"Happy birthday!." pagtatapos nila ng kanta. Agad naman niyang hinipan ang nakasinding kandila sa cake niya.
"Kainan na!." natawa na lang siya sa sigaw ni Denny. At ayun na nga at nagsasandok na agad ito ng spaghetti.
"Thank you Israel." nakangiti niyang pinasalamatan ang lalaki na katabi niya lang na umiinom ng beer.
"You're always welcome, Angel." binaba nito ang lata ng beer at may dinukot sa bulsa. Isang pahabang kahon.
"Before I give this to you. Promise me that you will be strong and you won't try to take your life again. Remember you have me, right? I am always here for you." nakangiting tumango siya sa binata.
Nagkantyawan naman ang mga bisita niya sa kanilang dalawa ng binata.
"Kiss na yan!." biro ni Chinita na katabi ng kasintahan nitong si Sic.
"I do! Na agad Carmela!." gatong pa ni Denny na may kagat kagat pang bbq sa bibig. Pa simple naman niya itong kinurot sa tagiliran na kinanguso na lang nito.
Nakangisi naman ng nakakaloko si Israel sa mga kantyaw nila sa kanila bago niya buksan ang regalo niya. Kumintab ang silver na bracelet na may desenyong pakpak at may mumunting mga makinang na bato sa paligid nito. Isang sulyap lang dito ay malalaman mong hindi biro ang presyo non.
"Israel--."
"Come on, don't reject my gift." inabot nito ang kamay niya at ito na mismo ang nagkabit sa napakagandang bracelet. Kinabit nito ang bracelet sa pulso niyang may peklat na, sa pulso kung saan niya sinugatan ang sarili.
"See? It looks good on you." ngiti nito sa kanya habang tinitignan ang kamay niyang hawak pa nito.
"Thank you." nasabi na lang niya rito saka inabot ang pisngi nito at pinatakan ng halik.
Nanlaki naman ang mata ng binata at takhang tinignan siya. Pasalamat na lang siya at abala ang iba sa pagkain at hindi napansin ang ginawa niya kundi ay magiingay na naman ang mga ito.
"Salamat. Napakabait mo kase sa akin." ngiti niya rito.
Inabot naman ng binata ang pisngi niya at bahagyang pinisil.
"You're welcome, Angel. Always." sabi nito. "Anong gusto mo? Ipagsasandok na kita." alok nito.
Inabot nito sa kanya ang bbq pero agad niya iyong inilingan, ayaw niya kase ang amoy non. Pakiramdam niya ay babaligtad ang sitmura niya sa amoy ng usok sa pagkain na iyon.
"Oh Sec. Kang saan ka pumunta?." tanong ni Jonah sa bagong pasok na si Sec. Edward Kang. Napatingin din tuloy siya.
Namulsa naman ang binata at may kakaibang ngisi sa labi.
"Bumaba lang ako saglit. Parang may narinig kase akong bumagsak. Pusang naninilip lang pala na nalaglag sa sanga." nagtaka naman ang iba sa sinabi ng binata.
Paanong ang pusa ay makakabali ng sanga?
"Paanong pusa? Baka akyat bahay na yun ah Sec. Kang." biro ni Denny. Nakangiti namang umiling ang binata.
"Don't worry guys, napauwi ko na yung pusa. Masakit lang daw yung likod." sabi pa nito at kumuha na rin ng makakain nito.
..
Pinakatitigan niya ang notebook niya. Dalawang stamp na ang wala sa kanya. Araw-araw naman siyang nagtatrabaho pero para sa kanya ay wala rin iyong kwenta dahil hindi rin naman natatatakan ang petsa ng pagtatrabaho niya. Dalawang araw na kaseng hindi nagpapakita si Timothy o tamang sabihin na hindi talaga ito pumapasok. Tanging si Sec. Kang na lang ang nakikita o nadadatnan niya sa opisina nito.
"Yung stamp ba? Baka papasok na rin si Sir niyan bukas. Baka nagday-off lang." tinapik siya sa balikat ni Denny at dumeretso na ito ng higa sa kwarto nila.
"Sa tingin mo?." lingon niya rito.
"Oo yan. Workaholic yon, di rin magtatagal at papasok na rin iyon." humikab pa ito at nagkumot na.
"Matulog ka na. Kung wala pa rin siya bukas edi tanungin mo na lang si Sec. Kang. O kaya kay Sec. Kang ka na manghingi ng stamp."
Kinabukasan nga ay hindi pa rin nagpakita si Timothy kaya minabuti na niyang tanungin si Sec. Kang na naabutan niya sa opisina nito ng umagang iyon.
"Ah si Timothy ba?." tumango naman siya.
Nagdekwatro naman ang lalaki at hinaplos haplos ang baba na parang may iniisip.
"Tinarangkaso. Namamaga kase yung likod niya, nalaglag daw siya sa hagdan sabi niya."paliwanag nito.
Namilog naman ang mata niya sa sinabi nito.
"Edi nasa hospital po siya?."
Umiling ito. "Timothy hates hospital. Especially the doctors."
Nagtaka naman siya sinabi nito.
"Pero lalala po ang lagay niya kung hindi siya magpapakonsulta.""Hindi mo mapipilit ang lalaking iyon na pumunta sa hospital. Nagsimula ang pagkamuhi niya sa mga doctor ng mamatay ang kapatid niya. Nagiisang kapatid na babae dahil sa maling diagnosis ng doctor. Puro pain reliever lang ang binigay sa kapatid niya pero walang nagbago, lalo lang atang lumala ang lagay nito hanggang sa namatay na nga."
Natahimik siya sa kwento nito. Napakalungkot nga naman kung iisipin. Kung sino pang akala mong makakasagip sa buhay ng minamahal mo ay siya rin ang magpapahamak.
"Hihingi ka ba ng stamp sa kanya?." nginuso nito ang hawak niyang notebook.
"Oo eh. Kaso wala pala siya."
Ngumiti ito. "Bakit hindi mo siya puntahan sa bahay niya. Hingin mo ang stamp niya at para malaman din natin kung buhay pa siya."
Tumawa naman ito ng makita ang gulat sa mukha niya.
"Biro lang! Puntahan mo siya at ibigay sa kanya ang mga papeles na ito,urgent kasi. Ako na sana kaso marami rin akong gagawin dahil wala siya. Pagkatapos non pwede ka ng humingi ng stamp sa kanya."
Kahit may pagaalinlangan ay tinanggap niya ang folder mula sa lalaki.
"Don't worry Carmela, bahag na ang buntot 'non sayo." ngumisi ito ng makahulugan.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Fiction généraleSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...