8

1.1K 30 0
                                    


Tw: suic*de

"Fatigue, anemia and malnutrition. Nakapagpasama pa sa kanya ang pagpapa-ulan kahapon. " bigay impormasyon ni Edward kay Timothy sa kabilang linya. Kakaalis lang din ng doctor na kinausap niya tungkol sa lagay ni Carmela. Mahimbing naman ang tulog ng dalaga sa kwarto nito.

"That's it?."

Nagpantig naman ang tenga ni Edward sa naging reaction ni Timothy.

"Don't 'that's it' me! This is serious, bro!. " hindi mapigilang bulyaw niya rito.

"As if she has cancer. At least she's not dying." parang balewala pang sabi ni Timothy na lalong nagpainis kay Edward.

"Hey! That's too much already!."

Pinagtinginan naman siya ng mga tao sa hallway ng hospital dahil sa pagtataas niya ng boses.

Huminga na lang siya ng malalim at naglakad na lang papunta sa restroom ng hospital at doon tinuloy kausapin si Timothy.

"Ano bang ginawa mo sa kanya? They have found bruises on her inner thighs, her stomach is also swollen plus hickeys around her chest and neck.   Dude hindi ako pinanganak kahapon para hindi mahulaan kung ano ba talaga ang nangyari!." napipikong sabi niya rito.

"Did you r@ped her? Coz that's f*ck up man!." tuloy tuloy na litanya niya sa kaibigan na tahimik lang naman sa kabilang linya.

"Dude, you just step your limits!."

"Tapos ka na?." yun lang ang narinig niya rito.

"Why are you doing this anyway? Kung tungkol na naman ito sa pagkamatay ni Shannon, napatunayan ng walang kasalanan si Carmela sa aksidente. Kaya bakit kailangan mo pa siyang pahirapan. She's just 23 you know! She's innocent."

"F*ck off! Mind your own business! Baka nakakalimutan mong nagtatrabaho ka rin sa akin? And for the record I didn't, okay?."

"Dude I'm also your friend."

Narinig naman niya ang malalim nitong paghinga.

"Just fix her bill and bumalik ka na rito. We need to fix our deal to Mr. Good-for-Nothing Israel Hernandez."

"And all you think is business." ismid niya rito.

"This is important, kailangan natin siyang mapapirma ng kontrata. This is the only chance we get." iyon lang at naputol na ang linya.

Napailing na lang siya. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin sumusuko ang kaibigan sa mga Hernandez kahit na mailap ang mga ito. Ginagawa lang naman ito ng kaibigan dahil sa Ama nito na hindi naniniwala sa kakayahan nito.

Naglakad na siya pabalik sa kwarto ni Carmela. Pero laking gulat niya ng wala na ito sa kwarto.

..

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naglalakad ng nakayapak. Nakapagpalit pa siya ng dati niyang damit sa hospital pero wala naman ang sapin niya sa paa.

Pakiramdam niya ay ano mang oras ay bibigay na ang katawan sa sobrang bigat ng pakiramdam niya. Hanggang ngayon kase ay mataas pa rin ang lagnat niya, isama pa ang pananakit ng buong katawan niya.

Kusang tumulo ang luha niya ng maalala ang gabing iyon. Ang gabing akala niya ay babawian na siya ng katinuan. Ang gabing kahit kailan ay hindi niya inaasahang mangyayari.

Pero ngayong gabi ay matatapos na rin sa wakas ang paghihirap niya.

Tumungtong siya sa taas ng tulay. Buo na ang desisyon niyang mawala sa mundo. Handa na siyang mamatay. Gagawan niya ng pabor si Timothy, siya na ang babawi ng buhay niya. Ito naman ang gustong mangyari ng lalaki, ang mamatay siya...

Mapait siyang napangiti. Iniisip kung sino ang magluluksa sa pagkawala niya gayong wala naman pala siyang kahit na sino.

Napakalungkot mabuhay...

Huminga siya ng malalim para maghanda sa pagtalon niya. Isang talon lang niya ay tiyak na mamatay siya dahil sa naghihintay na mga bato at malalim na tubig sa pagbagsak niya.

Ito na...

Ito na ang huling pagluha niya...

"I wouldn't do that if I were you." napasinghap siya ng may marinig na tinig sa tabi niya.

May katabi lang naman siyang lalaki na nakatayo din mismo sa pader ng tulay.

"Do you even consider your family's feelings?." tanong nito.

Umiling naman siya.
"Wala akong pamilya. Mag-isa lang ako."

"Pareho lang pala tayo."

"W-wala ka ring pamilya?."

"Not really, let's just say na wala silang pakialam sa akin."

"Kaya ka rin ba.. tatalon?." tanong niya sa binata.

"Yes."

"Inisip mo man lang ba ang marararamdaman nila sa gagawin mo?." siya naman ang nagbalik ng tanong nito kanina.

Nagkibit naman ng balikat ang lalaki.
"Nope. I'm sure that they'll be more than happy if I'm gone."

"Hindi! H-huwag kang tumulad sa akin. W-wag kang tatalon." hinawakan niya ito sa braso. "May pamilya ka. Marami ka pang pagkakataon na pagsikapan at patunayan na mali ang akala nila sayo."

Ngumisi ang lalaki.
"No. My decision is final." tinanggal nito ang mga kamay niyang nakahawak dito at tinanggal nito ang sapatos nito at tinapon sa tulay.

Rinig pa nila ang tunog ng impact nito sa tubig. Bigla siyang kinilabutan ng maisip na susunod na sila sa sapatos na iyon.

Nang magtangkang tumalon ang lalaki ay mabilis niya itong niyakap sa bewang.

"Pakiusap wag!." pakiusap niya rito. "Isipin mo na lang ang mga babaeng iiyak sa paglisan mo!." hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga sinabi niya ngunit wala na siyang naiisip pang sabihin para huminto na ito.

"Now that you have mention that, I might consider." tila nagisip naman ito.

"Oh diba? Uh Gwapo ka.. at mukhang mayaman. Marami kapang pwedeng gawin, marami pang pwedeng magandang mangyari sa buhay mo." patuloy pa rin ang pang-uuto niya rito.

Pero kung tutuusin ang totoo naman ang mga sinabi niya rito. Gwapo ito kahit na mahaba ang buhok nito pati na rin ang pananamit at dating nito ay mukhang mayaman.

"Talaga?." tumango naman siya.

"Oo. Kaya naman huwag ka ng gumaya sa akin. Mag-isa lang ako, walang malulungkot sa pagkawala ko. At ito na lang ang paraan para maging masaya ako." ngumiti siya ng malungkot.

Napatingin siya dito ng inabot nito ang kamay niya at pinakatitigan.

"Don't worry, you have me now." ngumiti ito sa kanya. Lalo tuloy itong gumwapo.

Tumalon ito pababa sa kalsada at inabot sa kanya ang mga kamay nito para tulungan siyang bumaba.

"Sino ka?." tila wala sa sariling tanong niya rito.

"I'm Israel Hernandez. I can be your reason for living." hindi man niya lubos na kilala ang binata ay magaan ang loob niyang inabot ang kamay nito para makababa.

Sinalo siya nito kaya napayakap siya rito.

Mahigpit naman na niyakap ng binata ang dalaga. Hindi niya alam pero may kung ano siyang naramdaman na kailangan niya itong protektahan.

Bumigat ang dalaga sa hawak niya. Iyon pala ay nawalan na ito ng malay, hindi pala kung ano lang ang init nito dahil inaapoy pala ito ng lagnat.

Binuhat niya ang dalaga papasok sa nakahimpil niyang sasakyan. Sa katunayan niyan ay kanina pa niya sinusundan ang dalaga pero hindi niya alam na ito pala ang gagawin ng dalaga. Mabigat nga talaga siguro ang pasan ng dalaga kaya pinagtangkaan nito ang sariling buhay.

..

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon