"What's with the gift?." kunot noong tanong ni Timothy ng mapansin ang hugis kahon na balot ng happy birthday gift wrap.
"This?." tinaas naman ni Edward ang hawak na regalo.
"It's for Carmela, 24th birthday niya ngayon. Ise-celebrate namin sa apartment niya mamayang 8 ng gabi."
"Birthday?." tanong niya.
"Yeah. Why? Aren't you invited?."
Nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi nito.
"Eh ano naman kung hindi ako invited?!.""Dude, its only a matter of 'yes or no' masyado ka namang defensive." tudyo nito sa kanya.
"How about you? Kelan naman kayo naging close at na-invite ka pa?." masungit na tanong niya rito para mapagtakpan ang pagkapahiya.
"Well, close naman kami ni Carmela. Sa akin nga yon nagsusumbong kapag sinusungitan mo."
Nanlaki naman ang mata niya. "She did?! Ano naman ang sinasabi niya?"
Humagalpak naman ng tawa ang kaibigan.
"Biro lang. Ang bilis mo namang kumagat." tawa ito ng tawa kaya naman hindi niya napigipang damputin ang takip ng ballpen niya at binato ito sa kaibigan."Dude, kung naging mabait ka sana kay Carmela malamang invited ka. Kung hindi mo sana siya kinukulong na magtrabaho dito tuwing alas-tres para lang hindi magkita ang dalawa--."
"W-wha-at?! W-why would I.. do that?!" napainom siya ng kape na nakapatong sa mesa niya. Hindi niya pinakita kay Edward na napaso siya sa biglaang paghigop.
Nagkibit balikat ang kaibigan, hindi naniniwala sa kanya.
"Dude you're obvious, pinapalayas mo ako bago mag-alas tres ng hapon tapos pinapatawag mo si Carmela dito para pagawin siya ng kung ano. Style mo ulvl!"Hinagisan niya ito ng ballpen.
"Sumosobra ka na! Kung ano ano yang sinasabi mo!" inikot niya ang swivel chair niya para talikuran ito."Alright. Hindi ko na ipipilit yung teorya ko. Tutal naman ay magpropose na si Israel kay Carmela mamaya, kinuntsaba na kami kanina para sa plano niya."
Lihim na napangisi si Edward ng mabilis na hinarap ng kaibigan ang upuan at hindi makapaniwalang tinignan siya. Tulad ng dati ay mabilis itong kumagat sa gawa gawa niyang istorya.
"What?!."
"Ang sabi ko Sir, magpropropose na mamaya si Israel."
"Hindi pa naman sila ah?."
Nagtaas naman ng kilay si Edward.
"Oh, akala ko ba wala kang pake kung sila na?."Tinignan siya nito ng masama.
"Nevermind. Go on! Enjoy yourself later.""Really? Ayaw mo talagang sumama? Pwede ko namang kausapin--."
"F*cking get lost!." pasigaw na taboy niya sa kaibigan na tinawanan lang siya.
"You know, pwede ka namang mag-gate crash eh." tudyo niya pa rito.
"D*mn you Edward!."kumaripas na siya paalis ng makitang babatuhin siya nito ng baso.
Nanakit ang sentido niya sa pang-aasar ni Edward kanina. Pilit din na nagpeplay sa isip niya ang sinabi nitong magpropopose si Israel kay Carmela.
"THE F*CK!." inis na ginulo niya ang buhok. Sinampal din sa kanya ni Edward na mag-isa lang siya ngayon at hindi siya inimbita.
Parang batang nagmamaktol ang damdamin niya.
"Kapag ako ang nag-birthday di ko rin kayo iimbitahin!." paano ay next month na rin ay kaarawan na rin niya.Pagpatak ng alas-otso ay nagligpit na siya ng gamit niya. Na-late na siyang tapusin ang trabaho niya dahil wala sa pokus ang isip niya.
Naglalakad siya sa parking lot ng mapansin niya ang nakadisplay na rabbit stuffed toy sa isang store. Nang makitang nagsasara na ang store ay kusang gumalaw ang nga paa niya at agad na tumawid sa kalsada kahit muntik muntikan na siyang mahagip ng mga sasakyan.
"Miss." kumatok siya sa nakasarang sliding door ng store.
Agad naman siyang ponagbuksan ng babae.
"Sir, close na po kami. Balik na lang po kayo bukas."Isasara na sana ng babae ang pinto pero maagap niya iyong pinigilan.
"I really need that rabbit stuffed toy." turo niya don sa nakadisplay.
"Bukas na po sir. Nakalock na po yung kaha namin eh."
"I really need to buy that for my kid or else my wife will throw me out of the house." sabi naman niya.
"Sir--."
"I'll triple the price." inabot niya sa babae ang anim na lilibuhin. Pinapasok na siya ng babae at pinakita pa ang iba-iba pang animal stuffed toy pero yung rabbit pa rin ang kinuha niya.
"Baka gusto niyo rin pong bumili ng name tag niya, customize po." nakangiting sabi ng babae.
Malapit ng mag-alas otso ng makarating siya ng apartment ni Carmela. Kita niya pa ang dalawang kotse na nakapark sa mismong gusali. Malamang ay kay Israel at kay Edward naman ang isa.
Pinark na lang niya ng medyo malayo ang kotse niya. Dala ang stuffed toy ay handa na sana siyang pumasok sa gusali ng ma-realise na wala pa pala siyang nakahandang script. Kung anong sasabihin sa oras na makapasok siya.
Napakamot siya sa buhok niya.
"Tangina! Ano ba tong ginagawa ko." inis na tinapon niya ang stuffed toy sa basang sahig ng harapan ng gusali.Magmamartsa na sana siya paalis ng marinig niya ang halakhakan at tuksuhan sa second floor ng apartment kung saan tumitira si Carmela tuwing day off nito.
Naalala niya tuloy ang sinabi ni Edward na magpropopose na si Israel kay Carmela. Inis na bumalik siya sa harap ng gusali pero inis na napakamot ulit sa ulo.
"Eh ano ngayon!." para na siyang sira na pabalik balik sa kotse niya at sa harap ng gusali hanggang sa mahagip ng mata niya ang malaking puno ng mangga na nakatayo mismo sa harap ng gusali. Napangisi siya ng makitang malapit ang mga sanga non sa mismong unit ni Carmela.
Wala siyang sinayang na oras, agad inalis ang sapatos at medyas niya saka inumpisahan na akyatin ang malaking puno.
Ingat na ingat siya sa bawat hakbang niya habang tumatawid na siya sa sanga na malapit sa unit ni Carmela.Tagumpay na nakakasilip siya sa nangyayari sa loob ng sala. Andoon nga si Edward, si Israel pati na rin ang apat na kasama ni Carmela sa maintenance. Napanood niya pa kung paano kantahan ang dalaga ng happy birthday at pagblow nito ng cake. May spaghetti, shanghai at barbecue sa mesa at may beer din. Panigurado siyang sponsored ito ng pabibo nitong manliligaw.
Natiim niya ang bagang sa inis. Lalo na ng makitang halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa, dikit na dikit ang mga ito habang nagkwekwentuhan. Ito naman si Carmela ay tuwang tuwa naman sa pinagsasabi ng binata.
Muntikan na siyang pumitas ng mangga at ibato sa manliligaw nito pero napigilan niya ang sarili. Wala naman kase siyang karapatan na gawin iyon.
Pero lalong kumulo ang dugo niya ng makitang hawakan ng binata ang kamay ni Carmela at may kung anong sinabi rito ng seryoso, pati ang mga bisita nito ay nagcheer sa dalawa. Hindi naman niya marinig ang sinabi ng lalaki kaya lumapit pa siya ng kaunti.
Pero hindi niya inasahan ang sunod na nangyari. Bumigay lang naman ang sanga na pinagtutungtungan kaya naman nalaglag siya sa puno.
"SH*T! F*CK!... F*CK!." paulit ulit niyang mura habang nakahiga sa malamig na lupa.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...