42

335 6 0
                                    

Hingal aso si Carmela ng makapasok na siya ng iskenita. Bumaba na rin siya ng bisikleta niya at tinulak na lang ito. Ayaw naman niyang makasagasa ng mga batang naglalaro pa ng mga hapong iyon.

"Ate Carmela!." sigaw agad ng mga bata bago tumakbo palapit sa kanya. Alam na agad niya kung ano ang balak ng nga ito.

Nilabas na niya sa sling bag niya ang mga binalot at inuwi niyang tinapay na rejected at hindi naibenta ngayon.

Hinablot agad ng nga bata ang paper bag na naglalaman ng mga tinapay. Nagaagawan ang mga ito sa pagkuha.

"Uy kalmahan niyo lang. Mahuhulog pa yung tinapay eh." saway niya agad sa mga ito. Pero di na nagabala pa ang mga batang tignan siya at busy pa rin sa pagpili ng tinapay na kukunin.

"Hayy naku! Yang mga batang yan kanina ka pa inaantay." natawa naman siya sa sinabi ni Manang Tilda na nagliligpit na ng mga tinda nitong ulam.

"No pansin na nga sila eh, nakuha na kase yung gusto hmp!." parinig niya sa mga bata.

"Thank you ate Carmela." sabi naman ng mga ito ng makakuha na ng tinapay.

"Halika na dito hija, iuwi mo na to." ngiting ngiti naman siyang lumapit sa tindahan ni Manang Tilda.

Inabot nito sa kanya ang nakasupot na ulam. Nagpasalamat siya rito at tinuloy na ang pagtulak sa bisekleta niya. Doon ay naabutan niya ang grupo ng mga nagiinom. Nakapwesto ang mesa ng mga ito sa tabi ng daan at nakabilog naman ang mga ito sa mesa. Halatang kakapwesto palang ng mga ito doon dahil wala pa sa kalahati ang bote ng gin na nasa mesa ng mga ito.

"Oh shot ka muna Carmela." kantyaw sa kanya ng isa sa mga ito.

"Isa lang huh." sakay naman niya sa mga ito bago abutin ang shot glass ng nga ito at tinungga ang laman non. Nagcheer naman ang mga ito sa kanya. Natatawa na lang siyang nagpaalam sa mga ito baka kapag di niya pa tinakasan ang mga yon ay mapapaupo siya sa inuman. Pero kahit puro inom naman sa gabi ang mga yon ay mabubuti naman itong mga tao. Sa umaga kayod at sa gabi ang tagay.

Tinabi na niya ang bike at umakyat na sa bahay. Pagpasok palang niya ay siya namang paglabas ng kwarto ng isang lalaki. Bagong boyfriend ng isa sa mga kasama niya sa bahay.
Itatanong palang sana niya kung asan si Clark pangalan ng kasama niya sa bahay, ay siya namang labas nito.

"Oh mars, napaaga ka ata ng uwi?." tanong agad sa kanya ni Clark. Ang bakla pawis na pawis pa habang tinatanong siya habang ang boyfriend naman nito ay dumeretso na ng banyo.

Nang makaalis na ang boyfriend nito ay saka naman niya pinanlakihan ng mata si Clark.

"Buti na lang tapos na kayo." irap niya dito bago sumalampak ng upo sa sofa sa maliit na sala.

Ang lakas naman ng tawa ni Clark. Alam na alam kase nito ang mga reklamo niya sa mga dinadala nitong jowa.

Umupo naman ito sa tabi niya at mapangasar siyang nginitian.

"Hayy lumayo ka nga. Ni ayaw kitang maamoy. Maligo ka muna!." irap niya dito habang pilit tinutulak paalis si Clark.

"Arte mo naman mars." tawa nito sa reaksyon niya.

"Pero yung totoo, bat ang aga mo?." biglang tanong nito.

Saka naman niya naalala ang nga kaganapan kanina.
"Ayy mars! May poging humahabol sa akin kanina."

"oh bat di mo inuwi."

"Gaga! Di ko naman kilala yun." irap niya dito. "Pero parang kilalang kilala niya ko. Ayaw ko ngang kausapin yun kaso hinintay ako buong shift ko. Sinabi pa mga niya sa akin na live in daw kami! Ni-headbutt ko nga."

Mangha namang nakatingin sa kanya si Clark. "Wow! Iba na pala modus ng mga pogi ngayon. Nakakatakam."

"Sira!." binatukan niya nga. "Seryoso ako. Ang creepy kaya. Natatakot nga ko baka bumalik pa bukas yon eh. Nagpakilala pa nga eh Timothy daw, di ko lang maalala yung apelyido."

..

"How was your meeting kanina?." tanong ng mom niya na nakaupo sa tapat niya. They were having dinner on his parents house. This is their routine every friday.

"It's good." he happily replied. "I saw Carmela there."

"Say what?." nagsalubong agad ang kilay ng mom niya dahil sa inanunsyo niya. Napatingin din ang dad niyang tahimik lang na kumakain.

"You saw Carmela?." his dad asked.

"Yes."

Her mom sighed. "But that's impossible. She's dead. Wala na siya."

"Nakita ko siya, nahawakan at nakausap. Buhay siya and I'm planning to go back there to talk to her. She seems to have an amnesia. She don't have any recognition of me nong nagkita kami.." he explained.

His mom laugh shortly.
"Quit messing around hijo, let's eat. This is the only day of the week where we dine together. Let's not talk about unnecessary things."

"You don't believe me, do you?." he questioned her.

"Are you still taking your meds?."

"Yes."

"I don't think so. If so you wouldn't be hallucinating." she said with a straight face.

"I saw her. I'm not hallucinating this time. Nahawakan ko pa nga si--."

She scuffs. "How would I believe you? Andaming beses ng ganito and those are just your hallucinations. You're hallucinating because you couldn't let go of her. You wouldn't accept the fact na matagal na siyang wala."

"I'll set you an appointment to your doctor. Maybe she could recommend another meds since it seems na hindi na siya nagwowork sayo."

"F*ck those doctors! F*ck those med! I don't need those!."

"See? You losing your shit again!."

"Timothy." may pagbabantang  tawag ng dad niya sa kanya.

Pero di niya ito pinansin. He's so furious right now.

"I'm not crazy! I don't need counseling or some shit!." sigaw niya sa mom niya.

"Timothy! Calm down young man." babala ng dad niya sa kanya. But he won't budge, papatunayan niyang buhay talaga si Carmela.

"Carmela is alive. At papatunayan ko sa inyo yon." kahit na anong tawag sa kanya ng dad niya ay hindi na siya lumingon. Nagtuloy tuloy siya sa kotse niya at nagdrive na pabalik na penthouse niya.

He searched for his phone and called someone.

"Dude." Edward answered.

"I found her."

"Who?."

"Carmela. I finally found her pare." his voice cracked. He can't believe that he could be this emotional by just stating her name. And the relief that he felt, knowing Carmela is still alive and healthy.

"Hmm. What would you do now?."

"I'll help her. I think she has an amnesia pare. Di niya ako maalala nong nagkita kami."

"That's good."

Nagtaka naman siya sa sagot nito.

"What do you mean?."

"Well, isn't that great na di ka niya naaalala. You promise yourself na hahanapin mo lang siya para makitang buhay at maayos ang kalagayan niya. And ngayon na may amnesia siya hindi na siya mahihirapang mabuhay since all the painful memories are all gone." hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi nito. Parang bigla siyang sinasak sa dibdib sa sinabi nito. Tama naman ang sinabi nito. Sinabi niya nga ang mga iyon pero ngayon na nakita na niyang muli si Carmela kaya niya kayang panindigan ang mga sinabi niya?

"You are not planning on meddling with her life anymore, right?..." di siya nakasagot.

"Dude?..."

He cleared his throat. "Gotta go pare." and he ended the call.

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon