Tulala ang dalaga sa kawalan. Nakabaluktot sa pagkakaupo sa kanyang kama. Kung ano man ang naglalaro sa isip niya ay walang nakakaalam.
Pinaparaan ang daliri sa may bendang sugat. Ang hapdi at pagkirot na lamang nito ang nagpapatunay na buhay siya, na may pakiramdam pa rin siya.
Pinikit niya ng mariin ang mga mata at doon tuluyang tumulo ang luhang kanina pa namamahay sa kanyang mata.
"Kailangan mo ng kumain Carmela." umiling lamang siya sa paanyaya ni Edward.
"Iwan mo na ako. Hindi mo kailangang obligahin ang sarili mo sa akin." alam naman niyang inutusan na naman ito ni Timothy para bantayan siya. Gusto niyang maawa sa lalaki dahil inaaksaya lamang nito ang oras sa kanya. Imbes na pagsesecretary lang ang trabaho nito ay naging nurse niya pa.
"Mas makakabuti sayo ang kumain para makainom ka na ng gamot. Para maging malakas ka ulit."
Natawa siya sa sinabi nito. Hindi siya naggabalang lingunin ito sa likod niya. Binaling na lang niya ang tingin sa bintana ng kwarto niya. Palubog na pala ang araw sa labas.
"Malakas? Para kayanin ulit ang pagpapahirap sa akin ni Timothy? Ayoko na. Matagal na akong walang laban sa kanya. Sawang sawa na ako." singhot niya.
"Sawang sawa na akong mabuhay para lang pagbuntungan ng galit ng isang tao. Gustong gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay. Pero sa tuwing sinusubukan ko ay pilit pa rin akong hinahabol ng kahapon. Ayoko na ng ganito. Mas makakabuti sa akin ang mawala na." Sakal na sakal na siya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.
"Huwag kang magsabi ng ganyan."
"Madali lang sabihin yan dahil hindi kayo ang nasa posisyon ko. Hindi kayo ang nakakaranas ng pananakit at pananakot. Wala naman problema kung ako lang, pero ang idamay ang mga taong nagkupkop sa akin--ayoko. Ayoko silang madamay." mapait niyang sabi.
"Iwan mo na lang ang pagkain. Pakiusap gusto kong mapag-isa." mahinang sabi niya rito.
"Hindi pwede. Paano kung--."
"Kung? Magpakamatay ulit ako?." bumuntong hininga siya. "Huwag kang mag-alala, gagawa at gagawa ng paraan si Timothy para mabuhay ako." dahil hindi siya nito hahayaang mamatay. Dahil hindi pa ito tapos maghiganti sa kanya.
Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang paglabas nito sa kwarto niya.
Umayos siya ng upo sa kama para makahiga na ulit. Napansin niya ang iniwang pagkain ni Edward. Umuusok pa ang sabaw ng nilagang karne. Pero kahit anong sarap tignan at amoy nito ay hindi pa rin siya ginaganahang kumain.
"Oh you're finally here." sarcastic na komento ni Edward ng makitang nasa labas pala ng kwarto ni Carmela si Timothy.
"H-how is..." tila kay pait ng salita kaya hirap siyang buoin ang sasabihin.
Nagtaas ng kilay ang kaibigan.
"Ow? How is Carmela?." tanong nito.Tumango naman si Timothy. Hindi makatingin sa kaibigan.
"You finally care, huh?. Well to fill your curiosity, wala pa rin siyang improvement. Magtatatlong araw na siyang hindi tumatanggap ng pagkain. She don't have an appetite to eat anything." pagbibigay impormasyon ng kaibigan.
Pinanood naman ni Edward ang pagbabago ng reaksyon ni Timothy. Ang kaninang pag-aalala at pagaalinlangan sa mukha nito ay napalitan ng pagkasuya at pagkairita.
"Ano na naman bang inaarte niya?!."
Nagsalubong naman ang kilay ni Edward sa narinig.
"Hindi siya nag iinarte. She's broken."seryosong sabi niya."So she finally deceived you, huh." ngisi nito ng mapangasar.
Naalerto naman si Edward ng maglakad ito palapit ng pinto ng kwarto ni Carmela.
"What are you doing?."
"I'm going to put some sense into her head." maagap niya itong pinigilan bago pa nito pihitin pabukas ang pinto.
"Don't. Let her rest and breathe. Mas magandang dalhin mo rito ang mga kaibigan niya para may makausap siya."
..
"Carmela!." bago pa siya makabangon para tignan ang bagong dating ay mainit na yakap agad ang sumalubong sa kanya.
"Pinag-alala mo kami! Bakit mo naman ginawa iyon." mangiyak ngiyak si Denny habang mahigpit siya nitong yakap.
Sa likod naman nito ay nakatayo si Jonah na may malungkot na ngiti sa labi.
Nang pakawalan siya ni Denny sa yakap ay agad nitong tinignan ang pulso niya.
"Ano ba tong ginawa mo sa sarili mo."
Ngumiti siya rito.
"Gusto ko na lang matapos ang lahat.""Pakainin ka raw namin sabi ni Sec. Kang, dalawang araw ka na daw na hindi kumakain." sabi ni Jonah at binuksan ang take out na dala.
"Tulungan niyo ako." napatingin naman ang dalawa sa kanya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Denny. "Tulungan niyo akong tumakas. Gusto ko ng umalis dito. Pakiusap." sunod sunod ang pagluha niya. Umaasang tutulong ang mga ito sa kanya.
"Gusto kitang tulungan. Pero Carmela may mga bantay kase sa labas ng kwarto mo." malungkot na pahayag ni Denny. Nabitawan niya ang kamay nito. Bagsak ang balikat sa sobrang panlulumo.
"Ayoko na rito. Pakiusap! Pakiramdam ko ay mababaliw na ako." awang awa naman ang dalawa sa nakikita.
Ilang araw palang ang lumipas matapos nitong pagtangkaan ang sarili ay sobra na ang binagsak ng katawan nito. Nanlalalim at namamaga ang mga mata nito at bakas sa mga mata ang takot.
"Kumain ka na muna Carmela." inabot sa kanya ni Denny ang pagkain pero tinabig niya lang ito kaya natapon sa sahig.
"Kung hindi rin ako makakaalis dito, mas magandang mamatay na lang din ako sa gutom!." sigaw niya sa mga ito at nahiga na lang ulit sa kama. Nakatalikod sa mga ito at nakatalukbong ng kumot.
Walang siyang narinig na ano mang salita mula sa mga ito. Sunod na lang niyang narinig ay ang pag-alis ng mga ito.
"Stubborn , huh." narinig niya ang boses ng taong pinakahuling gusto niyang marinig.
Agad siyang napabangon sa pagkakahiga.
"PATAYIN MO NA LANG AKO! PATAYIN MO NA LANG AKO!." sigaw niya rito habang nagmamalabis ang mga luha sa kanyang mga mata.Hindi na niya makita ng maayos ang mukha nito. Kung nasisiyahan man ito sa kalagayan niya ay wala na siyang pakialam.
"I have a proposal to you Miss Sarmiento." umpisa nito. "Kailangan mong magtrabaho sa akin ng six months para mabayaran ang pinang-piyansa ko sayo noon. And after six month, I'll let you go. You are finally free and we'll never see each other again."
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...