"Who are you?! Bakit ikaw ang naglilinis dito?." iritableng tanong ni Timothy ng maabutang iba ang naglilinis sa opisina niya ng umagang iyon."Ako po si Denny. Ako po muna ang maglilinis dito." yuko naman ng janitress at tinuloy na ang pagma-mop ng marble na sahig.
"Nasaan si Carmela?!." napipikong tanong niya rito. Nakita naman niyang napaigtad sa gulat ang babae dahil sa pagsigaw niya. Umagang umaga ay pakiramdam niya sasabog ang mga ugat niya sa ulo sa pagkairita.
Isama pa ang bukol niya ulo dahil sa pagpukpok sa kanya ni Carmela ng bote kagabi. Pasalamat na lang talaga ang babae na hindi nabasag sa ulo niya ang bote o napuruhan siya sa ginawa nito. Dahil kung hindi ay di na niya alam ang gagawin dito. Hindi niya maipaliwanag ang bwisit niya dito.
Ano bang inaarte nito kagabi. Pasalamat na nga lang ito kaya niya pa itong pagtyagaan. Malamang sa dumi ng babaeng iyon ay wala ng magtatangkang magkagusto pa doon.
Napahilot siya sa sentido dahil sa pagpitik non.
Binalingan niya ulit ng tingin ang babae.
"Nasaan si Carmela?! F*CKING SPEAK!!."
"Nasa quarters po, nagpapahinga." natatakot na sagot nito.
"Sa oras ng trabaho?! Sino ba siya sa akala niya!." hinagis niya sa sofa ng office niya ang briefcase na dala.
"S-sir eh... nilalagnat ho siya eh. Hindi po niya kayang magtrabaho ngayon. Hindi na nga ho makabangon eh." nangunot saglit ang noo niya bago napagpasyahan na pumunta sa maintenence quarters.
"Sir!." rinig niya pang sigaw ng babae habang pilit humahabol sa bilis ng lakad niya.
Hindi niya ito pinansin at mas binilisan lang ang lakad. Napagsarhan pa ito ng elevator kaya naman hindi na ito nakahabol pa.
Nang makarating sa quarters ay pabalibag niyang binuksan ang pinto. Nagsanhi iyon ng malakas na tunog pero hindi man lang gumalaw ang tulog na dalaga sa kama.
"Sir." gulat na sabi ng isa pang babaeng naabutan niya sa kwarto. May hawak itong basang towel at nasa aktong ilalagay sa noo ng natutulog na si Carmela ng dumating siya.
"Bakit andito ka? Oras ng trabaho! Ano to hospital?!." he exclaimed.
"Wake her up!." dumagundong ang sigaw niya sa kwarto.
"S-sir inaapoy po siya ng lagnat hindi niya po kaya." paliwanag ng babae.
"I don't f*cking care! Gising mo siya kundi ikaw ang mananagot!." he demanded. Hindi naman malaman ng babae ang gagawin.
"Sir! Kailangan niya po ng pahinga." paliwanag ng hinihingal na si Denny na kakarating lang, kasama rin nito si Edward.
"You'll wake her up, or I will do it my way?!." tinitigan niya ng masama ang babaeng katabi ni Carmela.
"Timothy!." pinigilan siya ng kaibigan pero tinulak niya lang ito.
"STAY THE F*CK OUT OF THIS!!." banta niya rito.
Bumalik ulit siya sa mga babae. "I said WAKE. HER. UP!!." mas tumigas pa ang boses niya.
"Jonah!." senyasan ng dalagang si Denny si Jonah na huwag gawin ang pinaguutos ngunit dahan dahan lang umiling ang dalaga at sinimulang gisingin ang dalaga.
Ngunit hirap itong gisingin, tanging ang pagkunot lang ng noo nito ang kayang gawin ng dalaga. Hirap itong dumilat dahil sa sakit na nadarama.
Tila sumabog naman ang pasensya ng binata at dali daling pinulot ang balde na naglalaman ng pinaglinisan ng mop at binuhos iyon sa nakahigang si Carmela.
Kandaubo-ubo ito ginawa ng lalaki. Nang sa wakas ay dinilat na nito ang mga mata ay takot agad ang rumehistro sa mukha nito.
"Kung hindi ka babangon dyan at magtatrabaho ay ang mga kaibigan mo ang mananagot!." banta niya sa dalaga.
"Carmela." hindi naman mapigilan ni Denny na maiyak sa tabi. Sobra siyang naaawa sa dalaga ngunit ano ba ang kaya niyang gawin. Hindi niya malaman kung saan nanggagaling ang galit nito sa dalaga.
"Timothy! This is getting out of hand!." sa wakas ay nagsalita na ulit si Edward.
"Tu-tulungan mo... akong b-bumangon." hirap sa pagsalita na sabi ni Carmela kay Jonah.
"Kakayanin mo ba?." puno ng awa na tanong nito sa kanya. Dahan-dahan naman itong tumango. Maputlang maputla na ang mukha ng dalaga. Ang mga mata nito'y namumula at nagmamakaawang pumikit. Pansin niya rin ang panginginig nito marahil sa lamig ng kwarto idagdag pang binuhusan ito ng tubig.
Huminga ng malalim si Jonah bago ito tinulungang bumangon at makatayo. Muntikan pa itong mabuwal ngunit sinikap nitong tumayo.
Sa unang pagkakataon ay tinitigan siya ng deretsa sa mga mata ng dalaga. Hindi nito pinakita ang takot sa halip ay ang determinasyon nito.
Tila naman kinilabutan ang binata sa nakikita niya sa mga mata ng dalaga. May kung anong namuong emosyon sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Si Jonah na ang tumulong na ibigay kay Carmela ang mga gamit nito. Kahit hinang hina ang katawan ay nagawan pa nitong ngumiti sa kaibigan.
Huminga ito ng malalim bago simulang itulak ang trolley. Tila naman natuod si Timothy sa dalaga. Kahit halatang wala na itong lakas ay pinipilit pa rin nitong tumayo at itulak ang trolley.
Pero ilang sandali lang ay tuluyan ng bumagsak ang dalaga. Bagsak ang mahina nitong katawan sa malamig na sahig.
"CARMELA!."
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...