"Here, help yourself." Inabot sa kanya ni Atty. De Jesus ang first aid box.
Naupo ito sa harap niya at pinanood lang ang ginagawa niyang paggamot sa sarili niyang mga sugat. Napansin niya ang pagkibot ng labi nito habang nakatingin sa mga pasa niya.
"You need some ice for that." turo ng lalaki sa nangungulay ubeng gilid ng nga mata niya. .
"Kukuha lang ako. Do you want some coffee to warm you up a bit?." alok nito sa kanya. Mabilis naman siyang tumango.
"Sabi ni sir less than ten minutes ay andito na siya." tumango lang ulit siya. Umalis naman na ito sa harap niya at dumeretso sa isang pasilyo.
Dito siya dinala ni Atty. De jesus sa mismong bahay ni Mr. Jimenez. Maluwang ang bahay. Nasa sala lamang siya ngunit alam na niyang hindi biro ang bahay. Parang nananampal sa yaman ang mga kagamitan sa bahay. Dinala nga pala siya rito ni Atty. De jesus dahil nais daw siyang kausapin ni Mr. Jimenez. Kung ano man ang paguusapan nila ay nagpapakaba sa kanya ng labis.
Kinagat na lamang niya ang labi niya para pigilan ang sariling umaray sa hapdi ng mga natamo niyang sugat. Dinikitan niya ng mga band aid ang mga maliliit niyang sugat para mapigilan ang pagdugo nito.
Hindi niya mapigilang isipin kung bakit ba siya pinapunta dito ni Mr. Jimenez. Iniisip niya kung dito ba siya papatayin ng lalaki. Kaya ba may abogado dito ngayon ay para tulungan itong mapawalang sala? O baka tulungang i-dispose ang katawan niya? Ang dami ng senaryong tumatakbo sa isipan niya. Ayaw niya sanang magpakanegatibo ngunit hindi niya mapigil lalo na't alam niya kung gaano kalalim ang galit sa kanya ni Mr. Jimenez.
"So you are really here." nag-angat siya ng tingin sa bagong pasok na ginang. Matalim na matalim ang titig nito sa kanya na parang gusto siya nitong patayin.
Napatayo siya sa pagtataka.
"Po?.""Napakawalang-hiya mo!." mabilis itong nakalapit sa kanya at pinagsasampal siya. Hindi pa ito nakontento at pinagsasabunutan din siya nito.
"Parang.. awa niyo na.. po." pilit niyang inaalis ang mga kamay nitong mahigpit na nakasabunot sa buhok niya. Pakiramdam niya ay mabubunot nito ang buhok niya sa sobrang hila nito sa kanya. Mahapdi na rin ang anit niya sa ginagawa nitong pagsabunot.
"PINATAY MO ANG ANAK KO! NAPAKAWALANG HIYA MO! DEMONYO KA!." sigaw nito sa kanya habang hila hila ang buhok niya. Nakatanggap din siya ng ilang mga karamot mula sa mga matatalim nitong kuko. Walang siyang magawa kundi ang tanggapin lahat ng atake nito.
Wala siyang magawa kundi ang maiyak na lang habang nagmamakaawang tumigil na ito.
" Hindi ko.. ho sinasadya. Hindi ko po... ginusto iyon." iyak niya.
"PINATAY MO ANG ANAK KO! PATI NA RIN ANG APO KO! DAPAT SAYO MABULOK SA IMPYERNO!!." tuluyan na siyang humagulgol sa iyak dahil sa sakit ng mga ginawa nito sa kanya.
"Mrs. Peyton tama na po iyan! Ma'am!." dinig niyang awat ni Atty. De Jesus. Nagtagumpay naman itong ilayo sa kanya si Mrs. Peyton kahit panay ang palag nito at mura sa kanya.
"BITAWAN MO AKO! HAYAAN MO AKO!!." sigaw nito habang pilit pumapalag sa pagkakahawak ni Atty. De Jesus
Kusang sumuko ang mga tuhod niya sa malamig na marmol ng maluwang na sala. Hindi siya halos makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. Hindi niya ininda ang sakit ng ulo pati na rin ang panginginig ng katawan niya. Nagawa niyang lumuhod sa harap ng mga ito at niyuko ang mukhang basang basa ng luha.
"Ibalik niyo.. na lang po ulit ako.. sa kulungan. Parang awa.. niyo na p-po! Pagbabayaran ko po h-habang buhay... ang g-inawa ko." umiiyak na pakiusap niya sa mga ito.
"Pakiusap po! I-balik... niyo na ko!." pakiusap niya pa sa nga ito. Ngunit dahil pigil pigil lang ng lalaki ang ginang sa kamay kaya nagawa pa nitong sipain ang mukha at balikat niya. Nalasahan niya ang kalawang sa bibig.
"Hindi nararapat na makulong ka lang. Ako ang magbibigay ng nararapat na parusa sa nagawa mo." malamig na boses ni Mr. Jimenez nanaig sa bahay.
"Timothy!." sigaw agad ng ginang.
Sinenyasan naman ng lalaki na bitawan ang ginang.
"Timothy promise me you'll avenge my daughter and my apo. Promise me." sumbong agad ng ginang ng makalapit si Timothy sa pwesto nila.
"I promise, tita." rinig niyang sagot ni Timothy. Rinig niya ang lahat ng pinaguusapan ng nga ito ngunit nanatili lang siyang nakayuko. Natatakot siya na muling makasalubong ang mga nakakatakot nitong tingin sa kanya. Tinging may puot at galit sa kanya.
"Lift your head." rinig niyang utos nito ngunit hindi niya ito sinunod. Masyadong mabigat at masakit ang ulo niya para sundin ito.
Nanginig ang katawan niya ng maramdamang lumapit ito sa kanya at lumuhod. Napasinghap siya sa sakit ng hilain nito ang buhok niya para iangat ang mukha niya.
Sinalubong na naman siya ng mga mata nito. Nakaukit sa tingin nito ang galit na nadarama sa kanya. Natiim ang mga bagang nito.
Pinigilan niyang umaray kahit na humihigpit pa ang pagkakahawak nito sa buhok niya. Sa mga sabunot niyang natanggap sa ginang ay kanina pa humahapdi ang anit niya.
"Careful with your stubbornness it might lead you to something...unfortunate." matigas na bigkas nito bago padabog na binitawan ang buhok niya.
"I'll take it from here tita. Ihahatid ko na kayo." binalikan ng binata ang ginang.
"Please don't be easy on her." rinig niyang sabi ng ginang habang papalayo na ang mga hakbang ng mga ito.
May timikhim sa tabi niya. Naramdaman na lang niya ang paghawak nito braso niya para hilain siya patayo.
Pinaupo siya ni Atty. De Jesus sa sofa. Lumakad ito at may kinuha sa lamesa. Inabot nito sa kanya ang cold compress at ilang mga papeles.
"Pakibasa ng mabuti ang mga nakasulat diyan. Iyan ang mga kondisyon ni Mr. Jimenez. If you have any questions or concern just ask me. We'll wait for Mr. Timothy for the contract signing." pormal na sabi ng lalaki.
Mahina siyang tumango.
"I'm really sorry. I can't do anything." apologetic na sabi ng lalaki.
Nakakaunawa naman siyang tumango rito. Mula't sapul ay wala naman talagang siyang kakampi.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...