25

1K 31 11
                                    


"2018...san na ba yun?." kausap ni Carmela sa sarili habang tinitignan ang pangalan ng mga folder na nakasalansan sa mga shelves ng storage room. May pinapahanap kaseng dating document si Timothy sa kanya.

Pareho silang nakabalik na ng trabaho noong nakaraang araw. Balik na rin siya sa pagiging janitress dahil bumalik na rin si Timothy sa trabaho, dito na uli niya sisingilin ang stamp nito.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng mahanap ang folder na pinapahanap. Wala siyang sinayang na oras at lumabas na ng kwarto at kinandado ulit iyon.

"Carmela!."

"Ayy!." tili niya sa gulat ng biglang may tumawag sa kanya mula sa kung saan.

Nilingon niya ang hallway at doon niya nakita si Israel na patakbo sa kinaroroonan niya. Nginitian naman niya ito at kinawayan. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita nito matapos niyang magcelebrate ng kaarawan niya.

"Hel--...ayy Israel!." nabitin ang pagbati niya rito ng basta basta lang siya nitong yakapin. Walang pasabi. Napakahigpit na para siya nitong pinipiga.

Napangiti na lang siya at tinapik tapik ito sa likod. Mukhang namiss siya ng binata.

Matapos ang ilang sandali ay pinakawalan din siya nito. Nasa mukha nito ang labis na tuwa.

"Where have you been? Araw-araw akong pumupunta dito pero lagi ka namang wala."

Nakagat niya ang labi.
"Err.. nasa bahay kase ako ni Sir Timothy, doon ako nagtrabaho ng ilang araw."

Agad nagsalubong ang mga kilay nito.
"Why? Of all places, bakit doon pa? May ginawa ba siyang masama sayo? Pinahirapan ka ba niya ng sobra?." tinignan pa nito ang buo niyang kabuoan para inspeksyonin kung may galos ba siya o kung ano.

Natawa naman siya sa reaksyon nito.
"Naku hindi! Ayos naman ang trabaho ko sa kanya. Katulong niya ako sa bahay. Masungit pa rin naman siya pero hindi niya ako sinasaktan."

Matagal siya nitong tinitigan na parang inaalam kung totoo ba talaga ang mga sinabi niya.

Tinapik niya ito sa braso.
"Ano ka ba! Walang nangyaring masama sa akin. Sobra ka namang mag-alala."

Napatingin siya sa bitbit nito.
"Pagkain ba yang dala mo?."

Tinaas naman ni Israel ang supot.
"Yeah. I brought carbonara. Meryenda muna tayo."

Ngumiwi naman siya sa narinig. Iniimagine niya palang ang pagkaing iyon ay pakiramdam niya ay masusuka siya. Sa katunayan niyan ay paborito niya ang lutong carbonara pero ewan niya ba at ganito ang reaksyon niya, parang umay na umay na agad siya kahit di niya pa natitikman. Pero nakakahiya naman kung tatanggihan niya ang dala nito. Ito na nga lang ang nag-abalang dalhan siya, aarte pa ba siya.

"So, this is the reason you took so long to hand me the document." nanlaki ang mata niya ng marinig ang malamig na boses mula sa likod niya.

Taranta siyang humarap sa madilim na anyo ni Timothy. Sa itsura nito ay ano mang oras ay para itong sasabog sa inis at galit. Mukhang napikon na ng husto ang lalaki dahil sa tagal ng paghihintay nito sa kanya.

"Pasensya na po Sir." yuko niya rito habang yakap yakap niya ang folder na pinapahanap nito.

"Go back to the office!." napaigtad siya sa sigaw nito.

Tumango siya at lalakad na sana paalis ng pigilan siya sa kamay ni Israel.

Nagtatakang nilingon niya ito pero deretsong nakatingin lang ito kay Timothy na matapang pa rin ang tingin.

"This is how you treat your employees? Its break time pero pinagtatrabaho mo pa rin." pinanlakihan niya ng mata si Israel para tumigil na ito pero hindi yon umubra. Tila hindi siya nito nakikita, parang wala lang siya sa pagitan ng mga ito.

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon