"You're not bored or anything?." narinig niyang tanong ni Timothy mula sa mesa nito.
Nasa opisina kase siya nito. May appointment sila sa Ob-gyn mamayang tanghali at siya na ang nag-suggest dito na sumama na siya sa pagpasok nito para hindi na siya susunduin pa nito mamaya. Saka gusto na rin kase niyang makita at makakwentuhan ulit ang mga kaibigan niyang si Denny at Jonah na matagal na niyang hindi nakasama.
"Gusto ko sanang bumaba. Okey lang ba?." tanong niya rito.
Nag-angat naman ng tingin ang binata mula sa laptop nito mukhang abala rin ito sa trabaho ngayong araw. Halata sa mga patong-patong na files sa desk nito.
"Why?."
Umayos siya ng upo sa sofa nito. "Gusto ko lang maglakad-lakad muna. Nangangalay na kase ako sa kakaupo." rason niya rito. Tsaka bored na rin kase siya sa binabasang magazine at sawa na rin siyang makipagtitigan sa glass wall kung saan kitang kita niya ang iba pang nagtataasang gusali sa kamaynilaan. Isang oras palang ata siya rito eh umay na siya agad.
"You can walk around here. I don't mind." sabi nito habang abala na ulit ang daliri nito sa pagtatype sa laptop.
"Huh? Eh makakaistorbo ako sayo. Baka malikutan ka lang sa akin kakalakad ko."
"I told you I don't mind."
"Please Tim, gusto ko talagang lumabas." pilit niya rito.
Narinig naman niya ang pagbuntong hininga nito.
"Fine. Just watch your steps you might slipped." paalala nito.Ngiting-ngiti naman siya sa narinig. Agad siyang tumayo sa pagkakaupo at inayos ang nagusot niyang bestida.
"Take this in case you want to grab some snack." inabutan siya nito ng card. "Be back after an hour." istriktong paalala nito sa kanya.
Tuwang tuwa siyang lumabas ng opisina nito. Hindi siya nagsayang ng panahon at agad tinungo ang elevator at pinindot ang floor nila Denny. Pero nang makapunta siya sa quarters ng mga ito ay wala siyang naabutan na tao. Mukhang abala pa ang mga ito sa trabaho. Dismayadong bumaba na lang siya ng floor para pumunta na lang sa mini park ng hotel kung saan sila madalas kumain ng tanghalian noon.
Naglakad lakad lang siya doon habang nanonood sa mga pamilyang andoon para magbonding. Nang magsawa siya doon ay naisipan niyang pumunta sa cafe ng hotel para magmeryenda.
"Good morning Ma'am! What can I get for you today?." ngiti sa kanya ng babae sa counter.
Mabilis naman siyang namili sa menu na nakalista sa taas ng counter. "Sweet mango smoothie na lang at--.
"Baka gusto niyo pong i-try ang red velvet chocolate cupcakes namin, bestseller po namin." suhestiyon sa kanya ng babae.
Nakangiti naman niya itong inilingan. "Naku wag na."
"Sayang naman kung hindi niyo ita-try ma'am. Mabilis po kaseng maubos ito tsaka limited lang ang cupcakes namin na dinadala mismo ni Sir Timothy yung may-ari po ng hotel."
"Talaga?." sakay na lang niya rito. Nahihiya naman kase siyang sabihin na siya ang nagbe-bake ng mga cupcakes na tinutukoy nito.
"Opo."
"Saka na lang. Bigyan mo na lang ako ng dalawang chocolate waffle at isang muffin." ngiti niya rito saka inabot ang card na binigay sa kanya ni Tim.
Nang makuha niya ang order niya ay pinili niyang maupo sa tabi ng salaming pader ng cafe kung saan mapapanood niya ang mga tao na nasa mini park. Kumakain siya ng order niyang muffin habang binubuklat ang magazine na nakuha niya sa ilalim ng lamesa para sa mga costumer na gustong magrelax at magbasa.
"Carmela." mabilis siyang nag-angat ng tingin sa taong nagtawag.
"It's really you. God I'm so worried about you." sa tuwa ng lalaki ay niyakap siya nito ng mahigpit. Masaya rin naman siyang ginantihan ito ng yakap.
"Israel! Antagal na nating hindi nagkita." ngiti niya sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin ata makapaniwalang nakita siya nito.
"Halika. Upo ka, samahan mo akong magmeryenda." naupo naman ang binata sa katapat niyang upuan.
"It's been so long since the last time that I saw you." nakangiting tanong ni Israel. "How are you?." sunod nitong sabi bago bumaba ang mata nito sa nagmamalaki niyang tiyan.
Napangiti naman siya sabay haplos sa tiyan niya. "Ayos naman ako. Healthy kami pareho ni baby."
"Glad to hear that." mahina ang tono nito. "I really want to talk to you but Timothy wouldn't let me. Alam ko naman na siya ang nagtago sayo."
"Pasensya na Israel."
"Nah. It's not your fault."
Napatikhim siya. "Kumusta ka pala?."
"I actually I'm not fine."
Nahimigan niya ang lungkot sa boses nito kaya naman kusa niyang inabot ang kamay nito sa mesa para damayan ito.
"Sabihin mo sa akin." pakiusap niya rito.
Huminga muna ito ng malalim bago siya nito natitigan ng diretso sa mata. "Its my dad. He was diagnosed with lung cancer." nagulat siya sa sinabi nito.
"Actually dati pa siya na diagnosed but he kept it to us. Last month lang namin nalaman ni mom. Nasa America sila ngayon to seek treatment, and my dad is responding good there. Kailangan ko silang samahan doon kaya gusto kitang makita at makausap bago pumunta doon. I want to know if your fine before I leave cuz I know it will take time bago ako umuwi ulit dito."
Pinisil nito ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito."Ayos lang ako. Kaya ko na to." biro niya rito. "Hindi mo na kailangang alalahanin pa ako. Kailangan ka ng pamilya mo Israel. Mabuti kang tao, mabuti ang pamilya mo kaya paniguradong tutulungan NIYA kayo na malagpasan ito." pinisil niya ang kamay nito paea mapanatag na ang loob nito.
"Actually before I leave, I want to confess something to you."
"Ano yon?."
"Do you remember the night when Timothy brought you to the bar? I was there, I was the one who brought you home that night. And you're not yourself back there, you were drugged. Alam kong mali but I gave in to your temptation. I'm truly regretful and sorry about to what I did to you back there, nagpadala ako. Ako ang nasa tamang isip pero bumigay ako." hindi niya alam ang mararamdaman sa mga naririnig niya para lang siyang naestatwa.
"When I almost did it to you bigla mong binanggit ang pangalan ni Timothy. I don't know if I should be thankful about that dahil nagising ako ng oras na yon. You keep mumbling his name and how sorry you are to him. You were crying until you lost your consciousness that night."
..
"--You know, I was thinking na baka gusto mong ituloy ang pag-aaral mo ng college? I can help you to enroll in one of--. " kanina pa kwento ng kwento si Timothy habang nagdadrive sila pauwi ngunit pansin niyang kanina pa tahimik ang dalaga na nasa tabi niya lang.
Nilingon niya ito saglit at nakita nga niyang walang interes ang dalaga sa mga pinagsasabi niya. Mukhang malalim nga ang iniisip nito habang nakatingin ng deretso sa daan.
"Carmela? Carmela..." tawag niya dito. Nagitla pa ang dalaga ng sa wakas ay makuha niya ang atensyon nito.
"Are you sure you're fine? Pwede kitang idaan sa clinic." tanong niya rito. Ngayong araw sana nakaschedule ang pagpapa-ultrasound nito para malaman na nila ang gender ng baby pero sinabi nitong icancel na lang muna dahil masama daw ang pakiramdam nito. Inalok niya ito kanina na tumuloy na lang sa clinic since masama nga daw pakiramdam nito ngunit tumanggi ito at sinabing pahinga at tulog lang daw ang kailangan nito. Kaya nga heto at hinahatid na niya ito pauwi.
"Ayos lang ako." ngumiti ng maikli ang dalaga bago binalik ulit ang tingin sa daan.
He sighed. Sana walang kinalaman ang kinikilos nito sa nakita niyang eksena sa loob ng cafe. Eksena kung saan magkayakap at masayang naguusap ang dalaga at si Israel.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Ficción GeneralSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...