"Bili na po kayo ng prutas! Matatamis po ito!. Pwede pong free taste." sigaw niya sa mga mamimiling dumadaan sa pwesto ng tindahan niya sa talipapa. Ginamit niya ang natitira niyang pera pampuhunan sa mga prutas na benebenta niya ngayon at ang natira naman ay ibinayad niya sa renta ng bagong apartment na nahanap niya. Sa totoo lang ay nahirapan siyang maghanap ng apartment. Paano ay kapag sinasabi niya ang pangalan niya ay mabilis pa sa alas kwarto kung tanggihan siya ng nga landlord. Wala na sigurong tatanggap pa sa kanya dahil may nakakabit ng kriminal sa pangalan niya. Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa Diyos at di siya nito pinabayaan na matulog siya sa lansangan.
"Magkano ba ang kilo dito sa ubas mo?." tanong ng babaeng tumitingin sa mga prutas niya.
"50 po." sagot naman niya.
"Ang mahal naman." reklamo naman ng babae.
"Naku matamis po iyan. Pitas po kayo ng isa para matikman niyo po." ngiti niya naman dito.
Kumuha naman ito at tumikim. Sa huli ay kumuha ito ng isa at kalahating kilo. Natuwa naman siya dahil may buena mano na siya ngayong araw. Mas lalo pa siyang ginanahang magtinda ng magsunod-sunod na ang mga bumibili sa kanya. Hindi na nga siya magkamayaw sa pagtitimbang ng mga prutas na inaabot sa kanya ng mga mamimili.
"Parang nakita ko na yung babae eh."
"Nabalita yan noon. Kasama yan sa aksidente noon."
"Oo namatay nga yung babae dahil nasagasaan niya. Buntis pa kamo!."
"Kriminal pala yang babaeng yan eh!."
Pinili na lang niyang manahimik at di pansinin ang mga naririnig niyang sinasabi ng mga tao sa paligid niya. Alam naman niya kaseng magsasawa at mananahimik din ang nga ito kapag di niya ito pinansin. Iyon ang akala niya ngunit lalo lamang umugong at umingay ang mga tao.
Dahil dito ay naapektuhan na rin ang mga bumibili sa kanya kaya naman umaalis ang mga ito at lumilipat sa ibang pwesto. Ang kinakasakit pa ng loob niya ay ang klase ng tingin na iniwan ng mga ito sa kanya bago tuluyang umalis. Ang kaninang masiglang benta niya ay nawala na.
Ngunit mas di niya inasahan ang sunod na ginawa ng mga tao.
"Umalis ka na dito! Kriminal ka!." sinimulan siyang pagbabatuhin ng mga kamatis."Wala kang awa! Mamamatay tao ka!." pati na rin ang mga tinda niyang prutas ay hindi nakaligtas sa mga ito. Pinagkukuha ng mga ito ang tinda niya at iyon ang pinangbato sa kanya..
"Wag po! Hindi po ako mamamatay tao! Parang awa niyo na po tigilan niyo na yan!." pakiusap niya sa mga ito ngunit walang nakikinig sa kanya. Wala siyang magawa kundi ang umiwas sa mga pagbabato ng mga ito ngunit hindi siya nagtatagumpay na protektahan ang sarili. Mas lalo pang dumami ang mga taong nakikisali sa nangyayari, patuloy rin ang mga ito sa pagbabato sa kanya ng masasakit na salita.
Hindi pa nakontento ang mga tao at itinaob pa ang lamesang pinaglalagyan niya ng mga prutas. Ang iba naman ay sinusupot na ang mga nadadampot na prutas. Wala ng tinira ang mga ito.
Walang nagawa ang pag-iyak at pagmamakaawa niya sa mga ito kaya pinili na lamang niyang hintaying matapos ang mga ito.
Nanlulumo na lamang niyang tinignan ang kinahinatnan ng pwesto niya ng magsialisan na ang mga ito. Nagkalat ang basag-basag na prutas sa maputik na sahig ng talipapa. Pati ang payong niya ay hindi nakaligtas, napunit at nayupi na ito. Lahat ng pinuhunan niya nawala na.Naluluhang niligpit na lamang niya ang mga gamit niya. Hindi niya ininda ang natamo niya. Iniisip na lang niya na makauwi agad bago pa lumala ang sitwasyon niya dito.
Inabot niya ang basket niya na pinaglalagyan ng kinita niya sa prutas ngunit magaan na iyon, wala ng laman ni piso. Napaluhod na lang siya sa maduming sahig ng palengke sa sobrang panlulumo. Pati rin pala ang pera niya ay hindi nakaligtas sa mga ito. Sa oras na yon pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit.
Pero kung inaakala niyang tapos na ang kamasalan niya sa oras na iyon ay nagkakamali siya.
"Dakpin niyo yan Sir. Kriminal yan! Mamamatay tao yan!." parang wala sa sariling nagpadala na lang siya sa pagkaladkad sa kanya ng pulis paalis sa palengke
..
Halos tatlong oras na ata siyang nakakulong sa prisinto pero ngayon niya palang naramdaman ang sakit ng katawan niya. Putok pala ang dulo ng kaliwa niyang kilay, may bukol din siya sa noo at ulo. Maliban sa mga pasa niya sa katawan ay ramdam niya rin ang pamamaga ng kanan niyang mata, isama pa ang mga gasgas sa tamlampakan niya dala ng pagkaladkad sa kanya ng pulis kanina.
Masisiraan na ata siya ng sarili. Dati na siyang nalagay sa lugar na ito at ito at binalik na ulit siya rito. Isa nga siguro talaga siyang kriminal.
"Sarmiento, may nagpiyansa na sayo." nag-angat siya ng tingin sa pulis ng pagbuksan siya nito ng kulungan. Nagtataka man ay tumayo siya sa pagkakaupo sa sahig.
"Sino ho?." tanong niya. Hindi pa rin niya magawang lumabas ng kulungan dahil masama ang kutob niya. Wala naman kase siyang kahit sinong kamag-anak o kaibigan dito sa Maynila na pwedeng magpyansa sa kanya.
"Timothy Jimenez daw."
Tama nga siya. Saan pa ba ang bagsak niya kundi sa lalaking iyon lamang.
"Ano pa bang tinatanga mo dyan? Lumabas ka na!." asik sa kanya ng pulis."ayoko po. Dito na lang po muna ako." sabi niya rito. Paanong baka paglabas niya ay dalhin siya ng lalaki sa liblib na lugar at doon patayin.
"Ang arte mo! Ikaw na nga ang pinyansahan." lalo pang napikon sa kanya ang pulis.
"Sir hindi niyo po naiintidihan, malaki po ang galit sa akin ng lalaking iyon kaya baka patayin niya ako oras na makalabas ako rito."
"Ang dami pang satsat. Naghihintay na sayo yung tao." hinigpitan niya ang hawak sa bakal na rehas ng simulan siyang hilain ng pulis palabas ng kulungan.
"Ayoko po! ano ba." pilit niyang pumipiglas ngunit hindi rin siya nagtagumpay dahil mahina siya kumpara sa lalaki, isama pa ang nanghihina niyang katawanan.
"Saan niyo po ako dadalhin." lalo siyang nataranta ng tagumpay siya nitong nahila palabas ng kulungan.
"Ayoko po!." pilit pa rin siyang pumipiglas sa hawak nito.
"Pwede bang sumunod ka na lang!." bulyaw sa kanya ng pulis kaya naumid na lang ang dila niya at nagpatianod na lang dito hanggang makapasok sila sa opisina ng prisinto. May nakaupo roon na lalaki ngunit hindi ito ang lalaking inaasahan niyang sasalubong sa kanya. Pormal ang suot ng lalaki, matikas din ang tindig nito.
Tumayo ang lalaki at inabot sa kanya ang kamay nito ng makalapit sila sa tapat nito.
"Miss Sarmiento, I'm Atty. Gerard De jesus lawyer of Mr. Jimenez."Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito kahit nanlalamig ang mga palad niya.
"Pinadala ako ni Mr. Jimenez dito para sunduin ka.""B-bakit po?."
"He just want to settle things with you. So shall we?." nagtatalo man ang loob niya dahil alam niyang anumang oras ay mapapahamak siya ay tumango na lang siya. Kahit ano naman ang gawin niya hindi niya matatakasan ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Ficción GeneralSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...