Nagising si Carmela sa isang maliwanag at puting puti na kwarto. Kinilala muna niya ang kwarto hanggang sa maalala ang nangyari sa kanya bago siya mapunta doon.
Awtomatikong nilagay niya ang kamay sa tiyan niya at dinama iyon. Unti unting nalaglag ang mga luha sa mga mata niya sa takot na malaman kung nasa sinapupunan niya pa ba ang anak o wala na. Hindi mawala sa isip niya ang sakit at takot na naramdaman niya ng mga oras na dinugo siya. Kakaiba ang takot na naramdaman niya non, mas nakakatakot pa iyon kesa sa mga naranasan niya sa kamay ni Timothy.
Nagkulang siya. Nagpabaya siya sa sarili. Kung mas iningatan niya sana ang sarili ay hindi siya mapupunta sa lugar na ito. Nakalimutan niya atang may buhay sa loob niya na umaasa sa kanya.
Patuloy niyang hinahaplos ang impis pa niyang tiyan at pilit pinapakalma ang hindi mapalagay na sarili. Hindi dapat siya mawalan ng pag-asa, hindi dapat siya madala sa kanyang emosyon hanggat wala pang sinasabi ang doctor.
"Kapit ka lang kay M-ama huh...sorry nagpabaya ako. Napabayaan k-kita. Hinding hindi na mauulit iyon kaya...kumapit ka lang p-pakiusap anak." pinilit niyang labanan ang panginginig ng boses habang kinakausap ang kanyang sinapupunan. Hindi pa man ganon katagal ang nasa loob niya ay malalim na ang koneksyon nila sa isa't isa. Minahal na niya agad ito sa mga sandaling nalaman niyang nagdadalang tao siya.
"Glad you are awake now." nilingon niya agad ang nagsalita.
Kakapasok lang sa silid ni Timothy.Pagod itong ngumiti sa kanya.
Mabilis siyang naupo sa kama niya na ikinasalubong naman ng kilay ng lalaki. Agad itong lumapit sa kinalalagyan niya at inalalayan."Gad Carmela! Don't push yourself. You need more rest."
Hindi niya pinakinggang ang pangaral sa kanya ng lalaki sa halip ay hinuli niya ang kamay nito at mahigpit itong hinawakan."Yung b-baby! kumusta ang baby ko? Ayos lang ba siya?!." kulang na lang ay hilain na rin niya sa kwelyo si Tim sa sobrang pagaasam na malaman kung ano na ba ang lagay ng anak niya.
Nagmamalabis sa pag agos ang mga luha niya at nanginginig ang buong katawan ngunit wala na siyang pakialam don, ang gusto niyang malaman ay ang kalagayan ng kanyang anak.
Hinawakan siya ni Tim sa magkabilang balikat at tinignang mabuti sa mata."Our baby is fine." maikling sabi nito ngunit sapat na para kumalma ang buong sistema niya.
"Salamat. Salamat po!." wala sa sariling usal niya habang patuloy na umiiyak sa saya at ginhawa .
Naramdaman niya ang kamay ni Tim sa ibabaw ng ulo niya at hinaplos haplos iyon ng mabagal. Unti unti niyang naramdaman ang pagkapagod dahil sa ginagawa nito. Maingat nitong tinulak ang batok niya para makasandal ang ulo niya sa tiyan nito habang patuloy pa rin nitong hinahaplos ang buhok at likod niya. Hindi man ito nagsasalita ay alam niyang nag-aalala rin ito para sa anak.
...
“CARMELA!-- CARMELA! Where are you?!.” Sigaw ni Timothy ang nagpaigtad sa kanya habang nagdidilig ng mga halaman sa hardin nito. Pinatay agad niya ang hose at naglakad na papasok ng bahay. Mahirap na at baka may gawin na naman ito kapag hindi agad siya nakita.
“Carmela! D*mn Im going to call the police kapag di ka pa nagpakita.” May pagbabanta na ang boses nito kaya naman nagmadali na siyang naglakad papuntang kusina kung saan niya naririnig ang boses nito.
“Andito ako.” Nagtaas pa siya ng kamay at kiming ngiti ng lumingon ito. Mukhang may balak na ata talaga itong tumawag dahil katapat na nito ang telepono sa kusina.
Umagang umaga ay salubong agad ang kilay nito. Gulo gulo rin ang buhok nito at nakaboxer shorts lang ito, walang ring suot pang-itaas. Mukhang kakabangon lang nito at siya agad ang hinanap.
Dahil ata sa nangyari sa kanya noon ay napraning na ito, kapag hindi agad siya nagpapakita rito ay pagagalitan siya nito at mahaba habang sermon na naman ang matatanggap niya dito.
“Saan ka galing? Bakit di ka agad sumagot?.” Nakapamewang na tanong nito sa kanya.
“Nasa garden kase ako. Naisipan kong magdilig muna habang naghihintay maluto yung bine-bake ko.”
Mas lalong nagsalubong ang kilay nito sa sagot niya. “Di mo kailangang gawin yan. Let Manang Rowena do that.”
“Eh umalis siya para mamalengke eh.”
“Hinintay mo na lang sana siya.”
“Gusto ko rin talagang magdilig at tignan yung mga bulaklak eh. Saka alam mo ang laki na nong caterpillar na binabantayan ko sa garden malapit na ata silang mag---.”
“Enough with your caterpillar, you are making that excuse again.”
“Hindi naman ako nagpapalusot eh.”
“Whatever. Baka kase mabinat ka sa mga pinaggagawa mo.”
“Hindi ko naman pinupwersa ang sarili ko eh. Saka ayos na ako.” Saka mahigit three months na rin ng maospital siya. Mas naging maingat siya sa sarili sa mga nakalipas na buwan ng mangyari iyon. Kumakain siya ng maayos at masusustansyang pagkain, may vitamins din siya at gatas pero shempre kailangan din naman niyang magpaaraw at magkaroon ng kaunting exercise din. Kaso masyado atang big deal sa lalaki ang ginagawa niyang pagdidilig sa mga halaman tuwing umaga na pangunahing exercise niya.
Matapos ng nangyari sa kanya noon ay hindi na siya nito binalik sa resthouse nito. Sa bahay na siya ni Tim nanatili kasama ito. Sa mga nakalipas na buwan rin ay natuto silang maging civil sa isat isa. Kahit paano ay ayos naman at komportable na ang samahan nila sa loob ng bahay.
Malalim na bumuntong hininga ang lalaki bago siya nito senyasan na maupo sa dining table. Sinunod naman niya ito at naupo nga.“Did you ate your breakfast already?.” Tanong nito habang busy sa pagtitimpla ng sarili nitong kape.
“Oo. Tapos na ako.”
“Nagising ka ba ng maaga?.” Tanong nito habang hinahalo ang tasa ng kape at nakasulyap sa oven kung saan hinihintay niyang maluto ang red velvet chocolate cupcake na ginawa niya.
“Medyo. Mga ala sais siguro.”
“You dont need to force yourself to wake up early every day just to make cupcakes.”
Hindi na lang siya sumagot. Maaga talaga siyang nagigising pero matakaw siya sa tulog tuwing tanghali. Saka yung mga cupcakes na ginagawa niya ay bestseller na ngayon sa hotel ni Tim. Siya lang kase ang mahilig sa pastry sa loob ng bahay kaya naman madalas ay hindi niya rin nauubos ang hinahanda dahil paiba iba rin ang gusto ng panlasa niya. Kaya si Tim na ang nakaisip na kumuha lang siya ng kaya niyang cupcakes at ang matitira ay dadalhin nito sa hotel. Di naman nila lubos akalain na bebenta pala iyon sa hotel nito.
“Okey lang. Saka nakakagaan din ng loob sa tuwing kinukwento mong nagugustuhan nila ang cupcakes ko.” Si Tim lang din kase ang nagbabalita sa kanya dahil hindi naman siya lumalabas ng bahay nito.
“Alright. Maya maya ay papasok na ako, so dont turn off your phone. The last time I called you walang sumasagot and I dont want that to---.” At nagumpisa na naman itong manermon sa kanya. Ibang iba sa nakilala niyang Timothy.
..
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...