"Di ka ba kakain?." tanong ni Carmela bago sinubo ang inabot sa kanyang bagong ihaw na karne ni Timothy.
"Kumakain ako." sagot naman ng lalaki habang abala ito sa paglalagay ng mga karne sa ihawan. Nasa korean restaurant kase sila at nagsasamgy. Tinanong kase siya ng lalaki kanina kung saan niya gustong kumain, samgyupsal naman agad ang naisip niya. Nagke-crave kase siya mga napapanood na inihaw na karne at kimchi. First time niya sa ganitong lugar at pagkain pero dahil sa mga napapanood niya sa internet ay natuto siyang kumain nito ng tama.
"Tama na muna yang iniihaw mo, di ka na nakakakain." komento niya sa lalaking pinagpapawisan na ang noo sa sobrang tutok sa niluluto.
"Subuan mo na lang ako." biro naman nito. "Gusto mo ba ng boiled seafood? Meron silang available dito. Para may hinihigop kang sabaw." suhestiyon naman nito pero inilingan niya lang ito.
Nagipit siya ng karne sa chopsticks niya at tinapat sa bibig ng lalaki.
"Ahhh." ngiti niya rito. Malugod namang tinanggap ng binata ang sinubo niya.
"Dapat nagpalit ka muna ng damit bago ka nag-ayang lumabas." komento niya ng madako ang tungin niya sa suot nito.
Nakapang-office pa rin kase ito. Paano ay nong umuwi ito ay basta na lang nagtanong kung saan niya gustong kumain at ito na nga hindi na nagpalit pa ng damit ang lalaki. Kaya kumpara sa mga costumer na nasa resto ay sobrang kapansin-pansin ang suot nito dahil napakaformal nito.
Sa susunod na lalabas sila ay siya na ang maghahanda ng damit nito. Naging habit na rin kase nila na lumabas isang beses sa isang linggo para kumain. Kung date ba matatawag yon ay hindi niya alam. Hindi naman kase nagtatanong o nagaaya ang lalaki na may linyang "tara date tayo" kundi "sa labas na tayo kumain".
Dinukot niya sa bulsa ang dala niyang panyo at pinunas sa pawis na noo at sentido ng lalaki. Napangiti naman ang lalaki sa ginawa niya.
"Salamat. So how was your day today? Is it--." napahinto ito sa pagsasalita ng bigla na lang tumunog ang cellphone nito.
Dinukot naman ng binata ang cellphone sa bulsa at tinignan ang tumatawag. Nangunot ang noo nito ng mabasa ang caller.
"It's my mom. Do you mind?." hingi nito ng permiso.
"Okey lang. Sagutin mo na." ngiti niya rito. Tumango naman ang binata at nagpaalam na lalabas muna saglit para sagutin ang tawag.
Habang wala ang binata ay tinuloy na lang muna niya ang pagluluto at pagkain. Alam naman niya kaseng hinihintay lang siya ng lalaking matapos kumain dahil mukhang hindi naman nito tipo ang ganitong pagkain. Kaya mabuting matapos na siyang kumain para makauwi na rin sila at makapagpahinga.
..
"You okey?." inalalayan siya sa likod ng lalaki ng makitang nakahawak siya sa may balakang niya at nagiinat ng makalabas siya ng kotse. Kakauwi lang nila galing sa restaurant.
"Oo. Sumakit lang bigla yung balakang ko. Bumibigat na kase si baby sa tiyan ko eh kaya siguro ganon." paliwanag naman niya. Napapadalas na rin kase talaga ang pagbigat ng katawan niya o kaya naman nanakit na likod at balakang.
"I'll prepare you a warm bath. It'll help you soothe and relax your back." sabi nito habang inaalalayan siya papasok ng bahay.
"Huh? Wag na. Ako na lang." tanggi niya rito. Nakakahiyang naman kaseng magpaasikaso sa lalaki alam niyang pagod din kase ito sa trabaho tas pinagsilbihan pa siya nito kanina sa pagkain.
"It's alright. Mabilis lang naman." pinal na sabi nito kaya wala na siyang nagawa pa ng makarating sila sa kwarto niya. Nasa sariling kwarto niya pa rin naman siya tumutuloy, hindi naman porque ayos na sila ng lalaki ay magtatabi na sila sa iisang kwarto.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...