4

1.2K 21 0
                                    

"Dito na magtatrabaho si Carmela kasama natin." pakilala sa kanya ng head ng housekeeping na si Manang Rosa.

"Uh.. kumusta po?." nagaalinlangan niyang bati. Natatakot kase siyang husgahan din siya nga mga ito tulad ng ibang mga taong nakikilala niya.

"Oks naman kami Carmela!." kindat sa kanya ng isang babae.

"Hala dito ka ba talaga sa department namin? Baka naman mali ng lagay sayo si sir!."

"Oo nga! Ang ganda mo kaya para maging housekeeping lang!." biro pa ng isa.

Tikhim ni Manang Rosa ang nagpatigil sa tsismisan nila tungkol sa kanya.

"Si sir Timothy mismo ang nag-assign sa kanya dito. Kayo na ang tumulong sa kanya sa ibang mga bagay para maging pamilyar siya rito." bilin ni Manang Rosa sa apat pang kasamahan namin. Tatlong babae at isang lalaki.

Hinarap ako ni manang Rosa.
"Iiwan na kita rito. Ang bilin lang sa akin ay sa office ka ni sir Timothy nakatoka, buong 46th floor ang lilinisin mo." inabot ni Manang Rosa sa kanya ang isang manipis na unan at kumot. "Oh eto. Magpahatid ka na lang sa quarters natin. Stay in ka raw dito sabi ni Sir."

Tumango siya.
"Salamat po." tipid na ngiti naman ang tinugon nito at umalis na.

"Ngayon lang ulit kami nadagdagan!." nilingon niya ang babaeng nagsalita. "Hi! Denny pala! Welcome to our team!."

"Jonah!." pakilala naman ng isa pang medyo mas matanda sa kanila.

"Chinita." ngiti naman sa kanya ng isa pa. "Ito naman si Sic boyfriend ko."tinanguan din siya ng lalaki.

Nginitian naman niya ang mga ito.

"Denny ikaw ng bahala kay Carmela. Pupunta na kami sa toka namin." kanya kanya ng tulak ang mga ito ng trolley na may laman ng panglinis nila.

"Goodluck Carmela!." Kindat pa sa kanya ni Chinita na nginitian naman niya pabalik.

Siya at si Denny na lang ang naiwan sa quarters nila
"Halika." hinila siya sa braso ni Denny at dinala sa kabilang kwarto na kadugtong lang ng quarters nila. May apat na double deck na kama sa loob ng kwarto.

"Dito ang kama mo." tinuro nito ang kama niya. Naupo naman siya doon at nilapag ang bag pati na rin ang unan at kumot niya. Sinimulan na nuyang bulatlatin ang laman ng bag niya para ayusin.

"Apat lang talaga kayo dito?." hindi na niya mapigilang itanong.

"Hmm hindi naman. Yung iba kase nagstart na maglinis di mo lang sila naabutan dito." sagot nito. "Pero sa totoo lang kakaresign lang nong tatlong kasamahan namin dito. Medyo strict kase si sir sa kalinisan at kaayusan ng mga rooms dito." hininaan nito ang huling sinabi.

"Kaya ba konti lang kayo dito?."

"Oo. Pero nahahati naman sa tatlo yung quarters para di na hirap magtaas baba. Tayo kase sa taas na floor yung iba sa middle yung iba naman sa mga unang floors, so bale tatlo rin ang quarters and tatlong team." paliwanag nito.

"Pero kahit na marami ang umaalis dito ay di lang naman dahil sa kasungitan o kaistriktuhan ni sir. Iba iba rin naman ang dahilan ng iba kung bakit nagreresign. Sana wag ka rin agad magresign kase ikaw yung medyo kaedaran ko eh. Saka kapag may kakilala ka sabihin mo magapply dito para dumami tayo. " tawa nito.

"Ilang taon ka na ba?." pahabol na tanong nito sa kanya.

"21. Pero ilang months na lang din twenty two na ko." sagot naman niya.

"Ang bata mo pa pala. 25 na ko. 6 years na ako dito at dito na rin talaga ako nagtrabaho nong nagstop ako ng pagaaral." kwento nito.

"Gamutin natin yang sugat mo." suhestyon ni Denny sa kanya at naupo rin sa tabi niya.

"Naku wag na, nalinis ko na rin ito kanina eh." medyo na conscious dahil napansin nito ang mga sugat niya. Kaya naman inabala na lang niya ang sarili sa pagaayos ng mga gamit niya. Mahirap na rin kase baka magtanong pa ito kung saan nanggaling ang nga galos at pasa niya.

Tumango nman ito.
"Narinig ko yung tsismis about sayo. Pero hindi ako naniniwala doon." ngumiti ito sa kanya. "Huwag kang mag-alala hindi kita huhusgahan." hinawakan nito ang kamay niya.

Nangilid na lang ang luha niya ng marinig sa sinabi nito. Ngayon niya lang kase naramadaman na may kakampi siya, na nay nakakaintindi sa kanya at naniniwala.

"Salamat. Maraming salamat."

"Hala napaiyak kita! Tahan na. Huwag kang mag-alala ako ang kakampi mo rito." hinila siya nito at niyakap.

..

Tulak tulak ang trolley niya ay pumasok na siya sa opisina ni Timothy. Malapit ng mag-ala sais ng umaga at kailangan niyang matapos sa paglilinis ng buong floor ng alas-otso dahil dumarating daw ito sa opisina ng maaga.

Kailangan niyang magtrabaho bilang janitress sa hotel nito para mabayaran ang pinangpyansa nito sa kanya kahapon. Ngunit alam naman niyang hindi lang dahil doon. Kaya hinahanda na lang niya ang sarili sa maari nitong gawin sa kanya.

Inumpisahan niya ang paglilinis ng malawak na salamin kung saan masisilip ang kamaynilaan. Sinunod naman niya ang mesa nito. Hanggang sa napansin niya ang picture frame na nakapatong dito.

Litrato pala ito ng Girlfriend nito. Ang babaeng pinatay niya. Masaya ang mga ito sa litrato habang nakataas ang kamay ng babae sa ere para ipakita ang nangingintab na diyamante sa singsing nito. Mas lalo lamang siyang nakonsensya sa nangyari, pinagkait lang naman niya sa kanila ang maging masaya.

"WHY ARE YOU HOLDING THAT!!." nabitawan niya ang picture frame sa gulat. Kumalat sa buong opisina ang tunog ng pagkabasag non.

Gulat siyang napatingin kay Timothy na palapit na sa kanya. Mabilis siyang lumuhod para pulutin ang nabasag na frame.

"Sorry po. Sorry po talaga. Hindi ko sina--." pero marahas lang nitong hinila ang braso niya para itayo siya.

"LOOK WHAT YOU HAVE DONE! YOU PIECE OF SH*T!." napaigik siya sa higpit ng hawak nito sa braso niya. Pakiramdam niya ay madudurog ang laman niya sa sobrang higpit ng hawak nito.

"Masa.. kit po." daing niya rito. Ngunit parang wala lang itong pakialam habang pinapatay siya nito ng tingin.

"I COULD JUST KILL YOU RIGHT NOW! BUT THAT WOULD BE TOO EASY FOR SOMEONE LIKE YOU!." tiim ang bagang nito sa galit.

"Patawad po... h-hindi na ma-uulit." iyak niya rito. Pabalibag siya nitong binitawan.

"GET THE F*CK OUT OF HERE!! BEFORE I COULD KILL YOU!!."

..

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon