Trigger warning: su¡cide
Mahinang paghimig lamang ng malungkot na kanta ng dalaga ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto nito sa ospital. Walang sigla ang mga mata nito na nakatunghay sa bukas na bintana. Parang wala sa kamalayan ang dalaga kung titignan. Hindi mawari kung ang kurtina bang nagsasayaw sa hangin sa bintana ang tinitignan nito o ang mga naglalakihang puno sa labas na nagpapahangin sa kwarto nito. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa bintana ngunit walang makikitang reaksyon sa mukha ang dalaga. Sinasalubong lang nito ang malamig na hangin habang ito ay nakaupo sa wheelchair katabi ng bintana.
Nadudurog ang puso ni Manang Rowena sa nakikitang lagay ng dalaga. Mula kase ng magising ito sa operasyon at pagtatalo ng dalawa ay ganito na ang dalaga. Lagpas isang linggo na sila sa ospital dahil madalas ay mabangungot at magwala ang dalaga kapag gabi. Pero kalmado at tahimik naman ito kapag umaga ngunit di niya lang mawari kung ano ang tumatakbo sa isip nito habang madalas itong tulala sa kawalan.
Minsan nakakausap naman niya ito kapag kumakain ito. Ngunit kahit siya ay di makakain ng maayos dahil hindi rin maayos ang pagkain ng alaga niya.
Nilapitan niya ang tahimik na dalaga. "Carmela halika na at mahiga ka na. Malamig na eh." sabi niya rito.
"Gusto ko pa po rito." mahinang sagot naman nito ng hindi siya tinitignan. Tumango na lang siya at inabot sa kama nito ang kumot at pinatong ito sa balikat ng dalaga.
"Ayaw ko na rito. Gusto ko ng umalis." narinig niyang sabi nito habang tutok pa rin ang pansin nito sa tanawin sa labas.
"Sige sasabihin ko kay Sir Timothy. Para makauwi ka na bukas." tugon naman niya rito pero hindi na umimik pa ang dalaga. Pumait ata ang timpla nito pagkarinig sa pangalan ng binata.
"Gusto mo ba ng prutas?." hindi na ito sumagot pa.
Mukhang wala ng gana pang makipagusap ng dalaga kaya naman lumabas na muna siya ng kwarto nito.
At tulad ng dati ay sasalubungin siya ni Sir Timothy niya.
"Kumusta siya?." bungad agad nito ng masara niya ang pinto ng kwarto ng dalaga."Ganon pa rin Sir." sagot naman niya.
Napabuga ng malalim na hininga ang binata. Pagod itong umupo sa upuan na nasa hallway at hinilot ang pagitan ng mga mata nito. Unang tingin mo palang sa lalaki ay halata na ang kakulangan nito sa tulog. Halata sa mga mata nito ang pamimigat at pagod. Alam niyang hindi na rin makatulog ang binata sa kakabantay sa dalaga. Tapos pumapasok pa ito sa trabaho kaya naman doble ang stress nito.
"Sir bilhan ko po ba kayo ng kape?." alok niya rito.
Umiling ang binata. "No. Thank you."
"Si Carmela Sir, nabanggit niya kanina na gusto na niyang umalis dito."
Agad naman nag-angat ng tingin ang lalaki. "Really? She said that?."
"Oo Sir. Sinabi ko sa kanya na sasabihin ko sa inyo para makauwi na siya bukas."
"Anong sagot niya?."
"Hindi na ulit umimik eh."
Lalo namang bumagsak ang mukha nito. Guhit na guhit sa mukha nito ang lungkot. Alam na alam din nito ang pagkamuhi at galit ni Carmela para rito. Kaya naman simula ng magising at magaway ang dalawa ay hindi na tinangka pa ng binata na pumasok sa kwarto ng dalaga. Mas lalo lang kaseng makakasama sa kalagayan ni Carmela kung pipilitin pa nito ang sarili rito. Kaya heto at kontento na lang si Timothy sa paghihintay sa labas ng kwarto nito at pangangamusta sa kanya tungkol sa kalagayan ni Carmela.
"Sige iuuwi na natin siya bukas. But it is better kung kayo ni Amboy ang kasama niya sa kotse pauwi. Sa resthouse na muna natin siya dadalhin. Mas makakapagpahinga siya doon."
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...