27

748 19 4
                                    

Nagbabasa siya ng libro sa library ng marinig niya ang tunog ng helicopter. Sigurado siyang si Timothy ang sakay nito.

Bumuntong hininga siya at tiniklop ang pahina ng binabasa niyang libro at binalik na muna ito sa mga naglalakihang shelves sa library. Inabot niya ang manipis niyang balabal at binalot ito sa sarili, nahihiya naman kase siyang salubungin ito nakaduster-duster lang siya. Mas komportable na rin kase siyang gumamit ng mga ganong damit, manipis at hindi mainit sa katawan.

Nang makababa na siya sa sala ay naabutan niya doon si Timothy na nagtatanggal ng jacket at sapatos.

Agad din naman itong nag-angat ng tingin sa kanya. Napalunok siya bigla, malakas kase ang epekto sa kanya ng mga titig ni Timothy na dati ay wala lang naman sa kanya. Mukhang ito pa ata ang pinaglilihian niya o baka alam lang ni baby na ito ang daddy nito.

"Could you get me something to drink." sabi lang nito sa kanya. Walang 'hello' 'hi' o 'kumusta' man.

"Ah sige. Juice, coke o tubig?." tanong niya rito.

"Juice would do." tumango siya at nagtungo na sa kusina at pinagtimpla na ito maiinom. Nagpalaman na rin siya ng tuna sandwich baka kase gusto na rin nitong magmeryenda tutal hapon naman na.

Nang maibigay na niya ang inumin at sandwich dito ay agad agad din nito iyong naubos. Hindi niya tuloy alam kung kumain man lang ba ito bago nagbyahe papunta dito sa isla.

"So, how's the baby?." tanong nito habang pagod na nakasandal sa mahabang sofa habang siya naman ay nakaupo sa pangisahan na katapat nito.

"Ayos naman siya. Hindi naman siya maselan, hindi ako madalas makaranas ng morning sickness at hindi rin siya mapili sa pagkain."

Tumango ito. "That's good. You should take your afternoon nap." iyon lang ang sinabi nito at dumeretso na ito sa sariling kwarto nito sa resthouse.

Ganito naman ang lagi nilang routine eh, darating ito gamit ang helicopter, sasalubungin niya ito, kakamustahin nito ang baby tapos magkukulong na rin ito sa kwarto nito at matutulog.

Bago ito dumating ay nagpapaantok siya gamit ang pagbabasa ng libro pero hindi naman siya tinatablaan kaya naman naisip niyang magtampisaw na lang muna sa pool.

Madali siyang umakyat sa sarili niyang kwarto at nagpalit ng  pangswimming. Kompleto naman kase siya rito ng iba'-ibang klaseng damit, blouse, shorts, dusters, nightwear at bikinis. Kumuha lang siya ng tuwalya at bumaba na para magtampisaw sa swimming pool.

Ipinikit niya ang mga mata habang nagpapalutang lutang sa preskong tubig ng pool. Ang sarap sa pakiramdam ang lamig ng tubig, sobra kaseng maalinsangan ngayong hapon kaya mainam din talagang magbabad sa tubig. At isa pa, nakakapagpagaan din ito ng loob niya pakiramdam niya ay kahit paano'y malaya siya.

Ngayon na andito si Timothy, hindi na naman niya alam kung ano ang gagawin. Ngayon na buntis siya at ito ang ama, wala naman masyadong nagbago sa pakikitungo nito. Maliban na lang sa napansin niyang kahit paano ay sinisikap nitong wag siyang sigawan o pagalitan dahil bilin nga ng doctor na wag siyang mastress masyado. Kung pagdating sa mga pangangailangan niya bilang buntis ay hindi naman nagkulang, sobra sobra pa nga kung tutuusin ngunit kung ano ang plano nito pagkatapos niyang manganak ay hindi niya pa alam. Wala siyang kahit na anong ideya kung ano ang tumatakbo sa isip nito, mahirap kase itong basahin.

Naimulat niya bigla ang mga mata ng marinig niya ang malakas na pagtalsik ng tubig sa pool. Nang ilinga niya ang mga mata ay saka niya nakita ang nagaapoy na mata ni Timothy. Galit itong lumangoy palapit sa kanya.

Nagtataka man ay itinapak na niya ang paa sa tiles ng pool para makatayo sa gitna nito. Gulat siya ng bigla siya nitong hilain sa braso.

"What the f*ck Carmela! Are you trying to drown yourself to death?!." halos pumutok ang mga ugat nito sa leeg sa sobrang diin at pagpipigil nitong sumigaw.

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon