"Oh my! Bumalik ka na!." tili ni Denny na naabutan niya sa quarters nila.
Agad siya nitong sinalubong ng yakap. Natatawa naman niya itong niyakap pabalik.
"Namiss kita Carmela! Akala ko hindi ka na babalik! Alalang-alala ako kung san ka na talaga napunta!." tuloy tuloy na reklamo ng kaibigan na kinangiti niya.
"Maraming salamat sa pag-aalala. Namiss rin kita." sabi niya rito ng pakawalan na siya nito ng yakap.
"Halika! Kwento ka muna." hinila siya nito sa kama at pinaupo.
"Huh? Eh oras pa ng trabaho." nag-aalinlangan niyang sabi rito pero ang totoo ay hindi pa kase siya handang magkwento dito.
"Okey lang! Natapos ko na yung floor ko."
"Eh si Jonah?." tanong niya.
"Ah baka patapos na rin yon. Magtatanghalian na rin eh." paliwanag nito.
"Pasensya ka na Carmela, wala akong naitulong sayo noon." tumungo ito.
Maagap naman niyang hinawakan ito sa kamay at pinisil.
"Ano ba ayos lang 'yon. Tsaka gulo ko ito, ayaw ko kayong mapahamak." nginitian niya ito."Ah basta!." maktol pa nito na parang bata. "Bakit ganon na lang pala ang galit sayo ni Sir?."
Nag-iwas siya ng tingin dito.
"Ayos lang kung hindi mo pa kayang mag-open up. Pero kung may maitutulong ako sayo, andito lang din ako." ngisi nito sa kanya.
"Salamat."
"Hintayin na lang natin si Jonah para makapaglunch na tayo." tumango naman siya.
Nagligpit na lang muna siya ng mga gamit sa kama niya habang nakikinig sa mga kwento ni Denny hanggang sa mapansin niya ang mga basag-basag na frame na nakasandal sa pader. Nilapitan niya ito at pinakatitigan, pamilyar kase sa kanya ang mga paintings na nasa frame.
"Anong nangyari dito?." nilingon niya si Denny at tinuro dito ang mga frame.
"Ahh yan ba?." lumapit din ito sa frame. "Yan lang naman ang mga paintings na pinagbabasag ni Sir noong mga panahong wala ka. Grabe! Napakabayolente niya ng mga araw na yon! Ang malala pa ako yung pinalit muna sa opisina ni Sir kaya naman ako lagi ang nasisigawan niyan. Ako rin ang araw-araw na nagliligpit ng mga bago niyang binasag. "
"Ganon ba... " wala na siyang masabi sa kinwento ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Pero hindi niya maiwasang kilabutan habang ini-imagine ang mga kaganapan sa opisinang iyon noong mga panahong wala siya.
"Galit na galit talaga siya nong di ka niya mahanap. Lagi na lang bugnutin yan si Sir! Alam mo, kung hindi ko lang nakita ang trato niya sayo noon-- iisipin kong may gusto siya sayo!."
Nakagat niya ang labi.
"Gusto niya lang akong hanapin dahil hindi pa siya tapos sa akin." mapakla siyang napangiti sa sinabi.Tinaasan naman siya ng kilay ng kaibigan.
"Weh? Iba kase ang dating sa akin eh."Nagkibit balikat na lang siya.
"Ano palang ginagawa dito ng mga paintings?." pagiiba niya ng paksa."Iuuwi ko yan. Tutal pwede pa naman yan eh, papalitan lang ng bagong frame."
"Pwede itong iuwi?."
"Oo naman. Pinatapon na eh. Nanghinayang naman ako, mukhang mamahalin ang mga paintings eh. Kagaganda pa kamo!."
Binulatlat naman niya ang mga patong patong na paintings para makita ang mga iyon pero laking gulat niya ng makita ang frame na pinakamahalaga kay Timothy. Ang frame na naglalaman ng picture ng nobya nito.
Agad niya itong kinuha at pinakita kay Denny.
"Kasama rin ba ito sa binasag niya?." hindi makapaniwalang tanong niya rito.
"Siguro, basag eh." dahilan ng kaibigan.
"Alam mo ba kung sino ang nasa picture? Ito yung namatay niyang girlfriend. Mahalaga sa kanya ito, bakit nasama ito sa mga paintings?."
Nagkibit balikat naman ito.
"Aba ewan. Kasama yan sa mga nilinis ko eh.""Bakit niya ito itatapon?." bulong niya sa sarili na narinig din ng kaibigan.
"Baka nakamove-on na." komento nito.
"Wala bang babaeng bumisita sa opisina niya noong wala ako? Tori ata yung pangalan." nagbabakasakaling tanong niya. Hindi kase siya naniniwala na babasagin na lang basta ni Timothy ang nakaframe nalitrato ng nobya nito.
"Babae? Tori? Parang wala naman. Hindi lang ako sigurado ah." sagot naman nito.
"Kelan ka bibili ng picture frame? Sasama ako. Kailangan natin itong ibalik." alam niya kung gaano kahalaga ang picture na iyon sa binata. Ilang beses na nga siyang napahamak dahil sa picture na iyon. Kaya naman naisip niyang nagkamali lang ang binata.
Kung meron mang nagaasam na mawala ang litrato sigurado siyang si Tori ito. Ang mismong kapatid pa ng namatay na nobya ni Timothy.
..
"Hey there, Angel!. " agad na bati ni Israel sa dalaga.
"Israel! Anong ginagawa mo rito?." nahinto ang dalaga sa pagmomop ng hallway ng makita ang binatang kakalabas lang ng elevator.
"Well, I have a proposal for Mr. Timothy Jimenez." paliwanag naman niya rito ng magkatapat na sila ng kinatatayuan. Winagayway niya pa sa harap ng dalaga ang hawak na folder na may mga nakaipit na papel.
"Talaga? Good luck!." ngiti ng dalaga sa kanya. Buti na lang at napigilan niya ang sariling hilain nalang ito at basta bastang yakapin.
"Gadd! I really love your hair. It reminds me of Liza Soberano but looking at you, it reminds of my ideal bride-to-be." tinaas baba ni Israel ang kilay kay Carmela.
"Inaasar mo na naman ako." inayos ng dalaga ang kulot nitong buhok.
"Just kidding. I'm just happy na nakita ulit kita."
Tinaasan naman siya ng kilay ng dalaga. "Oo na po. Yung pintuan sa dulo ang opisina ni Sir. Ikumusta mo na lang ako sa parents mo. Good luck!." tumango naman siya dito at nagpaalam na.
Huminga siya ng malalim habang naglalakad palayo sa dalaga. Sa totoo lang ay ayaw na niyang tumapak pa rito dahil sa msamang ala-ala ngunit kailangan niya itong tiisin. Sa kagustuhan niyang matulungan si Carmela ay heto siya ngayon. Wala naman sinabi ang dalaga na tulungan niya ito, sarili niya itong desisyon.
Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto bago siya nakatanggap ng sagot na pumasok.
Agad niyang nakita ang lalaking kinamumuhian niya. Ang lalaking naging hadlang ng lahat ng tamgumpay niya mula noong college. Ang karibal niya sa lahat ng bagay.
"Have a sit, Mr. Hernandez." buo ang boses na alok nito sa kanya.
"I don't need your formalities. I just came here to say that I might consider your contract if only..." pambibitin niya rito.
Nangunot noo naman ang lalaking nakaupo sa mesa nito sa sinabi niya.
"If only..?." tanong nito.
"Only if... you'll leave Carmela alone."
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Fiksi UmumSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...