearing this! Fix your mess Timothy!." the line cut off.
Galit at dismayado ang Mom niya sa kanya pero hindi siya nababahala. Lalaban siya. Ipaglalaban niya ang pamilya niya. Nawala na ng minsan ang dapat niyang maging pamilya, kaya ngayon hindi na niya hahayaan ang kahit na sinuman na maninira at hahadlang sa kanila.
Lalabas na sana siya ng opisina niya ng tumunog ang telepono niya sa lamesa. Napilitan siyang bumalik at sagutin ang tawag.
Tawag pala mula sa lobby at tinatanong kung nanggaling na ba si Carmela sa office niya. Nang sinagot niyang hindi ay kinunwento nito kung ano ang itsura ni Carmela ng lumabas ito ng hotel.
Binalutan siya ng kaba ng malaman iyon. Wala siyang sinayang na oras at agad bumaba ng building at sumakay sa kotse niya. Nagdrive siya pauwi ng bahay dahil alam niyang ito lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Carmela. At tama siya, naabutan niya nga ang dalaga ngunit hindi siya tanga upang di malaman na nagtatangka itong umalis base na rin sa dala-dala nitong bag at sa pagngangamba na nasa mukha nito.
Ginawa niya ang una niyang naisip sa magulo niyang isip. Binalik niya si Carmela sa kwarto nito at kinandado ito. Sarado ang tenga niya sa iyak at pagmamakaawa nito.
Isa lang ang nasa isip niya na hindi siya pwedeng iwan ni Carmela kahit anong mangyari. Pero alam niya rin na mas lalo lang itong lalayo dahil sa ginawa niya ngunit wala na siyang pagpipilian pa. Kung hindi siya kikilos ay mawawala ito sa kanya. Sigurado siyang may kinalaman ang pagpunta nito opisina niya sa kinikilos nito ngayon. Marahil ay narinig nito ang paguusap nila ng Mom niya ngunit alam niyang wala naman siyang sinabing masama.
Ginulo niya ang buhok niya habang mabilis ang paghingang nakaupo sa taas ng hagdan. Pinipilit niyang kumalma ngunit lalo lang siyang nalulugmok sa pagaalala dahil sa naririnig niyang iyak ni Carmela mula sa nakasarang kwarto nito. Gustong gusto na niyang buksan ang pinto at yakapin ang dalaga ngunit sapat ba yon para mapanatili niya ito sa kanya. At wala rin siyang kompyansang mahal siya nito, wala itong sinabi sa kanya. At di niya rin mabasa sa mga kilos nito dahil likas sa dalaga ang pagiging mabuti. Minsan naisip niya na baka ang tunay na mahal nito ay si Israel at kontrabida lang siya. Di mawala sa isip niya ang nakita niyang eksenang magkayakao ang mga ito.
Wala siyang pinakitang maganda at puro pasakit lang ang binigay niya sa dalaga kumpara naman sa mga ginawang mabubuti ni Israel. Kaya sino siya para hilinging mahalin rin siya ni Carmela?
Nagising siya sa malalim na pagiisip ng mapansing tahimik na sa kwarto nito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kilabot sa katawan niya ngunit bigla siyang kinilabutan kaya naman nagmadali siyang pumunta sa pinto ng kwarto nito at binuksan ito. Para siyang tinakasan ng katinuan ng makita ang kalagayan nito. Wala itong malay na nakahiga sa sahig habang basang basa na ng sarili nitong dugo ang palda nito.
...
Nagising si Carmela sa puti at maliwanag na kwarto. Hindi niya magalaw ang katawan dahil sa labis na panghihina. Nang magsimulang bumuhos ang alaala niya ay saka siya natakot. Ang baby niya! Ano na ang kalagayan ng baby niya?!
"Mabuti at gising ka na hija pinagala--."
"Ang baby ko? Kumusta po siya, manang?." putol niya agad sa sasabihin ng babae na kakapasok lang ng kwarto niya.
"Carmela wag ka munang bumangon." saway sa kanya ng babae ng sinubukan niyang bumangon pero bigo siyang bumangon dahil hinang hina ang katawan niya. Pakiramdam niya ay paralisado ang kalahati ng katawan niya.
"Manang yung baby ko po." nagsimula na siyang umiyak dahil hindi siya magawang sagutin at tignan sa mata ng babae.
"Bakit di ko po siya maramdaman?." iyak niya habang pilit pinapakiramdaman sa tiyan niya ang anak niya. Pero kahit anong gawin niyang pagdama ay wala talaga siyang maramdaman.
"Carmela huminahon ka muna."
"Manang anong nangyari sa anak ko!."
"Wala na siya. Wala na ang baby mo. Ginawa na ng mga doctor ang makakaya nila para iligtas siya pero--."
"Hindi! Hindi pwedeng mangayari yon!." sigaw niya sa babae na ngayon ay natataranta na dahil sa pagwawala niya.
"Carmela! Kumalma ka hija di ka pa magaling." nagaalalang ani ng babae na pilit siyang inaabot para pakalmahin pero lalo lang siyang lumalayo.
"Ang baby ko!." di na siya makahinga sa sobrang pagiyak. Pakiramdam niya ay tatakasan siya ng bait dahil sa nalaman.
"Carmela!." nilapitan agad siya ng bagong pasok na si Timothy para patahanin siya pero lalo lang siyang nagwala.
"Wag kang lalapit! Wag kang lalapit!." sigaw niya rito saka niya inabot ang mga unan na nasa tabi niya at pinagbabato ito sa lalaki.
"Carmela please you need to calm down." pagsusumamo nito. Namumula na ang mata ng lalaki na waring iiyak na rin anumang oras.
"Ayoko sayo! Lumayo ka sa akin! Mamamatay tao ka!!." patuloy siya sa pagtangis.
"I'm so sorry. I'm sorry. This is all my fault." rinig niyang sabi ni Timothy ngunit di niya ito pinansin.
Sumiksik siya sa dulo ng kama at nakatungong umiyak sa nakatiklop niyang binti. Niyakap niya ang sarili dahil pakiramdam niya ay anumang oras gagawan na naman siya ng masama ni Tim. Sasaktan na naman siya nito.
Tahimik niyang iniyak ang pagkawala ng baby niya. Hindi niya ininda ang tumutulong dugo mula sa natanggal niyang dextrose. Iniyak niya lang lahat ng sakit na nararamdaman hanggang sa mawalan siya ng malay.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
BeletrieSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...