"Andyan na naman yung pogi mong stalker." kinikilig na bulong sa kanya ni Aileen habang pareho silang nakapwesto sa counter.
"Pwede ba." irap naman niya sa kasama bago hinarap ang kinaroroonan ng lalaking kakapasok lang ng shop matapos ipark ang nangingintab sa linis nitong kotse.
Tulad ng dati pinagtitinginan na naman ng customers nila ang lalaking kakapasok lang. Hindi lang ang mga mata nito ang nanlalaki kundi pati ilong ng mga customers dahil sa paglanghap sa mabangong lalaki. Preskong presko ba naman ito halatang bagong ligo pero nakasinop agad ang buhok nito. Ang aliwalas ng mukha habang nakatingin at nakangiti sa kinaroronan niya. Napa-tsk na lang siya dahil aminado siya ito na ata ang pinakagwapong stalker.
"Hi! Good morning ladies." bati nito sa kanilang dalawa ni Aileen pero sa kanya lang naman nakatingin.
"Good morning too sir." bati naman pabalik ng kasama habang nangingiti sa kanilang dalawa. At ang bruha umalis pa sa tabi niya at tinulak siya sa counter para makatapat ang lalaki.
"Kunin mo na order ni sir." bulong sa kanya ni Aileen.
"What's your order sir?." she tried to sound natural kahit na naiirita siya.
"One espresso to go." ngiti sa kanya ng binata sabay abot ng card sa kanya.
"Is today okay to--."
"Here's your card sir." nginitian niya ito ng mabilis sabay abot dito ang card nito.
Sa araw araw na pagpunta rito ng lalaki ay alam na agad niya ang itatanong nito--kung pwede daw ba silang mag-usap. Minsan naman 'Can we talk later?' o 'Is today okay to talk?' iba iba man ang lengwahe na gamitin nito eh iisa lang naman ang meaning. At syempre isa lang din ang sagot niya isang malaking 'hindi', minsan kapag tinopak siya inienglish lang niya ng 'no' o kaya naman dededmahin niya lang ito tulad ngayon.
"Your espresso, sir." inabot na niya ang order nito na ginawa ni Aileen.
Tumikhim ang binata sabay lapag ng hawak nitong paper bag na alam na niya ang laman.
"Your lunch." he smiled. "Hope you enjoy it." ito lang at umalis na ito dala ang take out nitong kape.
Siniko siya ni Aileen. "Uy bongga! Ano na naman kaya ang hinanda ni oppa." ngiting ngiti si Aileen na sinisilip ang laman ng paper bag.
"Sayo na yan." sabi niya rito.
Nangingintab naman ang mga mata nito sa narinig. "Salamat. At saka never mo pa naman tong natikman dba. Binabalato mo lagi sakin."
Natawa naman siya. "Eh lagi mo naman hinihingi eh."
Totoo naman ang sinabi nito araw-araw siyang dinadalhan ng binata ng lunch niya. Hindi lang simpleng lunch na binibili, homemade ito at parang bento box ang dating. Kaya naman wiling wiling kainin ni Aileen ang mga dala nito.
Noong unang dala nito ng lunch ay tinapon lang nila. Aba malay naman nila kung may halo, nagiingat lang din sila. Pero wala naman silang nakikitang namamatay na daga na siyang minsan nilang nahuling kumakain sa basurahan. Kaya naman si Aileen na nanghihinayang noon ay tinikaman ang dala nito at wala naman nangyari dito. Kaya ito na lagi ang kumakain sa mga dala nito. Magiisang buwan na ata ang binata sa pagpapadala sa kanya pero hindi pa niya natitikman ni isa.
"Tikman mo rin kaya. Ang sarap ng pagkain eh tapos ang ganda pa ng presentation." sulsol nito sa kanya. "Tsaka imagine, mukhang di biro ayos ni oppa. Malamang nagtatrabaho yun sa office tapos nagagawan ka pa ng ganito kaganda at kasarap na lunch. Aba mars ang ganda mo naman!." tawa nito.
"Baka may halong gayuma yan huh tignan mo crush mo na ata siya eh." asar niya dito.
"Gaga hindi no! Sayo siya akin pagkain niya. Tsaka gaga! May jowa ako." irap nito sa kanya.
Naputol lang ang daldalan nila ng may dumating na customer.
..
"Good morning! Espresso and a bagel please." hinihingal pang sabi ng binata kinabukasan. Tumakbo kase ito papasok ng cafe dahil umagang umaga palang ay malakas na ang ulan.
"Saan ka ba nagtatrabaho? Wala bang cafe sa inyo?." hindi na niya napigilang tanungin ito.
Lumaki naman ang ngiti ng binata dahil sa pagtatanong niya. Maliban kase sa pagtanggi dito ay ito palang ang unang tanong niya rito.
"1 hour drive from here. And no, actually I own a hotel may cafe kami doon." sagot nito.
Napatsk siya. "Yabang." bulong niya. "May cafe ka naman pala eh. Sayong sayo pa pala. Bakit di ka na lang doon?."
"Sinasadya talaga kita dito." sagot nito. There was an eagerness on his voice. Halatang nasabik dahil ito ang unang normal nilang paguusap.
"Ahm.. How was the lunch that I bought you yesterday?." tanong nito. Nasa mukha nito ang pagaasam ng magandang feedback mula sa kanya.
Napangisi siya sa kapilyahang naisip. "Di masarap eh. Matabang. Lasang bawang din, nasobrahan mo siguro." sagot niya.
Napakunot naman ang noo ng binata parang may iniisip. "I didn't put garlic on the salmon yesterday." sabi naman nito.
Muntikan na niyang batukan ang sarili. Ano naman alam niyang lasa non eh hindi niya nga tinikman.
"Ah basta." sagot na lang niya.
"I'll take note of that. Sorry." apologetic na sagot ng binata.
"Espresso and bagel niyo sir." biglang abot ni Aileen ng take out sa harap nila. "Ang sarap ng salmon niyo sir." nagthumbs up pa ang babae bago umalis sa harap nilang dalawa.
Nakagat niya ang labi sa ginawa ng babae.
"I thought the salmon is bla--."
"Card niyo sir." she cut him off.
Dinukot naman agad ng binata ang pitaka nito at kinuha ang card nito at inabot sa kanya. Binalik din agad niya ang card pagkatapos itong ni swiped.
"Good day sir." hindi naman halatang pinapalayas na niya ang binata.
"Here, your lunch. I wanna hear your feedback about that." he smiled before placing the paper bag on top of the counter.
Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makaalis ang sasakyan nito.
"May lunch ka naman kase nagtatyaga ka dyan sa itlog mo." may laman pang pagkain ang bunganga ni Aileen ng sabihin yon. Hayun nga at nilalantakan na nito ang dalang lunch ni Timothy.
Napasilip naman siya sa dala nitong lunch. Ang ganda at mukhang masarap na naman ang ulam na luto nito. May sliced fruits pa at isang bar ng chocolates sa isa pang compartment ng tupperware.
"Tikman mo kase ng magkaalaman." inusog sa kanya ni Aileen ang lunch box at sinenyasan na sumandok doon.
Naglalaban pa ang isip niya ngunit sa huli ay sumandok nga siya at tinikman ang pagkain.
"Oh ano? Masarap ba?." tanong agad ni Aileen na parang ito ang nagluto.
"Sakto lang." komento naman niya. Hindi niya pwedeng aminin dito na nasarapan nga siya. Ayaw naman niyang kainin ang mga sinabi niya.
"Sus! Nasarapan ka lang eh. Sayo na yan akin na tong iyo. Ubusin mo yan ah." ayun na nga at di na binalik sa kanya ang baon niya.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Ficção GeralSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...