"Okey na itong isa, Peter. Bumaba ka na riyan." sigaw niya sa binatang nasa itaas ng matangkad na puno ng buko. Nakakatikim kase siya ngayon ng sabaw ng buko kaya naman ng nirequest niya iyon kay Manang Beth ay tinawag agad nito ang anak nitong si Peter. Ito ang bunsong anak ng babae, ang alam niya ay nasa unang taon na ito ng kolehiyo.
"Kumuha ka pa ng dalawa tutal andyan ka na lang rin, anak." sigaw naman ni Manang Beth sa anak.
"Hala okey na po ako sa isa Manang Beth."
"Ayos lang, para kapag gusto mo ulit eh meron ka na agad." sabi naman nito.
Bumagsak mula sa itaas ang dalawa pang buko bago unti-unting bumababa sa puno ang binata.
"Salamat Peter huh." sabi niya sa binata ng makalapit na ito sa kinatatayuan nila.
Kimi naman siyang nginitian ng lalaki.
"Tara na sa bahay para mabuksan na natin yan."
Matapos nga siyang asikasuhin ni Manang Beth ay nagpaalam na rin agad ito sa kanya. Kaya heto at mag-isa niyang iniinom ang sabaw ng buko na binuksan ni Peter kanina. Nagpapaaraw siya sa garden ng malawak na resthouse ni Tim habang nagbabasa ng bagong volume ng nobela. Nakakadagdag sa mood ng pagbabasa ang preskong hangin sa hardin pati na rin ang sariwang sabaw ng buko na sinisipsip niya mula sa straw.
Ganon na naman ang naging takbo ng araw niya ng biglang may dumating na hindi inaasahan na bisita.
"You?!." nakakarinding sigaw sa kanya ng babaeng napagbuksan niya ng pinto.
Abala siya non sa pagsusukat ng mga bagong padalang maternity dress ni Tim ng marinig nga niya ang sunod-sunod na doorbell ng bahay.
"Ma'am Tori?." gulat din na saad niya rito. Hindi niya inaasahan na ito pala ang aabutan niya sa labas ng bahay.
"What the hell are you doing here?!." nanlalaki ang mga butas ng ilong ng babae sa galit. Napaatras tuloy siya sa likod ng pintuan, natatakot kase sa maari nitong gawin lalo na at mukhang galit ito.
"Po?.. eh.. Ano." hindi naman niya malaman kung paano ipapaliwanag sa babae ang nangyayari. Hindi naman niya kayang sabihin na tinatago siya rito ni Tim dahil buntis siya. Alam naman kase niya kung gaano kagusto ng babae si Tim at hindi niya alam kung ano ang kaya nitong gawin kapag nalaman nito iyon.
"D-don't tell me you were the woman that Timothy keeps hiding from me?! Ano ka ba talaga niya?!." dinuro duro na siya nito.
"Po? amh.. ako po yung inatasan niyang mangalaga ng resthouse." pagsisinungaling niya.
"No you are not! Si Manang Beth and her family ang caretaker dito! Don't you think ganon ako kadaling lokohin?! I know everything about Thy!." mas lalo siyang nagulat ng nagawa siya nitong sampalin at mariin na hinaklit ang braso niya palabas ng bahay.
"Come with me! Tuturuan ko ng leksyon ang katulad mong malandi at ilusyonada!." kahit anong gawin niyang pagmamakaawa rito na bitawan ang braso niya ay hindi ito nakikinig sa halip pa ay binibigyan pa siya nito ng panibagong sampal para manahimik siya.
Hindi naman niya ito magawang suwayin lalo na at malapit ito kay Timothy. Kaya hanggat maari ay pinipilit na lang niya ang sariling sundin ito.
Heto nga at sapilitin siya nitong pinapasok sa kotse nito.
"Miss Tori saan niyo po ako dadalhin?." kinakabahang tanong niya rito.
"Shut up! You don't have the right to ask me!." galit nitong bulyaw sa kanya habang kinakabit nito ang seatbelt at minaneho na ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Fiksi UmumSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...