TW: attempted r@peMasakit man ang katawan dahil sa nangyari noong nakaraang araw maaga pa rin siyang gumising para maglinis. Mahirap ng dagdagan niya pa ang init ng ulo sa kanya ni Timothy.
Akala niya kahapon ay mapapagaan niya ang galit nito sa kanya dahil sa pagtulong niya kahapon ay nagkakamali siya. Kung pagtulong man o pangengealam ang ginawa niya sa paningin ni Timothy ay sigurado siyang ang huli ang pagkakaunawa nito.
Buo naman sa puso niya ang tumulong kahapon. Kung meron siyang kayang ipagmalaki sa sarili ay maalam siya sa pagbabake. Bata pa lang kase siya ay mahilig na siya rito. Bata palang siya ay tumutulong na siya sa maliit na bakery ng tita niya sa probinsya. Mahilig din siyang magexperimento sa bakery nito kaya naman madalas siyang pingutin nito sa tenga.
Masungit na talaga mula pa noon ang tita niya sa kanya, ang tito niya ang mabait sa kanya dahil kapatid ito ng yumao niyang ina. Ito rin ang gumastos at nagpapunta sa kanya sa Maynila para makipagsapalaran. Hindi niya pa pala nakakamusta ito. Ang huli niya kaseng tawag ay dinala sa hospital ang tito niya dahil sa diabetes nito. Nakakahiyang wala siyang napadalang tulong sa mga ito.
Busy siya sa paglilinis ng 36th floor ng biglang tumunog ang elevator senyales na may tao.
"Good morning ma'am." bati niya sa magandang babaeng galing sa elevator. Sumasama sa hangin ang matamis na pabango nito.
"Where's your boss?." tanong nito sa kanya.
"Lumabas lang po saglit kasama yung secretary niya." paliwanag naman niya rito. Nahihiya siyang makipag-eye contact dito dahil nakakaintimidate ang ganda nito.
"Dalhan mo ako ng kape sa office ng boss mo." inabutan siya ng isang libo nito at tuloy tuloy na ito sa loob ng office.
Ilang minuto lang ay hinatid na niya ang kapeng pinabibili ng babae sa office. Naabutan niya itong nakasandal ng tayo sa mesa hawak hawak ang picture frame na may litrato ni Timothy kasama ang girlfriend nito. May kakaibang ngiti ito sa labi habang hinahaplos nito ang litrato pero laking gulat niya ng tinapon nito ang frame sa trash bin ng opisina.
"Ma'am yung frame po!." nagaalalang sabi niya rito pero inirapan lang siya nito.
"Hindi na siya kailangan, patay naman na siya. Now that my naive sister is gone I can have my Timothy back for good." nakangiti nitong sabi sa kanya.
Kinilabutan naman siya sa sinabi nito lalo na at kapatid pa pala nito ang girlfriend ng boss niya.
"Ma'am mananagot po ako kay sir Timothy kapag nasira ang frame. Pakiusap pakibalik na lang po sa lamesa." hiling niya rito pero pinagtaasan lang siya nito ng kilay.
"So you're asking me to put my hand in the trash bin? Gross! Kung gusto mo ikaw na kumuha." arte nito sa kanya.
"Put my coffee there. And you can have the change." nakalimutan niyang hawak pa pala niya ang kape nito. Hindi siya nakinig sa sinabi nito dahil sinama niyang inilapag sa lamesa ang sukli nito.
"You'll gonna need that." nguso nito sa sukli. "Besides you're poor." at tinignan pa talaga nito ang kabuoan niya na may halong pandidiri. Oo nga pala isa lang siyang hamak na tigalinis ng opisina. Madumi sa paningin ng iba.
Tinimpi naman niya ang sarili sa sinabi nito. Nagsabi lang naman ito ng totoo eh.
"Aalis na po ako." lumakad na siya palapit ng pinto ng sumaktong bumukas iyon at niluwa si Timothy at ang secretary nitong lalaki.
"G-good morning po sir." yuko niya rito bago tumuloy sa paglalakad.
"Stay here. May ipapagawa ako sayo." tuloy tuloy lang ito sa paglakad.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Ficción GeneralSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...