"You have a meeting with the Watkins at 3pm and your mother called, may dinner arrangement daw kayo sa mansion."
bigay impormasyon sa kanya ni Edward na nakatayo malapit sa office table niya.Tinigil naman niya ang pagbabasa ng papeles ng marinig ang tungkol sa mommy niya.
"Sinabi niya ba kung tungkol saan yung dinner arrangement?." kilala niya ang Mommy niya, hindi ito mag-iinvite sa kanya ng dinner na simpleng kakain lang sila kasama ang daddy niya. He knows that there is something more. Maybe for their business?
"Nothing in particular. Sinabi lang niya na hindi pwedeng hindi ka pumunta."
"I know that. She wants what she wants." iling iling na tinuloy na lang niya ang ginawa sa mesa niya.
"How's Carmela by the way." tanong nito.
"She's fine."
"Hope so. Just remember that she's pregnant with your child kaya isawalang bahala mo muna ang paghihiganti mo." hindi na niya ito sinagot. Narinig na lang din niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng opisina niya.
Ilang buwan na ring nasa puder niya si Carmela pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang plano para rito. Hindi niya pa rin alam kung ano ang susunod niyang hakbang. Heto at nabuntis niya ito ng di inaasahan, its partly his fault too, aminado siya roon. Hindi siya nag-iingat. Now he feel guilty for Shannon, pakiramdam niya ay nagkasala siya sa namayapa niyang kasintahan. Pati na rin sa namatay niyang anak na hindi pa naisisilang, pakiramdam niya ay pinalitan niya ang mga ito. At sa lahat pa ng tao ay sa dahilan pa ng pagkamatay ng mga nito.
"Great Thy, This is so messed up!." marahas na ginulo niya ang buhok at binagsak ang buong bigat sa sandalan ng upuan niya. Now he feels exhausted dahil lang sa pagiisip ng sitwasyon nila ngayon.
Minamaneho na niya ang kotse niya papunta sa mansion nila ng makatanggap ng tawag sa telepono ng resthouse niya. Hindi na sana niya sasagutin dahil nagmamaneho siya ngunit naririndi na rin siya sa paulit ulit na tunig non.
"Hello?."
"Sir! Si ma'am Carmela po!." nailayo niya pa ang cellphone niya sa tenga niya sa lakas ng boses ng katiwala niyang si Manang Beth.
"Manang, hinaan niyo naman ang boses niyo. Bakit si Carmela?." tanong na lang niya habang pilit pinopokus ang tingin sa daan.
"Si ma'am Carmela po wala dito sa bahay!."
Hininto na muna niya sa tabi ang sasakyan ng marinig ang binalita nito.
"What the hell happened?! Umalis ba siya?!.""Hindi po Sir! Dinala po ata siya ni ma'am Tori sa kung saan. Andito po kanina si ma'am Tori, nireview po namin yung cctv sa bahay. Kaninang magtatanghali pa po sila umalis."
"Sh*t! At bakit naman pupunta dyan si Tori?!."
Humagulgol naman sa kabilang linya ang babae. "Hindi ko po alam Sir. Pero natatakot po ako para kay Carmela. Galit na galit po kanina si Ma'am Tori at pinagbubuhatan niya pa po ng kamay si Carmela."
"Alright. Ako ng bahala Manang Beth, tatawagan ko na lang kayo kapag nahanap ko na siya." mukha kaseng napalapit na rin ang loob ng matanda kay Carmela kaya ganon na lang din iyon mag-alala.
Itutuloy na sana niya ang pagmamaneho ng makatanggap ulit siya ng tawag, sa pagkakataong ito ay ang Mommy niya ang tumatawag.
Napabuga na lang siya ng malalim na hininga bago sagutin ang tawag.
"Mom, I can't go. I need to find Tori." inunahan na niya itong magsalita. Alam naman niyang tatanungin nito kung nasan na siya.
"Well, Tori is with me. She's waiting for you, the dinner party wouldn't be complete without you. So drive your way here. We're getting impatient here." yun lang at binaba na ng Mommy niya ang linya.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...